Chapter 2

21.7K 598 34
                                    

Aze's POV

"BOSS! WAKE UP!"

Kanina ko pa sya inaalog tulog mantika!

"BOSS-!"

"F*CK! YOU'RE SO LOUD!"

Napaatras ako. Nakakatakot talaga ang lalaking ito! Pero di ako takot no!!! Never! Na... nagulat lang ako.

"Sa-Sabi mo po kase gisingin kita!"

Ayan nanginginig na naman boses ko. Alam nyo yung nakakainis? Ang bwesit! Na lalaki topless!!!

"Tsk! Ok! Ok!"

Sabi nito at ginulo pa ang magulo nyang buhok. Kagigil sya ah! Nako talaga! Pag ako napuno dyan! Iuuwi ko yan.

Pagkababa ko palang pinatawag daw ako ni Lola. Ang aga ah.

"Good Morning po Lola. May iuutos po ba kayo?"

Nasakusina kami habang umiinom sya ng kape nya.

"Ok ka pa ba iha?"

Nakangiting tanong nito. At grabe yung tanong nya ah. Parang bilang nalang yung mga oras na magiging ok ako.

"Po? Oo naman po. Bakit naman po hindi?"

Napangiwi si Lola saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Wala bang ginagawa sayo ang apo ko?"

May pag-aalalang tanong nito. Ganun ba talaga kasama ugali ng apo nyang yun?

"Wala naman po. Medyo high blood lang po palagi. Katulad kanina po nung ginising-"

Hindi ko na natuloy kase may pagkaOA din pala si Lola kase tumayo sya at pinaikot ako na parang sinusuri ang kung ano.

"Gi--ginising mo sya? Tapos. Anong nangyari?"

Ano bang nangyayari kay Lola?

"Ano po.... Ayun nagising po sya. Heheh"

Halatang pilit yung tawa ko ang weird naman kase. Big deal ba pag nagising yun? Wag nyang sabihing ayaw nya na magising si Jax. Luh? Grabe ang bad ko na.

Natahimik si Lola ng mga ilang minuto. Ano ba talagang nangyayari sa bahay na ito?
Bigla akong kinilabutan ng ngumiti nalang si Lola.

"You know what iha... ikaw palang yung unang taong gumawa nyan."

Sabi nito at tumatango-tango.

"Lola kase inutos naman po-"

Ok ayaw nya ako pagsalitain.

"Kahit inutos nya. No one dare..."

Nakangiting huling sabi nito bago lumabas bitbit ang kape nya. Parang masaya naman si Lolang tinatakot ako. Seye Seye.

*****
Kinabukasan again 6 na ng umaga at nandito ako sa kusina habang nagpupunos ng mga baso. Kasama ko nga yung Mommy ni Jax nag kwekwentohan lang kami tungkol sa kanya.

Sa mga kwento nya parang ang sama sama talaga ng ugali nya. Grabe pala yung mga ginawa nya dati. Syempre hindi ako mag papahuli kwento ko din sa kanya nangyari samin ni Jax kahapon.

Baka lung anong nangyari isipin nyo ahh. Yung mga sigawan namin yun yun! Wag kayong ano dyan.

"HEY YOU!"

Ay puso ko nahulog sayo. Bakit di mo sinalo! Ay ano bayang sinabi ko. Nakakagulat naman kase. Buti hindi ko yan naisigaw talaga muntik pang mahulog yung baso.

"Good Morning din po Boss"

Sarkastikong bati ko dito sumaludo pa ako ah. Masamang tingin naman ang natanggap k sa kanya.

"Bakit hindi mo ako ginising?"

Malamig pero pabulong na sabi nito sakin. Nanunuod lang naman samin si Ma'am Leah

"Hindi mo naman po sinabing gisingin kayo.."

Pabulong din na sagot ko. Parang gusto ko pangang idugtong na sino kayang magbabalak na gisingin sya matapos ang sinabi ni Lola Sandra.

"Coffee!"

Bossy na sabi nito saka padabog na lumabas.
Walangyang lalaki ka!
Napabaling naman ulit ako kay Ma'am Leah ng tumawa ito ng bahagya.

"Bakit po?"

Ano? Lahat sa pamilya nila weirdo?

"Hahah. Nothing iha. Wala lang kasing ibang nangangahas na sagutin sya ng sarkastiko. Ikaw palang pero ang cute nyo"

Sabi nito at iniwan narin ako mag-isa. Warning ba ulit yun? Bakit parang ang saya saya pa nila na kunti nalang gigilitan na ako ng buhay ni Jax

Nagtimpla na ako ng kape ni boss buti natanong ko kanina kay Ma'am Leah kung paano yung timpla ng kape ni Boss.

"Boss ito na kape mo"

Yung pagod na pagod ako na taas ng hagdan tapos sasalubungin nya ako ng masamang tingin.
Wala naman syang ibang sinabi kinuha nya lang sakin yung kape. Aasa paba ako sa thank you nya?

"May iuutos ka pa boss?"

Tanong ko dito habang pinapanuod syang humigop nung kape. Gwapo talaga ang bwesit!

"What's this?!"

Inis na tanong nito. Ano na naman kayang problema ng isang'to.

"Kape po boss"

Nakangiting sagot ko dito na sinagot nya ng masamang tingin. Padabog nya pang pinatong yung tasa at tumayo.

"Kanina ka pa ah!"

Sabi nito at hinablot yung isang braso ko. Hindi masakit kunti lang. Wew!
Syempre atapang atao ako kaya kunyari hindi takot. Jusko lord!

"To-Too naman pong kape-"

Hindi ko na natapos ng our lips meet. Wow! Nice meeting you. P*tapete! Ang lambot lambot lang mga bessy.
Parang nakuryente ako kaya agad ko syang natulak. Walang yang ito my virgin lips wala na.

Nabigla ata sya pati ako nabigla rin ng umigkas yung kamay ko at lumapat sa pisngi nya.
Bigla naman nya akong hinapit sa bewang ko.

"NO ONE DARE TO SLAP ME!"

Namumula na yung leeg at tainga nga sa subrang inis. Pilit ko namang pinapakitang hindi ako apektado sa bwesit na kasungitan nya.

"Pwe--Pwes! Ngayon meron-!"

Hindi ko na na tapos ulit ng nag Hi yung labi nya sa Labi ko well Hello dear. Nakakaadik naman! Kainis Aze umayos ka dalagang Filipina. Madiin yung halik nya masakit kahit papaano hah! Pilit ko syang tinutulak pero ano namang laban ko may pandesal ito.

Muli kong ikinagulat ng naging banayad yung paghalik nya. Anak ka ng!!! Maygusto siguro sakin ang lalaking ito. Ganda ko!

"Gusto ko yung unang timpla mo ng kape"

Bulong nito ng tumigil sa pag halik. Mabuti naman mauubosan na ako ng hininga eh. Binitiwan ako agad nito nahihiya ako kaya tumakbo agad ako palabas.

Pagpasok ko sa kusina napahawak ako sa dibdib ko. Oh my god!!! Kagat kagat ko yung ibabang labi ko para pigilan yung pagtili.

"Ate Aze ok kalang?"

Tanong sakin ni Kiana na tinitingnan ako na parang may ginawa akong kakaiba.

"Ahh. O--Oo.."

Umiwas ako ng tingin sa kanya para matago yung pamumula ng pisngi ko. Saka ko sinimulang mag timpla ng kape. Paano ko pa sya haharapin ngayon.

Mabuti nalang pagkapasok ko sa kwarto nya nasa loob ulit sya ng CR. Thank you Lord. Mahal na mahal mo talaga ako.

"BOSS ITO YUNG KAPE MO!"

Nilakasan ko talaga ng subrang subra to the highest mega ultra. Saka kumaripas ng takbo.

Maid Of My Possessive Boss Jax Armstrong (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon