CHAPTER 29

10.5K 216 16
                                    


[MIYUMI POV]


"Congrats anak, proud kaming dalawa ng papa mo sayo" nakangiting sabi ni Mama sabay yakap saakin. Niyakap ko din siya ng mahigpit habang pilit na pinipigilan ang pag tulo ulit ng luha ko. Sa wakas, tapos na din ang lahat ng mga paghihirap ko. At hindi lang ito ordinaryong araw kundi isang especial na araw to para sa aming lahat na nakagraduate na. Hindi to isang katapusan kundi simula palang ng panibagong araw para sa bawat pangarap naming lahat.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na tapos na ako sa pag aaral. Nasa kamay kona ang tagumpay kaya hindi kona ito papakawalan pa.

"Para sainyo po ang lahat ng ito Ma," sabi ko matapos ko siyang yakapin ng mahigpit.

"Miyumi" mabilis akung napatingin kay Jicell na palapit saamin ni Mama kasama sina Hanz at William.

"Hi Tita" bati nila kay Mama
"Ang ganda niyo pala kapag naka make up lalo kana Miyumi" sabi ni Hanz, sabay kaming natawa ni Jicell
"Edi kapag wala kaming make up pangit kami ganon?" Tanong ko naman
"Hindi naman sa ganon, ang ibig naming sabihin mas lalo kayung gumanda diyan sa make up niyo" si William ang sumagot.

Napailing nalang kami ni Jicell. Sabay kase kaming nagpa make up ni Jicell sa isang Make up artist na kinuha ni Mama, sayang naman kung mag hihire pa ng sariling make up artist si Jicell kaya inisa nalang namin.

"Anyway Congrats" sabay sabay nilang bati saakin.
"Congrats sa ating lahat" nakangiting saad ko at niyakap sila "Proud ako sainyong tatlo, lalo na sayo Hanz" sabi ko pa at masayang tumingin kay Hanz. Summa cum laude kase siya at hindi ako makapaniwala though alam ko naman na kaya niya.

"Maliit na bagay Miyumi" pagmamalaki niya

"At proud din kaming tatlo sayo, dahil sa kabila ng lahat ng mga nangyari naging matatag ka parin." saad ni Jicell at muli akung niyakap. Alam kona kung anung ibig niyang sabihin.

"Sabi kase ni Hanz kanina sa speech niya, don't let struggles defeat us, instead let's make those struggles be our weapon to defeat itself." Nakangiti kung sagot. Napatingin ako kay Hanz ng bigla niya akung akbayan.
"Na i inspire ka nanaman saakin ah" kunwari ko siyang sinamaan ng tingin.
"Ano kaba Hanz, sa quote mo siya na inspire hindi sayo" natatawang saad ni Jicell
"Ganon na din yon" sagot niya lang at inalis ang pagkaakbay sa balikat ko.

"Anyway, maauna na kami ni Mama, ah? May pupuntahan pa kase kami" paalam ko sakanila,
"Wait mag pa picture muna tayong apat, wala pa tayung picture na magkakasama eh" sabi ni William.
"Hmm okay sige" sang-ayon ko.

After naming magpapicture ay agad na akung dumiretso sa comfort room para magpalit ng damit. Nag pahintay nalang ako kay Mama sa may Waiting sheed sa labas ng university.

Nang makapasok ako sa loob ng comfort room ay hinubad  ko na ang suot kong graduation gown at nilagay sa dala kong malaking paper bag kasama ang  mortar board nito. Nakadoble naman na ako ng dress na suot ko kaya hindi kona kailangang mag bihis ulit.

Then tumingin muna ako sa malaking salamin para tignan kung maayos pa ang make up sa mukha ko, sayang naman kung agad masisira dahil naghire pa talaga ng make up artist si Mama para dito sa make up ko, actually ayoko talagang mag make up ng sobrang bongga tulad nito pero sabi ni Mama kailangan ko daw maging sobrang ganda dahil isa itong especial na araw para saakin at isang beses lang to mangyayari sa buong buhay ko.

Para namang ang pangit ko kung walang make up huh?

Pagkatapos kung mag ayos ay lumabas na din ako ng comfort room dala ang malaking paper bag na laman ang graduation gown ko. Ibabalik din naman namin to bukas dahil hindi naman namin to binili at inarkila lang namin to dito sa university.

My Professor is My Ex Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon