Chapter 2

66 24 140
                                    

Ang liwanag nasaan ba ako? Nasa clinic pala ako. "Beshie, ayos na ba ang pakiramdam mo?" napatingin ako si Hannah pala, nandirito rin si Madrine at Evinzel.

"Ayos na ako. Ilang oras na ba akong nandito?" tanong ko habang nakangiti. "Dalawang oras lang naman. Ano bang nangyari sayo?" sabi niya. Halatang nagaalala sila. Tinignan ko naman si Evinzel na tingin na nagsasabihing 'Huwag mong sasabihing dahil kay Ethane na naman"

"Ah, sumakit lang ulo niya kasi madami siyang iniisip dahil sa mga gawain." palusot ni Evinzel hindi ko na pinasabi ang totoong dahilan kasi ayoko pang pag-usapan, siguro saka ko na lang sasabihin sa kanila pagayos na ako.

Sabi ng nurse puwede na daw akong lumabas huwag lang daw papabayaan ang sarili.

Nakauwi na ako at nakahiga sa kama wala akong magawa kay tumunganga nalang ako at nagisip kung ano ba ang mga ginawa ko kanina buti nalang naintindihan ako ni Evinzel.

Napabalikwas ako ng tayo ng maalala yung pinapasabi ni Madrine Hala lagot nalimutan kong sabihin.

Hayss bukas na nga lang.

~¤♡¤~

"Hmm.. Ang sarap naman ng tulog ko." tumayo na ako at nagmadali ng malaman kong late na pala ako. "Oh Mah Ghad! Late na ako."

Bago ako pumasok sa loob pinagmasdan ko muna ang paligid at labas ng school ito ay kulay Royal Blue at Puti, may 10 palapag at malinis ang paligid. Bago ka makapasok sa gate may nakalagay na Monteros University.

Napag desisyunan ko nang pumasok, nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi pa pala ako late dahil ang unti pa ng mga estudyante.

Ang aga pa pala, bakit kasi ganun ang orasan ko sa kwarto?

Hala! Baka nasira na naman,  papaltan ko na nga lang.

Habang naglalakad ako may nakita akong lalake at may dala siyang rosas na kagaya ng binigay sa akin ng boyfriend ko or ex ko? Ay ewan basta nalungkot na naman ako kasi naalala ko na naman, dumiretso na lang ako baka kasi bigla ko silang masugod at maisigaw kong 'Magbrebreak din kayo!'

Papasok na ako sa pintuan nang may tumawag sa akin. "Lomina!" at tumalikod naman ako para makita kung sino ito.

"Evinzel, ikaw pala!" sabi ko. "Ayos ka na ba?" ngumiti nalang ako hindi ko pa kasi alam kung ayos na ba ako.

"Mukhang hindi pa,  tara may pupuntahan tayo." sabi niya at hinila agad niya ako, hindi na ako nagreklamo, tutal gusto ko muna maggala-gala, maaga pa naman.

Nasa may Garden kami at nagtataka ako ng hinihila parin niya ako, teka saan ba kami pupunta?

Naglakad pa kami ng kaunti at sa di kalayian may nakita akong isa pang pinto at medyo may mga nakaharang na dahon doon. Pagka-pasok namin nanlaki ang mga mata ko.

"Wow! Ang ganda!" bakit ngayon lang ako nakapunta dito?

Ang ganda madaming butterflies gusto ko ang mga paru-paro kasi feel ko malaya sila kahit saan nila gusto pumunta. Naramdaman ko na naman ang lungkot na dumapo sa akin kanina

Kasi naalala ko nq naman iyong garden na pinagkikitaan namin ni Ethane pero may pagkakaiba din naman, mas madami ditong flowers at butterflies.

Umupo kami sa damuhan at ang ganda ng mga damo puwede nga mag picnic dito.

Hangang- hanga ako sa nakikita ko ngayon "Ang ganda noh? Ito ang Butterfly Garden. Wala masyadong pinapapasok dito at wala masyadong nakakaalam nito. Siguro nagtataka ka kung bakit tayo nakapasok? Kilala kasi ako dito dahil anak ako ng may ari ng school. " nagulat ako sa sinabi niya.

BEST FRIEND Where stories live. Discover now