[MIYUMI POV]"Miyumi" Sigaw ni Jicell ng makita niya ako na mag isang naglalakad dito sa university. Tinanguan ko lang siya at tinuloy na ang pag lalakad ko.
Ayoko sanang pumasok ngayong araw dahil kulang ako sa tulog pero hindi pwede kase friday ngayon at sa monday na ang camp week namin at kailangan naming tumulong sa pag p-prepare ng mga kailangan namin dalhin sa pupuntahan namin na ip-provide nitong university.
"Miyumi! Bakit hindi ka namamansin ah? Galit kaba saakin?" Tanong ni Jicell ng malapitan niya ako, umiling ako
"Masama lang ang pakiramdam ko" pagdadahilan ko at nagsimula ng maglakad.Agad naman siyang sumunod saakin at sumabay na mag lakad
"Alam mo may sasabihin ako sayo" sabi niya habang nakangiti.
"Ano yon?" Tanong ko at tumingin sakaniya..
"Luh, umiyak kaba? Bakit namamaga yang mga mata mo?" Mabilis akung umiwas ng tingin. Mukhang kailangan kung lagyan ulit ng concealer ang mga mata ko."Excuse me. Comfort room lang ako" paalam ko at umiba na ng daan papuntang comfort room.
Pag pasok ko sa loob ng CR ay agad ko ng kinuha ang concealer ko na nakalagay sa dala kung maliit na pouch at naglagay na sa mga mata ko.
Grabe ba ako nakaiyak kagabe kaya sobra ang naging pamamaga ng mga mata ko ngayon? Ang laki din ng eye bags ko dahil halos tatlong oras lang ang naging tulog ko kagabi or should I say, kaninang madaling araw.
"OMG! Nabasa mo ba ang status ngayon ni Ma'am Elise sa FB? In relationship na sila ngayon ni Sir Blake" dahil sa gulat ay nabitawan ko ang concealer na hawak ko dahilan para mapatingin yung dalawang babae saakin. Hindi nalang ako nagpahalatang nagulat dahil sa pinag uusapan nila at agad ng pinulot ang concealer ko na nahulog.
"Really? Bagay naman silang dalawa. Nakakatuwa nga dahil may bago nanamang love team ang University" sabi pa nung isang babae na medyo kulot ang buhok.Hindi ko nalang sila pinansin at agad na ding lumabas ng Comfort room.
Kaya pala ayaw niyang maniwala sa sinasabi ko dahil may girlfriend na siya? Edi sila na. Akala niya siguro ay hahabulin ko siya. Napalaki ko nga ng dalawang taon si Liam na wala siya sa tabi ko tapos ngayon pa ba ako mag hahabol sakaniya?
Bahala siya sa buhay niya. Ang mahalaga ay nasabi kona sakaniya ang totoo.
~/~
"Call time on monday is 3am sharp. Exact 4:00am ay aalis na ang service natin bahala kayo kung gusto niyong magpaiwan. Every group will consist of 5 members. Then yung mga ka group niyo, sila din ang makakasama niyo sa isang tent. Large tent naman ang gagamitin natin kaya no need to worry." Sabi nung class representative namin na si Bryan.
"Ang malas naman natin dahil sina Eunice pa ang naging ka group natin. Para tuloy ayoko ng sumama" bulong ni Jicell
"Hayaan mona, wala na tayong magagawa" sabi ko naman sakaniya.
"And gadgets are strictly not allowed during the camp week. Kung mag dadala kayo ng cellphones i co-confiscate din yon. Maliwanag?" Sabi ulit ni Bryan. Paano ko niyan matatawagan sina Liam kung bawal pala ang cellphone bukas. Five days kami doon sa camp site siguradong ma mimiss ko ang baby ko."Questions?" Tanong niya.
"Hmm bry!" Sabi ni Eunice sabay taas ng kanang kamay, mukhang alam kona kung ano ang sasabihin nito.
"Paano kung hindi mo gusto ang mga ka group mates mo? Pwede pa bang mag palit ng group?" Tanong niya sabay tingin saamin. Sabi ko na nga ba eh."Naku! Makakatikim talaga saakin ang babaeng to'" bulong ni Jicell.
"Don't worry Eunice ayaw ka din naming makagroup at makasama sa iisang tent so it's a tie." Hinawakan ko ang braso ni Jicell para pigilan.
BINABASA MO ANG
My Professor is My Ex Fiance (Complete)
RomancePaano kung malagay ka sa isang sitwasyon na kung saan magkikita ulit kayo ng isang lalaking inalayan mo ng buong buhay mo noon? Lalaki na minahal mo at alam mong mamahalin mo parin kasabay ng pag lipas ng mga panahon. Pero sadyang mapagbiro ang tadh...