Prologue

34.5K 645 83
                                    


– –

Nakaupo kami sa ilalim ng Rubber tree. Kapag vacant period ay doon kamin tumatambay ng mga classmates ko. Yung mga naririnig kong usapan ay tungkol sa mga napanood nilang Koreanovela, may iba rin nag uusap tungkol sa nabasa nilang libro. 

"Ayla..." tawag ko sa katabi ko. 

Hindi niya ako pinansin at nakatingin lang siya sa puno ng Rubber Tree. 

"Ayla..." tawag ko ulit sa kanya. 

Wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kanya. Nakatitig pa rin siya sa puno. Puno ng takot ang mga mata. 

"Ayla!"  nilakasan ko ang boses na nagpagulat sa kanya.

"Uhh!" 

Marahan ko siyang tinapik sa mga balikat. Halata sa mukha niya ang takot. Hindi siya mapakali.

"What happened to you?" 

Ilang beses siyang napalunok at tinitigan ako. Parang may hinahanap sa mukha ko. Kunot-noong nakatingin ako sa kanya. 

"Na- Nakita ko ang ulo mo sa puno." 

Tumaas ang kilay ko sa narinig ko mula sa kanya. "Ha?"

"Kaye, nakita ko ang ulo mo sa sanga ng punong 'yan!"

Nagitla ako sa sinabi niya. Bigla akong kinilabutan. Lumapit sa amin si Saffi. 

"Ano ang ibig mong sabihin, Ayl?" tanong nito na malalim ang pagkakakunot ng noo. 

"Na-Nakita ko ang ulo ni Kaye sa puno!" nanunubig ang mga mata nitong nakatingin kay Saffi. 

"Ayl..."  hindi makapaniwalang usal ko.

"Totoo ang sinasabi ko! Nakita ko ang ulo mo na nakapatong sa sanga ng puno! Hindi ako nagbibiro, Kaye!" 

"Hindi magandang biro yan, Ayl!" bulalas ko. 

"No. Hindi ako nagbibiro, Kaye! Hindi ako nagbibiro..." 

Hindi ko alam kong maniniwala ako sa sinasabi niya. Umiiyak na siya ngayon kaya lumapit ang iba pa naming classmates. 

"Anong nangyari kay Ayla? Bakit siya naiiyak?" tanong ni Roxi. Nakatingin silang lahat sa amin.

"Sa tingin ko ay alam ko kung ano ang nakita ni Ayla,"  komento ni Saffi. 

"Ano?" kinakabahang tanong ko. 

"Marahil iyon ang doppelganger ni Kaye." 

Napasignhap kaming lahat sa sinabi ni Saffi. Napatingin silang lahat sa akin. 

"Doppelganger?"

Ano ba ang ibig sabihin niyon?

 

Third Eye Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon