Fighter 3

6 1 0
                                    

Nakanganga lang ako ngayon habang pinagmamasdan ang isang kaharian o city ba to na di ko sukat akalain na magkakaroon sa planet genesis. Kailan lang ata noong nandito pa ako ay wala pang ganito sa planetang ito pero ngayon ay meron na?!, as in wow lang!. talagang sinakop na talaga ng makabagong teknolohiya ang hiwaga ng mahika dito sa genesis. Pati kasi tong mga bagay na di mo expected na makikita mo lang ata sa future ay andito na.

Habang naglalakad at pinagmamasdan ang buong paligid ay nakikita ko ang iba't ibang fighters na nagkalat lamang sa daan. Nakasuot ito ng iba't ibang armor at mga makukulay na mga damit na siyang nagpapamukha sa lugar na to na parang isang online RPG game sa computer sa bahay namin na lagi kong nilalaro. Tika? Online game?! Hmmm? Kung ganun nga ay masubukan ko nga tong naiisip ko. Agad kong binigkas ang status at di nga talaga ako nagkamali. Lumabas sa harap ko ang isang virtual screen na naglalaman ng profile ko, health points, ranking status, at inventory. So pati tong planet genesis ay ginawa na talaga nilang isang game. Kaya pala binigyan ako ni Migz ng singsing na to. Now i know kung anong gamit nito. Agad kung kinulikot ang laman ng virtual screen ko para e-set ang mga kakailailangin kong bagay sa paglallakbay ko.

Dahil sa naninibago pa sa bagong genesis ngayon ay napagpasyahan kong mamasyal muna at subukang maka-gather pa ng karagdagang impormasyon na di mabibigay sakin ng singsing. Napansin ko kasi kanina na basic info lang talaga ang kayang maibigay ng singsing kaya heto ako ngayon para mangalap pa ng maraming impormasyon upang maka-survive sa mundong ito.

Habang naglalakad sa daan ay tinitignan ko din ang map na binigay sakin ng singsing at nalaman kong ito palang ang lugar na kaya pang ibigay sakin ng map. So marami-rami pa palang mga lugar dito sa planet genesis na undiscovered pa. May mga color indecator kasi bawat lugar. Black para sa di mo pa napupuntahan, red sa mga area na may tatak na danger zone, at magkahalong green and yellow sa mga napuntahan mo na.

Pinindot ko ang nasabing location ko sa virtual map ngayon at lumabas ang pangalan ng lugar na Hazeldale kingdom. Pinag-aralan ko ang full detail ng nasabing kingdom at napagpasyahang puntahan ang registration building para magparegister bilang isang fighter.

Pagkarating ko sa harap ng building ay namanga agad ako sa mala modernize na structure nito sa labas. Daig pa nito ang mga lugar ng mga agents sa pelikula sa pagka high-tech nitong tignan. Agad akong pumasok sa loob para makapagparegister na. Pagkapasok ko ay nakita ko agad sa isang sulok ang isang babaeng receptionist na busy sa kakapindot ng kung anong bagay sa holographic screen nito. Ilang minuto lang ang dumaan at may inabot na itong pulang ID sa isang lalaki na nasa harap lang din nito. Pagkakita ko nun ay agad din akong sumali sa pila para makakuha na din ng Identification Card bilang isang official fighter dito sa planet genesis.

Dumaan ang 15 minutes na paghihintay ay nakaabot na ako sa harap ng babaeng receptionist. "Ano po ang kailangan natin sir?" Nakangiting tanong nito sakin. Ngumiti muna ako saglit dito pabalik at tinanong agad kung pwede bang magparegister bilang isang fighter. "Newbie pa po ba kayo sir?" agarang tanong nito sakin. Nahihiyang tumango naman ako dito. "Ganun po ba? Well dont worry sir at tutulungan ko po kayo. Fill up-an nyo lang po tong registration form at ilagay nyo lang po ang palad nyo sa magic tester screen po natin para malaman po natin ang fighter type nyo po then automatically register na po kayo sir!." Nakangiti parin nitong pag e-explain sakin.

Nang makuha ko na yung instruction niya sakin ay dali-dali akong nag fill-up ng form at binigay sa kanya yung papel. After nun ay may kinulikot lang siya kunti sa virtual screen niya and then pinalagay na niya ang palad ko sa magic tester screen. "Maglabas lang po kayo ng aura sa inyong palad sir and then bahala na po ang MTS na mag scan sa type nyo po!" Wika nito sakin. Sinunod ko naman siya at ilang minuto lang ay sinabi na niya sakin na ok na daw ang registration ko. Binigay nah niya sakin ang isang black ID na naglalaman nang lahat ng impormasyon patungkol sa akin at ang fighter type ko. Nang matapos ko nang makapagregister ay nagpasya na akong bumalik sa earth para makapagpahinga at bukas nalang ako magsisimula sa paglalakbay ko bilang isa nang official fighter.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

World of FightersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon