Fighter 1

6 2 2
                                    

Hi guys!! Ako nga pala si Neo Ambercross. 21 years of age at may rare bloodline na curse soul. Unique di ba? Pero wag ka!  Totoo yan mga chong. Actually maraming rare bloodline na nagkalat ngayon sa earth at iisa na dun ang bloodline namin. Sabi kasi noon ni tatay na isa daw ang bloodline namin sa piling-pili na mga bloodline na kayang maglabas-masok sa planet genesis na hindi na ginagamitan ng nerve gear para makagawa ng artificial body sa loob ng planeta. Galing daw ang lolo ng lolo ko sa undiscovered dimension pa noon na tinawag na nilang genesis ngayon at pumunta sa planet earth para eh explore din ang planeta natin kaya nagkaroon kami ng rare bloodline dito sa earth. Dahil nga sa galing sa genesis ang ninuno ko ay natural na sa amin ang pagiging fighter.

Dati pala akong  tinaguriang Legendary Fighter sa loob ng planet genesis. 18 years old kasi ako noong nagsimula akong sumali sa Grand Fighters Game. Isang uri ng tournament na sinasalihan ng mga malalakas na fighters mula sa iba't-ibang kontenente. Actually na encounter ko na ang halos karamihan sa mga pinakamalalakas na mga fighters sa iba't-ibang kontenente mula sa planet earth at di ko sukat akalain na makaka-survive pa ako mula sa pakikipaglaban. 

malayo-layo na rin ang nalakbay ko sa loob ng planet genesis at marami na din akong na discover na mga kakaibang bagay na di mo maiisip na mag-exist sa mundo kagaya nalang ng iba't-ibang mga raise at mga mythical beast na naninirahan sa planetang genesis.

So balik sa pagiging fighter. Wala pa akong natatalang talo sa lahat nang aking laban mula ng magsimula akong maging fighter mula noon. Habang tumatagal nang tumatagal kasi akong nakikipaglaban ay lalo akong lumalakas at tumataas ang rank bawat panalo. By the way pala, ang mga ranks pala ay nagsisimula sa bronze, silver, gold, diamond, elite, master, grand master, epic, legendary, mythical, divine, supreme, godly, at ang pinakamalakas sa lahat ang supreme god fighter.

Gamit ang kakayahan kong maglabas ng dark elements na mas kilala sa tawag na curse element, nagawa kong manalo sa bawat laban ko at kasama ang pinakapaborito kong sandata na tinatawag sa pangalan na twin swords of darkness ay umangat  ako hanggang finals at sa huli ay nakuha ang titulong legendary fighter na siyang pinakamalakas pa noon na rank. Dahil dun, naging sikat ako at maraming fighter ang nag iidolo saakin.

Pero sabi nga ng iba, lumulubog din kahit ang pinakamalakas na hayop sa isang maliit na kumunoy lang dahil sa kapabayaan nito. Kaya nung dumating   ang panahon kung san makakalaban ko ang isang fighter na magpapabago sa takbo ng buhay ko ay talagang di ko magawang makapaniwala sa nangyari hanggang ngayon. May isang fighter kasi ang nakaabot sa finals at siyang binigyan ng pagkakataon na makalaban ako para sa tronong legendary fighter. Inisip ko na kagaya lamg to ng ibang fighters ma walang magagawa sa lakas ko kaya nilabanan ko ito hanggang sa huli. Nilabas ko lahat ng mga natatagong kapangyarihan ko dahil di ko inasahan na makakasabay ito sa lahat ng mga ataki ko. Halos maubos ko nah lahat ng lakas ko sa pakikipaglaban sa kanya ngunit ang lumabas na resulta ay natalo parin ako. Hindi ko talaga sukat akalain na dun nalang matatapos lahat ng pinaghirapan ko. Sising-sisi ako sa aking sarili. Pinagsisisihan ko talaga ang pagiging kumpyansa ko lagi at pagpapabaya sa laban. Talagang nasa huli talaga ang pagsisisi.

Mula noong mangyari yun ay kinalimutan ko na agad ang lahat sa planet genesis at sa pagiging fighter ko. Di ko kasi makalimutan noon ang pagkatalo ko at yun talaga ang nagpabago nun sa pagkatao ko.

Nang lumipas ang ilang taon at 21 years old na ako. Tuluyan ko na talagang nakalimutang bumalik sa lugar na yun. Kompleto nang nabura sa isip ko ang tungkol don. Hanggang dumating ang panahon na siyang magpapabalik sakin bilang isang fighter.

Akoy babalik bilang ibang tao na at ipapakita ko ngayon sa lahat kung ano na ako ngayon. Magbabalik ulit ako bilang fighter at susubukan kong abutin ang pinakamalakas na rank ng pagiging fighter sa planet genesis. So let the journey begins!. . . .

World of FightersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon