3rd Pov
Isang taon na ang lumipas magmula ng mamatay si Bryle, Walang araw na hindi binisita ni Brit ang Lapida ng minamahal niya. Panay parin ang kwento nya dito na tila ito ay buhay pa, biglang tumunog ang cellphone ni Brit, agad niya itong sinagot."You have new Mission Brit, assassinate Mr. Albert Aguillar the other details is on your email, just check it"
Agad pinatay ni Brit ang tawag at nagpaalam na kay Bryle, ibinalik nya ang baril ni Bryle sa isang kahon na katabi ng lapida ni Bryle. Muli siyang tumingin sa lapida bago tuluyang umalis.
Makalipas lang ang ilang minuto ay may lumabas na isang taong naka itim na hood, lumapit sya sa lapida ni Bryle at pinagmasdan ito, umupo sya at kinuha ang Nakatagong baril dito. Hinimas himas nya iyon na tila ba ang tagal nyang hindi nahawakan iyon.
"Its been a year since i see and touch you," nakangiting sambit ng taong may hawak sa baril ni Bryle.
" I'm back again, I will raise this gun for you" nakakatakot na usal ng taong nakaitim. Unti unti itong naglakad at pumasok sa kakahuyan at kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagkawala rin sa dilim ng taong nakamaskara.
BINABASA MO ANG
Raise Your Gun
БоевикKeep your enemy closer to you and dont you dare fall inlove with him -unknown