CHAPTER 5: Lead (2)

26 7 4
                                    


TASIA

  Sinikap kong gumising ng maaga para tapusin ang tatlong pahina ng libro dahil nakatulog ako kagabi.

Lumabas naman ng kanyang kwarto si Meia habang inaayos pa yung buhok niya.

"Anong ginagawa mo? Diba may klase ka pa ng 6:30?" Nagtatakang tanong niya sa'kin.

Bigla ko namang naalala na meron nga akong klase at agad na tumingin sa wall clock. 6:10 AM. 20 minutes na lang ay late na ako!

Buti pa si Meia ay pwedeng ma-late dahil pinaggawa s'ya ni ma'am ng project...

"Meia 'di na muna ako kakain, male-late na 'ko!"
Sigaw ko habang tumatakbo papuntang banyo.

Matapos kong mag-ayos ay napabuntong-hininga na lang ako. 6:26 AM...kaya pa siguro 'yan kung tatakbuhin ko na papuntang room.

Tatakbo na sana ako nang tawagin ako ni Meia.

"Wait lang, Tash! Kailangan mo ba 'tong dalhin?" Tiningnan ko ang hawak-hawak niyang notebook at kinuha ito dahil nandito yung sinusulat ko galing sa libro.

"Thank you!"

Tumakbo na ako papuntang room ngunit napatigil nang makitang nandoon na si Ma'am Hera, ang pinakastrikto naming teacher sa science and language.

6:31 AM. Kaya naman pala... Ba't kasi laging saktong 6:30 siya dumadating sa room eh?

Tinyempohan ko na lang na pumunta sa upuan ko at mukhang napansin niya yata.

"Cartzell. Can you tell me your reason why you're late in my class?" Ma'am Hera asked.

I need to make an excuse.

"Nagreview lang po ako ma'am...and 'di ko po namalayan yung oras, sorry po."

Pagsisinungaling ko at tumango naman siya. Totoo namang 'di ko namalayan ang oras pero nagsinungaling pa rin ako tungkol sa pagrereview.

"I see... Just don't be late again. You may take your seat."

Nagthank you ako kay ma'am at umupo na. Napansin kong nakatingin sa'kin si Luck kaya tiningnan ko rin siya.

"Bakit? Gandang-ganda ka na naman sa'kin ano?"
Taas-confidence kong sabi at napailing-iling na lang siya.

Tss. Boring, 'di man lang ako sinakyan.

"You know what,-----"

"No, 'di ko alam." Pang-iinis ko pero pinalagpas niya lang ito.

"Hindi ka maganda..."
Straight to the point niyang sabi na tumagos naman straight to the heart ko.
Teka, ano daw?

"At paano mo naman nasabi 'yan ha? Ba't ikaw? Gwapo ka ba, ha? Gwapo ka? Gwapo ka?"

Sad to say, pero mukhang mabilis akong mapikon 'pag nalate na nga, sinabihan pa nang 'di maganda.

Pigil-tawa niya 'kong tiningnan.

"Haha 'di pa kasi ako tapos. Hindi ka maganda, kasi cute ka. Ay 'di pala, nakakatawa lang. Okay na?"

Nawala ang pagkapikon ko at ngumiti but wait...

Namula ako hindi dahil sa kilig kun'di sa inis. Inirapan ko na lang siya at itinuon ang buong atensyon kay ma'am.

"Nakakatawa? Ha, edi wow."

Tinigil ko ang pagsusulat saglit at yumuko muna dahil nonstop ang pagsasalita ni ma'am ng english. Nakakahilo.

Pwede naman siguro akong maidlip muna...

Tumatakbo ako sa kakahuyan at may mga humahabol sa akin. Lumingon ako para tingnan kung sino yung nanghahabol sa'kin pero paglingon ko----

Renaissance HighWhere stories live. Discover now