Enjoy Reading~~
-------
"What do you want?" tanong ko sa pumasok sa kwarto ko.
"Anak, I'm so sorry hindi ko alam na may kinalaman siya sa nangyare sayo noon. Akala ko---"
"Don't feel sorry because of what happen, feel sorry kasi ni isang beses hindi ka man lang nakinig sa akin." Malamig kong tugon na ikinatigil niya.
"Hindi mo ba alam kung bakit iniwan tayo ni dad? Dahil ni isang beses hindi ka nakinig sa kanya---"
Nasapo ko ang pisngi ko nang nakatanggap ako ng isang sampal mula kay mama.
Tiningnan ko si mama at bakas sa mukha niya ang gulat at takot.
"Anak, sorry, sorry hindi ko sinasadya."Napatawa ako ng malakas na ikinatigil niya muli, napatawa ako hindi dahil nagso sorry siya kundi wala akong maramdaman na kahit anong sakit mula sa sampal niya.
Pero hindi ako masaya, I just want to laugh."I can't feel anything, fucking hell." atsaka tiningnan siya ng blanko, "You know why I want to hurt myself? Kasi wala akong maramdaman na kahit ano, I want to feel something, pero wala ehh puro dismaya lang ang nararamdaman ko simula nung kinulong niyo ko sa bahay na to."
Napahagulgol na lang si mama sa mga sinasabi ko. Pero wala akong maramdamang awa, pero nalulungkot ako. Nalulungkot ako dahil sa sarili ko, sa mga nangyare sa akin. I really want to end my life.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok roon, agad naman pumasok yung katulong pagkatapos ng tatlong katok at halata sa kanyang kinakabahan siya.
"Ma'am may bisita po kayo."
Tiningnan ko si mama at hindi pa din siya tumitigil sa pag-iyak at sa paghingi ng tawad sa akin kaya tinignan ko yung katulong.
"Sino siya?" Malamig kong saad.
"Fiance daw po ng daddy niyo." napatigil si mama at nanlaki ang matang nakatingin sa akin, ngunit wala akong maramdaman na kahit ano.
"Stay here anak, ako na ang kakausap." inayos muna ni mama ang sarili niya bago lumabas ng kwarto habang ako naman ay napatitig na lamang sa pinto.
Napangiti ako ng mapait, iniwan kami ni dad nang dahil sa akin, nung unang buwan ko matapos ako ma diagnose ng depression, agad kami sinukuan ni dad matapos ko ma-hospital ng ilang beses dahil nagtangka akong magpakamatay.
Gusto ko makita yung mapapangasawa ni dad. Kaya lumabas ako ng kwarto.
Napakunot noo ako nang makarinig ako ng sigawan mula sa unang palapag ng bahay.
Tinignan ko yung nangyayare sa baba at nagulat nang makitang nakaupo na si mama sa sahig habang yung babae naman ay nakangising nakatingin kay mama.
"Isang buwan na lang ang itatagal niyo sa bahay na to dahil sa oras na ikasal na kami ni Albert, ipapalayas kita sa bahay na to kasama ang anak mong baliw dahil dito kami bubuo ng pamilya ni Albert." Nagpintig ang tenga ko sa sinabi nito, I thought magaling mamili si dad sa ipapalit kay mama pero mukhang mali ako, fucking gold digger.
What? Akala ko kay mama nakapangalan ang bahay na to?
And what's with this bitch? Ang daming bahay ni daddy pero dito niya gustong manirahan?
"Please huwag mo kami paalisin sa bahay na to, ginawa ko naman na ang lahat ng gusto niyo ni Albert huwag mo lang kami paalisin sa bahay na to, ito na lang ang natitira naming alaala ni---"
"Ni Albert? Oh come on ex wife, uso magmove on, masaya na si Albert sa akin, atsaka ang memories lang naman nang meron kayo dito ay ang kabaliwan ng anak niyo." hindi na ko makatimpi at nagpakita ako sa kanila.
"Are you done?" Napatigil ang babae sa pagsasalita atsaka napatingin sa akin.
"Are you done talking shit?" pagtutuloy ko. Nagbakas naman ang galit sa mukha ng babae.
"Anong sabi mo?" Nanggigigil sa galit ang babae habang nakatingala at tinitignan ako na nakaupo dito sa hagdan.
"I really thought na mas magaling at mas matalino kay mommy ang papalit sa kanya kay dad pero mukhang ganda lang ang meron sayo, bingi pa." Nginitian ko siya ng nakakatakot.
Tumayo ako atsaka nagstretch, nananatiling nakaupo pa din si mama sa sahig na mukhang wala nang balak bumangon. Funny
"Bawiin mo ang sinabi mo bitch!" nginitian ko lamang siya habang dahan dahang bumaba sa hagdan.
"Huwag kang lalapit baliw!" Halatang natatakot siya sa presensya ko lalo na at naglalakad ako papalapit sa kanya.
"Huwag ka sabing lalapit, ayokong lapitan ang isang katulad mong maduming babae!" napatigil ako sa sinabi niya.
Ewan ko pero nararamdaman kong nag-init ang ulo ko atsaka nasasaktan ko.
Hindi ko namalayang nakatayo na pala si mama at hinawakan ang braso ng babae. "Huwag na huwag mo idadamay ang anak ko sa gulong to, Serina. Umalis ka na dito."
Agad naman binawi ni Serina na yun ang braso niya kay mama. "Bakit? Totoo naman ahh, madumi siyang babae, ang dami ngang nakapasok diyan sa anak mo ehh, manang mana sayo."
Hindi ko alam pero bigla na lang nagdilim ang paningin ko, may dinampot akong bagay at saka siya nilapitan.
"Tony stop!"
Huli na nang pinigilan ako ni mama dahil nahawakan ko na ang buhok ng babaeng to atsaka pinalo ang ulo niya.
Napahiyaw siya ng malakas sa ginawa ko pero natawa lamang ako, "You just reach my limit bitch, congratulations!" Sabay palakpak ko.
Napaatras siya sa sinabi ko habang sapo pa din niya yung ulo niya na pinalo ko ng picture frame na maliit.
May sugat siya sa pisngi, "Makakarating to kay Albert tandaan niyo to mga baliw!" Huli niyang sabi bago patakbong lumabas ng bahay.
Agad naman ako nilapitan ni mama atsaka niyakap ng mahigpit, "Ayos ka lang anak?" nag-alalang tanong niya sa akin.
Tinanguan ko siya atsaka naglakad na lamang pabalik sa kwarto ko.
What a great day.
BINABASA MO ANG
I Wanna Die
General Fiction"I wanna die right now! And no one can stop me!" This story is all about the girl who wants to kill her self but everybody and everyone stop her....even him. Warning: This story is not good for those people na mahina sa mga nakakadiri na eksena. Th...