[MIYUMI POV]Nandito ako sa cafeteria habang kinakain ang order ko na topsilog at cappuccino. Konti palang ang mga istudyante dito sa university at halos nag aalmusal lang din ang mga kasabay ko na kumakain dito sa loob ng cafeteria.
*yawn*
Muli akung nag hikab dahil sa antok.
Maagang nagigising si Blake. At kailangan kong mas maaga or maunahan siyang magising para hindi na kami magkita sa loob ng bahay nila at para maiwasan na din ang mga hindi magandang nangyayari tulad nalang ng nangyari kanina *pout*
Okay na siguro ang 3am ako magigising at aalis ako ng 4:30am. Oo tama, ganun nalang siguro ang gagawin ko. Ts.
Inubos kona ang cappuccino na order ko at lumabas na din ng cafeteria.
Para akung zombie na naglalakad ngayon patungo sa room namin. Doon nalang siguro ako mag papalipas ng oras dahil 6:30 palang at mamaya pang 8:00 ang first class ko.
Habang naglalakad ako sa may hallway nitong second floor ay bigla akung may narinig na mga kaluskos, at mahihinang mga boses na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
Mas lalo kung binagalan ang paglalakad ko paakyat ng hagdan dahil mukhang nasa taas ang mga taong nag uusap, dahan dahan akung sumilip sa may taas ng hagdanan na nag dudugtong sa second at third floor kung nasaan ako ngayon.
Fifth floor pa kase ang Room ko at may elevator naman pero hindi ko ba alam kung bakit dito pa ako sa hagdanan dumaan.
Nasa may madilim na parte ang dalawang tao na nag uusap, ang isa ay mukhang babae at isang lalake dahil nakikita ko ang bawat galaw ng mga anino nila.
Medyo madilim pa kase dito at nakabukas pa ang iilang mga ilaw sa mga lamppost na nagkalat dito sa university dahilan para masinagan sila.
Wala naman akung pakialam sa mga pinaggagawa nila doon at mas lalung wala akung balak na maki isyoso sa usapan nila kaya bababa nalang ako ng hagdan dahil kung ipag papatuloy ko ang pag akyat baka makita pa nila ako at isipan ako ng masama kaya bababa nalang ako at gagamit ng elevator para makaakyat ulit!
Napahinto ako sa pagbaba ng marinig ko ng pinag uusapan nila.
Natigilan ako dahil parang pamilyar saakin ang boses na yon.
"Bitawan mo nga ako Paul! Baka may makakitang estudyante saatin" inihakbang ko ang paa ko ng isang baitang at sumilip doon sa pinaggagalingan ng boses at hindi nga ako nagkamali. Si ma'am Elise yon.
At kausap niya ngayon si Sir Paul, siya ang instructor ng varsity team dito sa university at nag tuturo din siya ng College physical education.
Gwapo si Sir Paul at marami ding mga babae dito sa university ang nahuhumaling sa kagwapuhang taglay niya, at may usap usapan din na may relasyon silang dalawa noon. Pero hindi ko alam kung totoo yon.
"Wag mung ibahin ang usapan Elise! Ano ba ang meron sa lalaking yon na wala saakin ah? Bago lang siya dito pero baliw na baliw kana agad sakanya!" Hatalang galit na saad ni Sir Paul at inayos ang pagkasabit ng gym bag niya sa kaliwang braso niya.
"Yes, he's just new here but we had a enough time to get to know each other, imagine? Almost three years na kaming magkakilala dahil sa iisang university lang kami nag aral noon sa ibang bansa. Sapat na siguro ang mga taon na yon para mahalin ko siya ng husto" sabi sakanya ni Ma'am Elise na ikinagulat ko.
BINABASA MO ANG
My Professor is My Ex Fiance (Complete)
RomancePaano kung malagay ka sa isang sitwasyon na kung saan magkikita ulit kayo ng isang lalaking inalayan mo ng buong buhay mo noon? Lalaki na minahal mo at alam mong mamahalin mo parin kasabay ng pag lipas ng mga panahon. Pero sadyang mapagbiro ang tadh...