Chapter 1

98 28 128
                                        

Tulala at animo'y wala sa sarili akong nakatingin sa isang bato ng biglang may tumawag sa akin na pamilyar ang boses kaya naman napabalikwas ako at nabalik sa realidad, napatingin ako sa kung sino man ang tumawag sa akin. "Lomina" isang babaeng maganda, maputi at masayahin ang papalapit sa akin ngayon na nagngangalang Hannah Samantha.

"Oh, besie anong kailangan mo?" tanong ko habang nakangiti. "Huy, bakit ka tulala kanina?  Sino kaya ang iniisip mo?" tanong niya. Ako? May iniisip? Sino naman? "Wala noh!" sabi ko.

"Beshie, may chika nga pala ako sa iyo." sabi niya. "Besie, ano na naman iyon?" tanong  ko."Teka, iyong Bestfriend mong lalake nasaan siya? Hindi ba't lagi kayong magkasama? At nasaan na si Bestie?" tanong niya. Daming tanong.

"Ah, si Evinzel? Nasa canteen siya kumakain. Niyayaya niya nga ako kaso ayoko naman. Wala akong gana eh at si Bestie(Madrine)? Papunta na din iyon." sabi ko. Ganiyan ako kabait kahit ilan pa ang tinatanong nila sa akin sinasagot ko lahat pero kapag ako ang nagtatanong isa lang ang sagot nila, pero okay lang iyon. Kaibigan ko naman sila iintinidihin ko na lang

"Hala! Oras na nang klase namin pupunta na ako, sa susunod nalang kasi alam mo naman bawal mahuli." sabi niya. "Sige ingat ka!" paalam ko sabay kumaway sa kaniya.

Beshie? Bestie? Besie? Nagtataka ba kayo kung ano ang ibig sabihin ng mga iyan? Iyan lang naman ang tawagan naming magkakaibigan. Nagtataka rin ba kayo kung nasaan ako at ano ang ginagawa ko? Nasa ilalim ako ng puno na may table at tulala, iniisip ang nakaraan.

"Lomina." napatingin ako kung sino ang tumawag, nagbabakasakali ako na si Madrine na ngunit pagharap ko isang lalaki ang palapit sa akin napatitig ako sa magaganda niyang mata, matangos na ilong, mapulang labi o sabihin na nating guwapo at isa sa mga pinagkakatiwalaan ko na nagngangalang Evinzel.

"O--oh, i--ikaw pala ang bilis mo namang k--kumain." bakit ba nauutal ako? Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya.

"Mabilis ba? Wala ka kasing kasama. Teka, bakit hindi ka sumama? May problem--" napatigil siya dahil nagsalita na agad ako baka pilitin na naman niya ako at malaman na naman niya kung ano yung pinproblema ko.

"Ah, kasi busog na ako." sabi ko. Ano ba naman iyan kanina sabi ko kay Hannah wala akong gana, tapos ngayon naman busog ako, hays ang hirap kasi pag may problema. "At Problema? Ano namang problema ko? Masaya nga ako." dag-dag ko pa sabay ngiti ng pilit. I'm happy, okay lang ako kahit may problema, right?

"Sure ka wala kang problema?" paninigurado niya tumango-tango naman ako para hindi na siya mangulit. "Pero Hindi ka talaga kakain? Ang sarap pa naman nung favorite food mo, yung lomi, ang sarap talaga niyon!" tumango nalang ako. Hay nakakainis ngayon gusto ko na kumain kasi naman lomi ang favorite food ko pati si Mommy.

Sabi ni Mommy noong bago pa raw ako ipanganak, iyon daw yung lagi niyang kinakain kung baga pinaglihi ako doon at dahil nga isa iyon sa sikat na pagkain sa batangas mabili iyon lalo na kung mainit at bagong luto pa. Alam niyo ba na nanggaling doon ang aking pangalang LOMIna dahil bago mamayapa si Lolo gusto raw niya na ang pangalan ng kaniyang magiging apo ay galing sa maaring representasiyon ng mga batangeño.

"Tara na, simula na nang klase natin." tumango nalang ulit ako at tama mag-kaklase kami.

Nasa room na kami ni Evinzel at hanggang ngayon tulala parin ako dahil hindi pa talaga ako nakakamove-on sa nangyari. Wala pa naman yung prof. namin kaya ayos lang kahit matulala muna ako kaya lang sa palagay ko kahit naman dumating na si prof. tulala parin ako.

BEST FRIEND Where stories live. Discover now