[MIYUMI POV]Magkahawak kamay kami ni Blake habang palabas sa isang souvenir shop. Gusto ko kasing bumili ng mga souvenirs dito sa baguio dahil hindi naman kami nakabili kahapon kase napatagal ang pagpasyal namin kung saan saan kasama si Liam.
"May bibilhin kapa ba?" Tanong niya habang palabas kami.
"Hmm" sagot ko na parang nag iisip habang nakangiting pinagmamasdan ang mga keychain na may nakaukit na pangalan ni Liam, tapos yung isang keychain naman ay pangalan ni Blake ang nakasulat at yung isa ay pangalan ko naman. Then binilhan kona din sina mama at ate Roxanne."Ah! Oo nga pala, gusto ko ng peanut brittle at nung raisin bread nila dito. Pati na rin ng ube and strawberry jam bili tayo" sagot ko at nakangiting tumingin sakaniya.
"Yun lang?" Tanong pa niya.
"Bakit? May gusto kapabang bilhin?" Taka kung tanong sakaniya. Seryoso niya akung tinignan sabay bitaw sa pagkahawak sa kamay ko."Gusto mo pa talagang---" hindi kona siya pinatapos
"Oo na! Bibili pa tayo ng choco flakes na gusto mo. Hindi ko pa naman nakalimutan yon" sabi ko at niyakap siya sa braso niya.
"So balak mo palang kalimutan?" Tanong pa niya habang hindi naaalis ang pagkaseryoso sa kanyang mukha."Bakit ko naman makakalimutan yung paborito mo?" Agad umaliwalas ang mukha niya at muling hinawakan ang kamay ko.
"Talagang hindi mo dapat kalimutan" sabi pa niya at hinila na ako papunta sa kung saan "naalala mo ba yung last tayong bumili ng choco flakes?" Tanong niya habang nakangisi.
"Paano ko naman makakalimutan yon eh tumakas pa tayo kila Papa para lang makabili ng choco flakes mo? Alam mo bang napalo ako nun ni Papa dahil hindi tayo nag paalam sakaniya? Hello? Baguio to at kasama natin ang parents ko na pumunta dito at hindi naman natin masyadong alam ang pasikot sikot dito tapos ang lakas pa ng loob mong tumakas para lang bumili ng choco flakes? Paano kung naligaw tayo nun?" Tanong ko sakaniya dahil kapag naaalala ko ang pangyayari na yon ay gusto ko talagang bugbugin si Blake. Inirapan ko siya dahil tumawa lang ang mokong, aalisin ko sana ang pagkahawak niya sa kamay ko ng mas lalo niya itong hinigpitan. Hindi ko nalang yun pinansin at tinuloy na ang paglalakad."Teka, eto na pala ang keychain mo" sabi ko at binigay yung keychain na may pangalan niya.
"Ayoko niyan" mabilis niyang sagot.
"Eh anung gusto mo? Sabi mo gusto mo din nito?" Taka kung tanong sakaniya at pinakita ang hawak kung mga keychain. Nagulat ako ng bigla niyang kunin ay isang keychain na may pangalan ko.
"Eto nalang" aniya at mabilis yung binulsa.
"Ah? Nababaliw kaba? Akin yang keychain eh!" Hiyaw ko pero hindi niya manlang ako pinansin at nauna ng lumapit sa isang stall kung saan makakabili ng mga peanut brittles."Bilisan mo diyan, baka kanina pa tayo hinihintay ni Liam sa hotel" mabilis akung lumapit sakaniya ng maalala si Liam.
Tulog siya ng iwan namin doon sa hotel kasama si Mama at sina Tita Angelica. Uuwi na din kase kami sa manila mamayang tanghali dahil may pasok na bukas at kung hihintayin pa naming magising si Liam at isama dito baka lalo lang kaming mag tagal at hindi agad makauwi ng maaga.
~/~
After naming namili ng mga kung ano ano, nag madali na kaming makabalik sa hotel ni Blake dahil 11:30am na. Dapat ay tapos na niyan kaming mag lunch para makapag byahe na pauwi.
Hays. Bakit parang kulang ang one week na bakasyon namin ni Blake?
Ayoko pang pumasok bukas.
Dahil,
Last day na namin to' ni Blake.
Last day para sa mga kahibangan namin. Sinabi niya kanina na kahit ngayon lang daw ay kalimutan muna namin ang realidad.
Yung professor ko siya, at may iba siyang girlfriend.
Isipin muna daw namin si Liam at ang mga sarili namin, kahit ngayong araw lang.
BINABASA MO ANG
My Professor is My Ex Fiance (Complete)
RomancePaano kung malagay ka sa isang sitwasyon na kung saan magkikita ulit kayo ng isang lalaking inalayan mo ng buong buhay mo noon? Lalaki na minahal mo at alam mong mamahalin mo parin kasabay ng pag lipas ng mga panahon. Pero sadyang mapagbiro ang tadh...