Chapter 3 - SAVIOUR

58 4 0
                                    

Inspired by : Shenaline Ortega

                     Hazzel May Bastida

Written:\\Yosh_06--

****************

Napilitang maghanap nang trabaho si roro sa dahilang makakita nang konting pera, para sa gastosin nang bahay nila. Simula kasi noong hindi na umuuwi ang ate niyang si ria ay hindi na umaasa si roro sa tatay niya.

"sige na naman po oh, kailangan lang po talaga namin nang pera. Kahit ano po tiga hugas nang pinggan, kahit ano po." pagmamaka-awa ni roro sa babaeng medyo may edad na.

"nako iha kung pwede lang. Wala talaga iha pasensya kana. Underage ka pa kasi"

Dahil nasa 15years old pa si roro ay walang sinuman na tumanggap sa kanya nang trabaho.

Labis ang lungkot na naramdam naman ni roro.

Dahil sa gabing-gabi na ay umuwi na lang si roro at naisipang bukas na lang siya magpapatuloy na maghanap na mapapasukang trabaho.

Wala na siyang natirang pera kundi limang piso nalang.

Bandang alas dyes na nang gabi na naglalakad siya sa unang kanto.

limang kanto pa ang madadaanan bago siya makakarating sa kanila.

puro street lights, mga mababahong nakaimbak na basura at nagsikalat ang nadadaanan niya at mga asong gala na nagkakahol. Yung iba naman na bahay na nadadaanan niya ay ang mag-asawa na nag babangayan at naghahagisan nang mga kitchen wares kahit gabi na. 

Gayon pa man balewala lang iyon kay roro.

Dahil sanay na siya.

Hanggang sa nakaabot na siya sa ikatatlong kanto kung saan mga batang napariwa, mga batang nag aaway dahil sa isang pagkain na nahalungkat sa isang basura. Yung iba naman naglalaro. Yung iba may nag-iinoman.

Patuloy pa rin na naglakad si roro hanggang sa umabot siya sa isang kanto na walang katao-tao kundi isang groupo lang na nakatambay at isang street lights lang ang tanging ilaw.

Patuloy pa rin sa paglalakad si roro habang walang imik kahit nakikita niya yong mga nag dadrugs sa gilid nang kanto, yong iba naman nag PDK o Public Display Kissing.

"Miss saan ba punta mo? Pwede sumabay?" pasigaw na tanong nang lalaking tambay.

Hindi pinansin ni roro at patuloy nalan siyang sa paglalakad.

"Teka lang nag-iisa ka yata." Sabi nang isang kasamahan nang kalalakihang humarang sa daanan niya.

Na may mga malalaking sout, mga may mga tatoo naman yong iba

May mga malalaking kwentas.

At may bandana na pula sa noo.

Na parang isang groupo nang gangster.

"Wala kayong pakialam." sagot ni roro na tila walang emosyon.

"Aba! Ayos ka ah?" ani nang isang lalaki.

"Narinig mo yun?" tanong nang pangalawang lalaki.

"Ang tapang mo!" sabi nang ikatatlong lalaki.

"Bakit sino ka ba sa akala mo? Anak ka ba ni pangulong aquino para pagsalitaan kami nang ganyan ha?" doon na nabatid ni roro na hinawakan na pala siya sa braso nung lalaki.

"Gahasain mo na yan bossing! Mukhang masarap eh! Inosente nang mukha at ang kinis-kinis pa nang balat, bigtime ayos!~ pag nagsawa--" sambat na salita nang ika apat na lalaki.

TWINS (Squatter Vs. Village)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon