Chapter 63: Epic Battle

1K 52 3
                                    

Valieda Island, Miracle Castle
•Grand Hall
[ 2:00 PM ]

Biglang naginit ang aking ulo matapos niyang magpakilala. Hindi ko lubos maiisip na sa kabila nang maganda niyang pangangatawan at itsura, siya ang lumason sa utak ng mga guild members ko—na sa una pa lang nalason na dahil mga tauhan pala sila ni Salem.

Kahit na gano'n, 'di pa rin ako pwedeng magpalinlang. Avatar lang naman yan at konti lang ang resemblance sa totoo nyang itsura. Isa pa, higit na mas maganda at kaakit-akit si Frieda kase sa babaeng to. Hihihi

Teka nga, bakit ko ba sila pinagkukumpara? Hayyys! Ano ba yan?!

"I'll give you a chance to abandon your guild and join me...join us." Wika niya habang kinikiliti ang baba ng kasama niyang halimaw na si Abby. Hindi ako sigurado kung isa ba siyang pet o guardian.

"Bakit naman ako sasali sa inyo? Poota, ako pang niyaya mo!" Sabay turo ko sa aking mukha gamit ang aking hintuturo.

"Why? Haha! Of course to gain profit and popularity. Kung 'di mo alam, Miracle Emporium na ang nangungunang production guild sa global rankings. Well sure ako na bababa na yan ngayon dahil sa mga former Powerhouse na sinaksak ka sa likod. Kahit na ganon, madali lang din naman kayong umangat dahil sa dami mong properties and connections."

Kaya naman pala. Pera ang puno at dulo ng lahat. Dahil sa conversion ng in-game golds at diamonds marami nang ginagawang negosyo ang game na ito, kasama na ako do'n. Totoo nga na malaki ang nalugi sa guild ni Salem dahil ipinusta niya ang properties niya sa guild war. Kasama na ding nawala ang mga myembro niya na sumali sa amin. Pero sa huli, mistulang Plan B lang ang pagkatalo.

"Sa madaling salita, gusto nyong kunin ang aking properties. Tsk!"

"Yes! I mean, no. It's like business partnership. Yes! It's business partnership!"

Pff. Business partnership. 'Di pa aminin na ako ang ipit dito.

"Pano kung ayaw ko?"

Itinaas niya ang kanyang staff at ngumisi nang nakakaloko. "Well, I don't have any choice than to force you..." Bumaling siya sa kanyang halimaw. "Abby, play with him."

Inihanda ko ang aking sarili nang biglang lumapit ang kanyang pet. Kanina ko pa sinusubukang tawagin sina Lay at Chadeia pero balewala! Bwisit! Mukhang nanu-nufilly ng babaeng ito ang summoning circles.

"Hihihi..."

Sinubukan kong iwasiwas patungo sa halimaw ang aking espada pero tumagos lamang ito sa kanyang katawan. Sinubukan ko uli pero tumagos na naman na para bang hangin ang kalaban ko. Inactivate ko ang Tornado Strike pero gano'n din. Tumagos uli.

"Hihihi..."

Useless ang normal attack at normal skills. Bwisit.

Itinapat ko ang aking hintuturo at hinlalaki sa aking labi. Pilit kong tintansya kung saan ko bibitawan ang aking skill pero masyado siyang malikot. Bwisit! Hayys bahala na!

"Hahaha! Masyado ba syang malikot?" Pangaasar ni Meyne sa akin habang nakapameywang.

Kingina!

Umatras ako ng ilang beses saka umupo nang bahagya. Ewan ko lang kung tumagos pa ito sayong halimaw ka.

"Dragon's Breath!"

Mula sa aking bibig, lumabas ang malakas na puwersa ng itim na apoy. Dahil sa lawak ng range ng AOE skill na ito, kaagad itong kumalat sa grand hall. Ewan ko lang kung maka—

Poota...

Muli akong nagblink saka nagback step palayo. Pero ngayon, sobrang layo na ng distansya ko kay Meyne at sa halimaw niya.

Exyvius Fantasy Online Vol. 4: King Of Seas #RPGCertifiedWhere stories live. Discover now