Hingal na hingal na dumating si Jason sa bahay ni Tony matapos nito tumakbo sa sobrang pagtaranta matapos narinig ang nangyare kay Tony.
Nakita na lang niya ang nakatulalang si Melvin na tahimik na lumabas sa bahay.
"Bro si Tony---" hindi na niya matapos ang sasabihin niya dahil hindi siya pinansin at nilampasan pa siya nito.
Hindi na lang niya muna pinansin ito, dali dali siyang pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto ni Tony.
Nadatnan na lang niyang walang malay ang babaeng nakahiga sa kama habang ginagamot ang kanyang braso.
Napatingin siya sa kabuoan ng kwarto nito, magulo ang mga gamit at kalat kalat itong mga ito. Nakita na lang din niya ang isang basag na vase na punom puno ng dugo.
Agad niya naisip na ito ang ginamit ng babae para saktan ang sarili, napamura sa isip si Jason.
"Doc nandito ka na pala." gulat na saad ng ina ng babae. "Sorry ahh, bukas ka pa sana magsimula ngunit dahil sa nangyare sa kanya ay kailangan ko na ng sagot."
"Okay lang po maam, ano po ba ang nangyare?" lumapit siya sa kama atsaka tinabihan ang ina ni Tony, tiningnan ang kalagayan nito. Napamura na lamang diya sa isip niya nang makita kung gaano kalalim ang sugat nito.
Kinuwento ng ina kay Jason ang nangyare mula sa simula na nagsisigaw ito hanggang sa mga sinabi ni Tony kay Melvin. Hindi maiwasang mapaiyak ang ina sa nangyare sa anak.
Hindi lubos na maisip ng ina na may alam si Melvin sa nangyare kay Tony at inilihim pa ito sa kanya.
Mas lalo niyang ikinagalit nung nalaman niyang kaibigan pala ni Melvin ang dahilan.
Napamura sa isip si Jason matapos magkwento ng ina ni Tony, kaya pala gustong umalis ni Tony dito dahil imbes na matulungan siya ng Melvin na yun, mas lalo lang niya pinapalala ang lahat.
"Ang lalalim nung mga sugat niya ma'am. " Yun na lamang ang lumabas sa bibig ng lalaki kahit marami pa siya gusto na tanungin ngunit hindi ito ang tamang oras.
"I already called our family doctor iho, pero iho sa tingin mo ba kailangan ko na talaga siya iadmit sa mental hospital? Hindi ko kasi kaya na ilagay ang anak ko doon, hindi naman siya baliw." Kinakabahang tanong nito.
"No tita she don't need to be admitted, ang kailangan lang po gawin sa ngayon ay ilayo muna sa kanya ang lahat ng pwedeng magpaalala sa kanya. We need to give her some time hanggang sa kaya na niyang iharap ang lahat ng problema."
"Don't worry tita pagkagising niya I'll try to talk to her." Dagdag niya pa.
Mapait na nginitian ng nanay ni Tony si Jason.
Habang hinihintay ni Jason na magising ay dalaga, dali daling naglinis ang mga katulong sa bahay.
Naghanda naman si Jason sa mga tatanungin niya sa dalaga habang patuloy silang nag uusap ng ina ni Tony.
"Ma'am gising na po si Ms. Tony."
Tiningnan ng ina si Jason atsaka siya nginitian ng mapait, "Go on, comfort her please."
Tinignan ni Jason ang nanay ng dalaga atsaka tinanguan ito. "I'll give my best ma'am.
Huminga muna ng malalim si Jason bago siya pumasok sa kwarto ng dalaga.
Nadatnan niya tong nakatulala sa kawalan na parang walang nangyare kanina.
"Kamusta ka Tony?" tanong ni Jason.
Hindi niya maiwasang kabahan sa sitwasyon ngayon.
"Hindi ka naman siguro tanga noh? Or wala ka lang talagang common sense?" napalunok si Jason sa sagot ni Tony, sinasabi na nga bang sakanya ibubunton ang galit na nararamdaman ni Tony.
"Tony, I need to know what you feel, I'm your psychiatrist remember?"
"I thought nakakabasa ng isip ang mga psychiatrist? Hindi naman yata totoo o sadyang tanga ka lang talaga." Nagpipigil si Jason na magsalita ng masama kay Tony, inaalalahanan lang niya na inilalabas lang sa kanya ang galit na nararamdaman nito.
Ito ang trabaho niya, ang pakalmahin at pagalingin ito.
"Nakakabasa naman ako ng isip pero iba pa rin kung sasabihin mo sa akin."
Nananatiling tahimik pa din ang paligid na ikinabuntong hininga ni Jason. Well I'm not surprised.
Hindi na nag eexpect ang binata na sagutin ng dalaga ang tanong nito.
"Galit ako." napalunok si Jason sa sinabi ng dalaga. Hindi niya aakalaing ilalabas nito ang sama ng loob sa kanya.
"Galit ako sa lalaking yun, sa nanay ko at sa lahat ng mga tao dito sa bahay na to."
"Ang gusto ko lang naman ay ilayo ang lalaking yun sa akin pero bakit ba nila pinipilit na ilapit sa akin yun?" hindi mapigilan ni Tony na mapaiyak na ikinagulat ng binata.
Sa sobrang gulat niya hindi niya namalayang niyakap na pala niya ang dalaga at hayaang basahin ang damit nito gamit ng luha ng dalaga.
"Hush, I'm sorry sa nangyare, don't worry hinding hindi na makakaapak ang lalaking yun sa bahay nito." sabay hagod sa buhok nito upang kumalma.
Nanigas ang katawan niya nang maramdamang niyakap siya pabalik ng dalaga.
Fucking hell.. Hindi maiwasang isipin ni Jason.
Now that nag uumpisa nang mag open sa kanya ang dalaga, gusto na niyang protektahan to sa kahit anong panganib at ayaw na niya makita pang umiiyak ito.

BINABASA MO ANG
I Wanna Die
General Fiction"I wanna die right now! And no one can stop me!" This story is all about the girl who wants to kill her self but everybody and everyone stop her....even him. Warning: This story is not good for those people na mahina sa mga nakakadiri na eksena. Th...