Kabanata I
"Ang Paglalaho ng Araw"***
"We're here"
Vana said as we arrived sa harap ng isang mataas na building.
Pumasok kami sa loob at sumakay sa isang elevator, nakita kong pinindot ni Vana ang button 9.Pagkarating namin sa 9th floor ay naglakad pa kami ng kaunti hanggang sa makarating kami sa harap ng isang pinto.
Kumatok dito si Vana at ilang saglit lang ay bumukas na ang pinto at bumungad sa amin ang isang matangkad at magandang babae.
Sa tantya ko ay mas matanda pa ito sa amin ng mga 2 years? I guess?"Vana! Come in!"
Nakangiti nitong sabi na ikinangiti lang din ni Vana.
Pumasok naman kaming dalawa ni Vana sa loob, at para itong isang office room.
Ipinakilala naman kami ni Vana sa isa't isa."Nicole, this is Shai my bestfriend and Shai, si Nicole siya 'yung hypnotherapist na sinasabi ko sa'yo"
Nginitian ko lang si Nicole at gano'n din siya sa'kin."So shall we start?"
Tanong agad nitong si Vana, tss excited lang?"Ahmm okay, sumunod kayo sa'kin" Nicole said.
Sinundan namin siya hanggang sa makapasok nanaman kami sa isa pang room, maaliwalas ang paligid sa loob at may isang bakanteng hospital bed sa gitna.
"So, who's first?" Nicole asked nung balingan niya kami ng tingin.
"Ahmm si Shai muna"
Sagot naman agad nitong si Vana na tinaasan ko lang ng isang kilay."What? ikaw 'tong mukhang excited jan tapos ako ang mauuna?" pagpoprotesta ko, pero ngumiti lang ito sa akin sabay peace sign tss.
"Hindi pa 'ko ready eh, please?"
She uttered."Tss Fine" I answered with deep sigh.
"Okay come here Shai,"
Tawag ni Nicole sa akin.
Lumapit naman ako sa kanya at ng makalapit na ako ay sinabihan niya akong humiga na sa hospital bed kaya ginawa ko naman.She started to play a relaxing music, and her voice turned into a relaxed estate, and then she asked me to clear my mind and relax my body.
"Huminga ka ng malalim and then let it out slowly"
Sabi niya sa malumanay na tono.
Ginawa ko naman agad ang gusto niya hanggang sa unti-unti na ngang gumagaan ang pakiramdam ko at para bang ano mang oras ay dadalawin na ako ng antok."Think the light letting it flow through you, reaching into every part of your body until it totally sorrounds you"
Rinig kong sabi ni Nicole, ginawa ko ang sinabi niya na siyang lalong nagpagaan ng pakiramdam ko at nagpabigat ng mga talukap ko."Now explore your memories"
Nicole said.
Unti-unti na akong dinadalaw ng antok at ayoko itong pigilan, hinayaan kong unti-unti akong makatulog pero bago ako tuluyang makaidlip ay isa pang salita ang aking narinig."OMG! A Solar Eclipse!"
***
(Sa isang Isla sa Western Visayas)
Ika-15 Siglo***
Unti-unti akong naalimpungatan hanggang sa maidilat ko na ang aking mga mata, pero hindi puting kisame ng kwarto ko ang bumungad sa akin kundi isang bubong na gawa sa makapal na tabla.
Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko dahil baka namamalik-mata lang ako pero pagdilat ko ay hindi man lang nagbago ang mga nakikita ko.
Nanlaki na ang mga mata ko at agad na napabangon sa hinihigaan ko, bigla akong kinabahan nung makita kong gawa nga sa tabla ang buong paligid at dingding na natatabingan lamang ng mga makukulay na kurtina.
Maging ang hinihigaan ko ay gawa rin sa tabla at may apat itong haligi sa bawat sulok na napapalibutan ng mga nakausling kurtina.
Agad akong umalis sa kamang hinigaan ko at nalaman ko na maging ang sahig na tinatapakan ko ay gawa rin sa tabla."N-Nasan ba ako? bakit ako nandito anong lugar to?!"
hindi mapakaling nasabi ko sa isip ko.
Pero mas nabahala ako at nagtaka nung mapansin ko ang suot ko.Nakasuot sa akin ngayon ang isang mahabang pulang saya na may magandang burda at blouse na may kulay gintong burda.
Nakasuot din sa akin ngayon ang makakapal na bracelet at.."Oh my God, totoong ginto ba talaga 'tong mga to?"
Hindi ko maiwasang mamangha habang pinagmamasdan ko ang mga gintong bracelet na suot ko.
Napansin ko rin ang nakasuot sa aking kwintas na gawa rin sa ginto at sa iba't-ibang kulay na beads.Napatingin ako sa isang salamin na malapit sa akin at kahit medyo malabo ito ay namangha ako sa nakita kong repleksyon ko rito.
Lalo akong gumanda at nadoble pa ang maputing kulay ng balat ko, napalitan din ng itim na kulay ang blondeng buhok ko at mas humaba pa ito na umabot na sa bewang ko, nakasuot din sa akin ang isang headdress na gawa sa mga maliliit na coins.
"Bai (Prinsesa), gising na pala kayo" Rinig kong boses ng isang babae.
Agad akong napalingon sa nagsalita at nanlaki ang mga mata ko nung makita ko ang isang babaeng walang damit pang itaas at tanging saya lang ang suot nito.
Mahaba rin ang itim niyang buhok na abot hanggang bewang, tinatakpan din nito ang dibdib ng babae, morena at maganda siya."S-Sino ka?" tanong ko na ikinakunot ng noo nito
"Bai? kayo ba ay nagbibiro? ako ito si Liway ang inyong uripon (alipin)"
Sagot nito na ikinatigil ko.Nagtatakha ako sa mga sinabi niya pero hindi ko ipinahalata yun sa kanya.
"Bai? ano yun?"
"Eh s-sino ako?"
Lakas loob na tanong ko sa kanya na lalong nagpakunot ng noo niya."Kayo po si Bai Haleya ang anak ni Raha Talim"
Deretsahan niyang sagot dahilan para ako ay mamanhid at halos magpanting ang tenga ko sa mga sinabi niya, napaupo ako sa kama at hindi maiwasan ng mga kamay ko ang manginig."H-Haleya?, pero p-paano naman mangyayari 'yun, eh Shai ang pangalan ko, may mali dito, ano bang nangyari sa'kin? at paano ako naging anak ng isang Raha? Wait what! Anong panahon ba ito!"
Pinilit kong alalahanin ang lahat ng mga nangyari hanggang sa maalala ko si Nicole at ang ginawa naming past life regression, nanlaki nalang ang mga mata ko nung ma-realize ko ang isang bagay.
"Is this my Past life?"
***
A/N:
Hi guys!
Nagustuhan niyo ba ang unang kabanata?
Haha thanks for reading po..
Kindly Vote and Comment nalang po for further updates 😊
BINABASA MO ANG
HALEYA:The Rajah's Daughter
Historical FictionSa pamamagitan ng isang mahiwagang past-life regression ay hindi sinasadyang makabalik ng literal si Shai Mendoza sa kanyang past life bilang si Haleya. Si Haleya ay isang binukot na anak ng isang makapangyarihang Raha. Makabalik pa kaya si Shai sa...