"Bzzzt! Bzzzt! Bzzzt!"
Urgh! Ang ingay naman. Kay aga-aga pa ay nambubulabog na ah!.
"Bzzt! Bzzzt! Bzzzt!"
Bad trip kong kinapa yung maingay na bagay sa may gilid ng kama ko at nang mahawakan ko yun ay dali-dali ko tong tinapon kung saan para matigil na ang kakatunog nito. Narinig kong nabasag yung tinapon kong kung anong bagay sa ilalim kung kaya agad ko tong tinignan. Shit! Patay ako sa step mom ko nito. Bumangon agad ako at tinungo yung sira ko nang alarm clock. Alas tres emedya pa pala ng umaga. Hmmmm? Ang aga pa pala. Napatingin ako sa labas ng bintana at may naisip ako bigla. kinuha ko mula sa loob ng cabinet ang paborito kong itim na jacket at nagpasyang lumabas ng bahay para maglakad-lakad. Di na rin kasi ako makatulog pabalik eh.
Pagkalabas ko ng bahay ay nagsimula na agad akong maglibot sa lugar namin. Medyo madilim pa ang buong paligid at nanunuot sa balat ang kunting lamig kahit nakajacket pa ako. Habang naglalakad ay napansin ko ang presensya ng isang tao na nakasunod sakin. Hinayaan ko lang nung una at baka nakasabayan lang ngunit habang tumatagal ay napapansin ko nang sinusundan talaga ako nito kahit saan ako magpunta. Huminto ako at pinakikiramdaman ang nasa likod ko. Dahan-dahan akong humarap sa direksyon ng nararamdaman kong presensya.
Pagkaharap ko sa direction ng nakasunod sa akin ay agad kung iniwasan ang isang sipa mula sa isang taong nakasuot ng puting maskara. Mukhang nagulat ko pa nga ito dahil sa napahinto pa ito saglit. Di ata nito inaasahan na makaka-react ako ng mabilis sa ginawa nito. Dahil sa di ako napuruhan nito ay agad itong sumipa ulit para patamaan ako sa tiyan ngunit maagap ko itong sinalo at hinatak papalapit sa akin. Masasabi kong may alam sa pakikipaglaban ang taong ito dahil sa ginawa nitong base of force ang hawak kong paa upang makaikot ito para ipang sipa ang natitirang paa nito sa pagmumukha ko. Agad akong yumuko para iwasan ang sipa nito ngunit yun lang pala ang hinihintay nito para makawala sa akin. Agad nitong sinipa ang dibdib ko sanhi kung bakit ko nabitawan ang kanyang paa.
"Tang ina! Sino ka ba?" Asar kong sigaw sa nakamaskara habang tumatayo mula sa pagkakatumba. "Hahaha! Mukhang bumabagal ata tayo bossing ah!" Panunukso nito sakin habang tinatanggal nito ang suot na maskara. Hindi ko masyadong maaninag ang pagmumukha ng lalaki pero pamilyar sakin ang boses nito. "Migz? Ikaw ba yan?" Tanong ko dito. Tumawa pa ito ulit bago ako sinagot nito. "Oww yes! The one and only bossing!" Natutuwang sagot nito habang lumalapit ito sakin. Nang tuluyang makalapit ito sakin ay agad itong humingi ng patawad sa akin. Nag-explain din ito kung bakit niya ginawa yun. Namiss lang daw kasi nito ang makipag-sparing sakin na lagi naming ginagawa noon. Marami-rami din kaming napag-usapan ni Migz at isa na doon ang mga karanasan namin sa planet genesis.
"Wala ka bang balak bumalik sa genesis boss?" Out of the blue nitong tanong sakin. Medyo na bigla pa ako sa tanong nito kasi alam naman niya yung rason kung bakit di na ako bumalik doon pero sinagot ko parin siya sa tanong niya sakin. "Di ko pa alam talaga Migs eh!. Hanggang ngayon kasi ay pinag-iisipan ko pa yan!" Mahina kong sagot sa kanya. Bumaanag sa mukha nito ang biglaang pagkalungkot nito. "Ganun ba? Well i guess di ko na mababago isip mo pero kung sakaling bumalik ka man boss ay tawagan mo lang ako!" Sabay hagis nito ng isang singsing sakin. Agad ko naman itong tinanong patungkol sa singsing ngunit ngumiti lang ito at nagpaalam na sakin para umalis. Napagpasyahan ko na ding umuwi pagkatapos naming mag-usap.
Pagkarating ko sa bahay ay dali-dali akong nagtungo sa aking kwarto. Napagisip-isip ko kanina habang naglalakad na panahon na din siguro na bumalik na ako sa pagiging fighter. Agad kong sinuot ang singsing na binigay sakin ni Migz. Umilaw ang singsing at biglang naglabas ng monitor sa harap ko. Nagulat pa ako sa nangyari ngunit napangiti agad sa nabasa ko sa screen. "Do you want to be transported to planet genesis?" Sabi ng isang computer generated na boses. I guess its time to be a fighter again. Agad kong pinili ang YES button at nakarinig ulit ng sounds.
"Iniciating transportation sequence! Ready for transportation in 1. . . 2. . . 3. . . warp in!"

BINABASA MO ANG
World of Fighters
Fiksi IlmiahA guy named Neo tries to overpower the World of Fighters again. Come and join Neo on his adventures and reach the top in the World of Fighters.