CHAPTER 1: Underworld

51 13 5
                                    


Pagkamulat ng mga mata ko ay nasilaw kaagad ako sa puting liwanag sa taas...

Nasa langit na ba ako?

Pero may langit bang may higaan at mga laruan?
Aish. Ano ba itong mga pinag-iisip ko, patay na nga ako eh nagawa ko pang magbiro?

Teka, patay?
OMG! Patay na ako?!

Biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang isang babaeng may hawak na pagkain...

Umupo siya sa upuan sa gilid ko kaya lumayo ako ng konti kahit natatakam na 'kong kumain.

"Gising ka na pala,"
Sabi naman niya. Alangang tulog 'di ba? Joke.
"Oh ito, kainin mo muna habang mainit pa. Pagkatapos mong kainin yan, matulog ka na lang ulit. Basta 'wag ka lang gagala sa labas nitong kwarto." sabay lapag niya ng pagkain sa maliit na mesa sa tabi niya.

Huh? Kakagising ko lang tapos kakain ako tas matutulog ulit? Ano ako, baboy?

Besides, ang sabi niya huwag daw akong gagala sa labas, eh ano namang mapapala ko dito sa loob?

"Um, ate." tumingin naman siya sa'kin. "Patay na po ba 'ko? Nasaan po ako? Sino po ba kayo? Bakit ako nandito? Ano pong kailangan niyo sa'kin?" Sunud-sunod kong tanong sa kaniya.

I need to know kung anong pakay ko dito at pakay nila sa'kin kung meron man.

"Teka lang, hinay-hinay naman sa pagtatanong. First of all, masasagot din 'yang mga tanong mo sa school. Ako nga pala si Sab. Just call me ate Sab." Tas nginitian niya pa 'ko at tumayo saka lumakad na papuntang pintuan.

Aalis na siya? Ang lonely ko naman. Wait...school? May school dito?!

"Ate Sab! May school po dito?
Talaga po bang malilinawagan na ako once na pumasok ako ng school?"

"Iyun ay kung sure na papasok ka sa school na ito. Well, kung ako sa'yo? Hindi na ako papasok."
May pagbabanta niyang sabi.

"Bakit naman 'te? Ano bang meron sa school na 'yun?"

Bumuntong-hininga siya at nginitian ako. An apologetic smile.

"Sorry, but I wont be the one to tell you about something like that. Kaya kainin mo na lang 'yang pagkain at magpahinga ka na. Huwag na 'wag kang lalabas ha."
Tumalikod na siya sa'kin at binuksan ang pinto.

"Ayy, okay. Wait lang!"
Pagtawag ko ulit sa kaniya.
Lumingon naman siya sa'kin.

"Baka may lason itong pagkain ko?"

Tinignan niya ako ng 'di makapaniwala at tumawa.

"Baliw. Malamang wala! Wala pa naman akong balak patayin ka ano. Hahaha sige alis na 'ko."

Nakahinga naman ako ng maluwag doon pero natakot pa rin. Hay, baka kasi mamatay lang ulit ako dito eh. Dumapo ang tingin ko sa tabi ko...

Nilantakan ko na yung pagkain at nadismaya nang mabilisan ko lang itong naubos.

Psh! Hindi man lang ako nakabalik ng kanin dahil sakto-sakto lang 'yung binigay.

Ano nang gagawin ko?
Labas kaya ako? Pero ang sabi ni ate Sab, bawal daw.
Pero wala naman akong gagawin dito eh, nakapagpahinga na rin ako.

Binuksan ko ang pinto at sumilip muna sa labas. Okay, clear! Lumabas na ako at habang naglalakad eh hindi ko maiwasang matakot.

Sobrang liwanag kasi ng daan at parang may nakatingin sa'kin. I shrugged off the thought. Ang boring naman pala sa labas. Walang exciting.

"Hmph. Si ate Sab talaga, pinagbabawalan pa akong lumabas eh wala nama-----"
Napatigil ako sa pagsasalita nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko...

Renaissance HighWhere stories live. Discover now