CHAPTER FIVE

48 23 17
                                    

BRIT'S POV
Alas onse ng gabi magsisimula ang plano ko. Nakahanda na ang lahat ng gagamitin ko. Tatlong baril at siyempre, ang paborito kong swiss knife.
Hindi ko alam pero sa ilang oras kong paghihintay, puro pag- iyak ang ginawa ko. Ilang beses kong binalak na hindi ituloy ang misyon, pero nang malaman ko na siya ang pumipigil sa mga nag-daan na misyon ko, muli kong naalala ang Nag- iisang batas ng boss namin.
"ANG KALABAN AY PINAPATAY KAHIT ITO PA ANG PINAKA MAMAHAL MO. YOU ARE RESPONSIBLE FOR THIS JOB. COMPLETE ALL THE MISSIONS."

Tumingin ako sa orasan. 10:30 P.M. Naghanda na ako para umalis iniwan ko ang cellphone at dinala lang ang maliit na device.

3rd Pov
Dumating na si Brit sa abandonadong building, maingat ang mga galaw niya wala kang maririnig na yabag ng kanyang sapatos. Nakapwesto na sya sa madilim na parte ng gusali. Tanging ang liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ilaw sa lugar na iyon.
Napakalamig at napakatahimik sa paligid ni Brit. Naririnig nya ang malakas na tambol ng puso nya, nanganga-hulagan lamang ito na kinakabahan siya. Sa lahat ng misyon na ginawa ni Brit, ni minsan hindi sya kinabahan ng ganito.

Nakapikit ang mata at pinapakiramdaman niya ang paligid habang hinihintay ang pagdating ng minamahal nya. Ilang minuto ang lumipas ay nakarinig siya ng mga yabag papunta sa kinaroroonan nya agad syang pumwesto at hinanap kung nasan na siya ngunit, laking gulat nya ng may malamig na bagay na nakadikit sa kanyang ulo.

"One move and you'll die" malamig na sambit ni Bryle sa kanya. Kahit nakakatindig balahibo ang bigkas ng binata ay hindi parin sya natinag. Agad nyang inapakan ang paa nito tsaka hinila ang kamay ng binata at pinilipit ito.

Aaaarrghhhhhh" malakas na sigaw ni Bryle, tila natauhan si Brit kaya binatawan nya ito at sinipa ang mukha ng binata.

Mabilis kumilos si Bryle at marahas na hinigit si Brit papalapit sa kanya. Nagulat si Brit sa ginawa ni Bryle kung kaya't bigla siyang nawala sa konsentrasyon. Nagkaroon ng pagkakataon si Bryle agad niyang itinarak ang kutsilyo sa tagiliran ni Brit.

"Aaahhh" sigaw ni Brit sa sobrang sakit ng pagtarak ng kutsilyo sa tagiliran nya. Mabilis siyang tumakbo palayo sa binata at dali daling kinuha ang swiss knife sa bulsa ng jacket nya at inihagis ito kay Bryle, agad naman itong naiwasan ng binata ngunit nadaplisan ang balikat nya at nagresulta ng sobrang pagdudugo ng kanyang balikat.

Nagpatuloy lang ang paglalaban nilang dalawa, walang gustong magpatalo kapwa sila sugatan at pagod na.

Brit's Pov
Pagod na ako, gusto ko nang matapos ito, alam niya ba na ako ang nilalabanan niya ngayon?.

Kapwa kaming nakatitig sa isa't isa at hinihintay ang magiging galaw ng bawat isa.

"It's been a long time ago since i had a mission like this, and I'm happy that you are my mission Britania "

Namilog ang mata ko dahil sa sinabi nya. Paano nya nalaman na ako ito? Kailan nya pa nalaman? Nagbalik ako sa ulirat ng bigla nya akong  paputukan, nakailag ako at nakipagsabayan din sa pag papaputok ng baril, nakita kong dumaplis ang bala sa balikat niya. Kinuha ko ang pagkakataon na yun upang ibato ang swiss knife ngunit napatigil ako ng maalala ko kung sino ang papatayin ko. Nakita ko na tinutok nya na sakin ang baril na hawak nya at kakalabitin nya na ito ngunit inunahan ko na sya, malakas kong ibinato ang swiss knife ko sa kanya, kasabay ng pagtulo ng luha ko ang pagbagsak ng minamahal ko sa sahig.

Unti unti akong lumapit sa kanya,

"Bri--tani-a" pabulong na sambit nya sa akin, nagtataka ako dahil kilala nya ako.

"Bryle Im sorry, im so--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ng ilapat nya ang daliri nya sa labi ko.

"No n-eed to -s-ay sor-ry, I lo-ve y-ou my girl al-ways re-member th-at" unti unti nyang ipinikit ang mata niya kasabay ng pagtigil ng hininga nya ang pagluha niya.

Hindi ako makapaniwala na pinatay ko ang minamahal ko, wala na si Bryle wala na siya at hindi ko na mababalik ang lahat sa dati.

Muli akong lumapit sa kanya at kinuha ang baril nya may nakaengraved dito na pangalan niya kinuha ko yun at itinago.

Pinindot ko ang maliit na device upang magreport sa boss ko.

"Mission accomplished." Agad kong pinatay ang tawag. Muli kong tinignan ang bangkay ni Bryle.
"I love you,Bryle. Forgive me," pabulong kong sinabi at kahit hinang-hina na ay nagawa kong umalis sa lugar na iyon.

Raise Your GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon