TASIA"Di mo ba alam na napuwing ako dahil doon? Ang sakit-sakit kaya!"
Tumingin silang lahat sa'kin. Shocks. Akala ko sa utak ko lang nasabi 'yun. Ang oa ko pa naman minsan...
Nag-aalalang lumapit sa'kin 'yung lalaki at tiningnan ako mula taas-pababa. Nailang naman ako do'n at mukhang napansin niya yata.
"Umm, sorry talaga. Di bale, ikaw na lang ang una kong ie-examine sa theurgy. Besides, you don't look hurt-err, well, besides your eyes? Okay lang ba sa'yo 'yun?"
Examine? Sa theurgy?
Bigla akong napatingin sa damit niya. His uniform's for...What? Isa siyang teacher?
Napansin n'yang natigilan ako at tiningnan niya kaming lahat isa-isa at ngumiti.
"Before we start our first lesson, let me introduce myself first. I'm Craige Roward, your teacher in theurgy starting today."
Yeah he's a teacher, all right.
And I just yelled at him earlier, geez."Sir, sorry. Sorry po talaga."
Mahinang sabi ko at siniguradong s'ya lang ang nakarinig.Nginitian lang niya 'ko at nagsimula na siyang magdiscuss sa unahan.
"Hm? Bakit ayaw n'yong umupo? I even prepared those special seats for all of you. Now, sit."
Special seats? Tumingin ako sa lapag at lahat kami ay umupo na at guminhawa ang pakiramdam.
"Magi, Enchanters, Spiritualists, and Necromancers... are the four parts of theurgy. Sa magi, ang kapangyarihan nila ay pwedeng for defense or offense. They can also talk to some unidentified creatures."
Karamihan sa'min ay namangha sa kakayahan ng magi. Woah, sana magi na lang din ako haha.
"For spiritualists, alam n'yo naman na siguro 'yun, so let's skip that part..."
"Enchanters. Sila ang nangangalaga sa kagubatan and animals. Mostly ay elemental powers ang hawak nila."
"Here goes the last part, the Necromancers. Gumagamit sila ng black magic. Maaari nilang kontrolin ang pagdaloy ng dugo ng ibang nilalang sa kahit na anong paraan, o kaya man ay gamitan nila ito ng hipnotismo."
Sir Craige clapped twice and may mga nagliparang dahon papunta sa kan'ya. He immediately caught all of it na tantsa kong mga nasa bente pataas. Did he use his magic like earlier?
Hm... A wind user, I guess?
"This will be a small test. Ano ako sa tingin n'yo?"
Nagtaas bigla ng kamay si Meia at sinenyasan s'ya ni Sir na sumagot.
"A normal person-oh, wait. Patay na pala tayo... " pinutol niya ang sasabihin niya at nag-isip.
"So, a normal and kind spirit."
Todo-ngiti niya pang sabi kaya napabuntong-hininga na lang si Sir at nginitian s'ya."Oh, thank you for saying that I'm kind. Unfortunately, it's not the right answer. You may sit down now."
Nakanguso siyang umupo at medyo natawa ako do'n.
Sa tingin ko ay isang enchanter si Sir...
Nag-aalinlangan pa ang ilan sa kaklase namin na magtaas ng kamay pero napansin kong napatingin si Sir kay Luck.
"Luck Caparza. What's your answer?"
"An enchanter, and a wind user." Luck answered.
He didn't even bother to stand up before answering. Ganon ba kabigat ang pwet n'ya? Pfft. Gosh, I'm so bad.
"Very good. Um, Tasia? Tumayo ka dito sa harap."
Taka akong tumingin kay sir. How did he know my name?
Tsaka, patatayuin n'ya ako sa harap? Dahil ba nawala ang atensyon ko sa klase at napunta sa kabigatan ni Luck?
Pumunta na lang ako sa harap.
"Put this leaf on your right palm and clear your mind."
Huh? Ba't niya ako inaabutan ng dahon? He seemed to notice my confused face.
"Why?" He asked.
Humugot ako ng lakas ng loob para magtanong.
"Hindi n'yo po ba 'ko papagalitan?" I asked, and he chuckled. Narinig ko din ang mahinang bungisngis ng mga kaklase ko. O-kay?
"Why should I? Haha pinapunta lang kita dito dahil ikaw ang una kong ie-examine ang mahika."
"Oh... "
I mentally facepalmed. Nakakahiya...
Nilagay ko na ang dahon at nagulat nang bigla itong naging abo. Parang kami lang ni Sir ang nakakita no'n dahil wala akong narinig na violent reactions sa mga kaklase ko.
Tinanggal ni Sir ang abo sa palad ko at naglagay ulit ng dahon do'n. This time, the leaf didn't turn into ash, but just glowed. Umiilaw ito and I find it pretty, but what was that earlier? Bakit biglang naging abo 'yung dahon?
Tinitigan ni Sir ang dahon at mukhang naguluhan.
"How is that possible...?" He mumbled but I still heard it.
"Ano pong paanong posible, Sir?"
"Huh? Oh, nothing." He smiled and held out his palm telling me to put the glowing leaf onto his palm, so I did.
Lumutang ang dahon at pinagalaw-galaw pa ito ni sir gamit ang kamay niya. We're all amazed when the leaves formed a familiar face...
"Ate Sab?" I mumbled but Sir Craige looked at me and smiled. Magkakilala sila?
"Tasia Cartzell, you're a Magus."
"Magus? Ahh, singular ng Magi...?" Ani Cris.
Tumango naman si Sir at pinatayo na si Luck.
So I'm a magus huh? Eh ano naman kaya ang kanila Luck?
YOU ARE READING
Renaissance High
Mystery / ThrillerThere's a place wherein souls are free to live in. Is it a paradise? Or is it...a living hell? Sa loob ng lugar na ito ay mayroong paaralan na kailangang pasukan ng mga kaluluwa para makuha ang gusto nila and that is the Renaissance High. The schoo...