Naglalakad ako ngayon sa school, hindi alintana ang tingin ng mga tao sa paligid. Nakapasak sa aking tenga ang earphones, habang pinapatugtog ang kanta na Counting Stars ng One Republic.Lately, I've been...
I've been losin' sleep,
Dreamin' about the things,
That we could be..."Aray!" sigaw ko. Hindi ko namalayang may makakasalubong ako dahil sa ninanamnam ko ng mabuti ang musika.
Agad kong tinanggal ang earphones at apologetically na tumingin sa nakabangga.
Si Lucas Isaiah. Ang lalaking may malalamig na pares ng magagandang mga mata.
"Pasensya na..."
He just looked at me coldly at walang salita salitang umalis.
I shrugged, "At least, I said sorry."
Pinasak ko ulit ang earphones. Hindi na rumehistro ang kanta sa utak dahil sa pangyayari kani-kanina lang.
Bakit kaya ganoon siya? Sobrang tahimik. Akala mo yelo sa sobrang lamig.
I groaned.
Pinukpok ko ang ulo ko ng libro. Hindi ako maka-concentrate! Nakakainis! Lagi ko na lang naalala ang mukha niya. Lalong lalo na 'yung mga mata niya.
"Bukas na bukas, kakausapin ko siya. Hindi na naman matahimik ang depungal na konsensyang 'to," mahinang saad ko.
Sinusulyap-sulyapan ko si Lucas na nasa kaliwang bahagi ng classroom. Bagot na bagot itong nakatingin sa bintana at parang gusto nang umuwi.
Sabagay, huling klase na 'to sa panghapong period namin.
Nang tumunog ang bell nagsimula nang magsilabasan ang mga kaklase namin. Nagpaiwan ako ng ilang sandali bago lumabas.
Psh. Baka makuyog ako ng mga depungal kapag nakipag-siksikan ako sa kanila.
Nang makauwi ako sa bahay, sinimulan ko na munang gawin ang mga assignments ko bago ako magsimulang magplano para sa pakikipag-usap sa kay Lucas.
Paminsan minsa'y natutulala ako sapagkat lumilipad sa kawalan ang isip ko.
Ano bang rason ang nagiging sanhi ng pagbabago ng isang tao? Iyan ang katanungang tumatakbo sa isip ko.
Maybe, because of love? 'Yan naman kasi ang pangunahing rason kung bakit nagbabago ang isang tao. Pero para sa akin, mali ito.
Bakit? Kasi kung mahal mo ang isang tao, hindi ka gagawa ng bagay na ikakasakit ng minamahal mo. At isa pa, hindi mo kailangang magbago para lang tanggapin ka ng isang tao.
Still there's always room for improvement, learn to grow and accept each other's flaws. So that, your love for each other will bloom beautifully.
Kinatulugan ko ang pagpa-plano kung paano siya kakausapin bukas.
Paggising ko kinabukasan, nag-iisip ako na ako ng paraan para makausap siya. Nagliwanag ang mga mata ko nang makita ko siyang naglalakad.
Walang ano ano'y sinundan ko siya. Hindi malapit ang distansya at hindi rin malayo. Tama lang para hindi niya mapansin.
Papunta siya ngayon sa garden ng school, nakatago ako sa isang puno at pinagmamasdan siya mula rito. Nakagilid siya at nakatingin sa kawalan.
Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya, mula sa kanyang makakapal na kilay, mahahaba na pilik mata na daig pa ang babae, ang kanyang ilong na matangos, pati na rin ang mapupula niyang labi. His face is perfectly chiseled.
Muntik akong masamid sa sarili kong laway ng tumingin siya sa aking direksyon. Nagtago kaagad ako. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at pangangatal ng buong katawan ko.