♠Karen dela Cruz♠

19.4K 599 64
                                    

Ayla’s POV

Nandito ako ngayon sa library at nag-aayos ng mga libro sa shelves. Ito kasi ang ginagawa ko araw-araw pagkatapos ng klase ko sa hapon. Alas quatro natatapos ang huling klase ko sa hapon kaya deretso agad ako rito sa library. Naglilinis din ako rito. Minsan kasama ko ang kaklase kong si Saffi. MWF kasi ang schedule niya rito sa library. Hindi kagaya ko na araw-araw.

Natatapos ako sa paglilinis at pag-aayos hanggang alas cinco y media na. Madalas ay mas marami pa akong ginugugol na oras a pagbabasa kaysa sa pag-aayos ng mga libro. Sinusundo naman ako ng pinsan kung lalaki rito sa school kaya okay lang sa akin na abutin ng hapon.

“Ayla, ikaw na ang bahalang magsara ng library, ha Kailangan ko nang umuwi dahil nariyan na sa baba ang sir Chris mo.”

“Sige po, Ma’am! Kaya ko na po rito. Baka po mainip sa paghihintay si Sir. Ingat po sa pagbaba sa hagdanan, Ma’am!” paalala ko sa librarian namin dito sa school.

Pitong buwan na kasi siyang buntis kaya kailangan niya ng ekstrang pag-ingat kapag bumababa ng hagdanan. Ang asawa nitong si Sir Chris ay teacher din ng school pero Sophomores ang tinuturuan nito. Nagtuturo ito ng English subject.

Siyanga pala ang pangalan ng school namin ay Sweet Valley National High School o mas kilala sa tawag na SVNHS. Isa lamang itong public school pero malaki ito. Mayroon itong gymnasium, oval-tawag namin sa field, little  Baguio-tinawag na little Baguio kasi maraming puno at malamig ang hangin. Nasa mataas na bahagi iyon ng vicinity. Mayroon din kaming two-storey building sa harap kung nasaan ang English department sa second floor at Science department naman ang nasa ground floor. Ang Administration building naman ay katabi ng two-storey building at dito nga sa taas ng admin building ang library. Nasa harap ng building ay damuhan kung saan laging nauupo ang mga estudyante tuwing breaktime o di kaya ay vacant period.

Sa totoo lang kami lang ang naglalakas loob na maglaro ng Chinese garter at luksong tinik doon kahit na naka palda lang. Iyong mga lalaking kaklase namin ang madalas naming gawing poste at tagahawak ng garter kapag naglalaro kami. Hindi kami nahihiya kahit na nasa section  one kami. Iyon ang trip naming gawin, eh!

Balik tayo rito sa library. Ito nga, nag-aayos pa rin ako ng mga libro rito. Tapos na akong maglinis ng sahig. Nawili ako sa pagsalansan ng libro nang may mahagip ang mata ko na gumalaw sa kabilang shelves. Bukas pa ang pinto kaya siguro may pumasok nang hindi ko namamalayan.

“Manghihiram ka ba ng libro?” malakas na tanong ko. “Kung manghihiram ka iwan mo lang d’yan sa mesa ang library card mo, ha? Mag-fill up ka na lang din ng borrower’s form,” dagdag ko.

Mapagkakatiwalaan naman ang mga estudyante rito. Kapag ako na lang ang naiiwan dito at may gustong manghiram ng libro ay iniiwan na lang nila ang library card pagkatapos mag-fill up ng borrower’s form. Simple lang naman ang nilalagay sa form. Name, student’s number at title ng hihiraming libro plus ‘yong pirma.

Napatigil ako sa ginagawa nang wala akong  makuhang sagot. “Hey? Nandiyan ka pa ba?”

Iniwan ko ang ginagawa at tiningnan ang kabilang shelves. Nasa pitong malalaking shelves kasi ang magkahanay at nasa pangalawang shelf ako. Dahan-dahan kong tiningnan ang bawat shelf na madaan ko. Hanggang makarating ako sa huling shelf. Wala namang tao. Baka wala namang hiniram na libro at umalis na?

Nagkibit-balikat na lang ako at akmang babalik na sa ginagawa ko kanina.

“Ahh!”

“Hey! Makasigaw, ah!”

Sapo ko ang dibdib ko sa pagkagulat nang sa bigla kong pagtalikod ay nakaharap ko si Chax.

“Shocks! Ginulat mo ‘ko!”

Third Eye Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon