One choice can transform you...
Yan ang sabi ni Veronica Roth sa libro niya. Ang buhay ay full of choices. Kailangan natin gumawa ng mga desisyon na maaaring magbago sa ating buhay.
Siguro kung hindi ko hinawakan yung libro ng Divergent sa bookstore baka hindi nag bago yung buhay ko. Hindi ko siguro marerealize na change is really important. Na walang constant sa mundo. Na kahit may problema ka hindi titgil ang mundo sa pagikot.
Marami akong desisyon na pinagsisisihan, pero pinalakas ako nito at tinuruan ako ng maraming bagay. Minsan sa mga maliliit na desisyon na ito, tayo ay lumalakas. Natututo. Nag mamature. Minsan din dahil dito, nagbabago ang takbo ng ating buhay. Ang minsang akala mo para sayo, paggising mo kinabukasan hindi na. Ang mga sacrifices na akala mo para sa pag-ibig pero yun pala para rin sayo.
Sa eighteen years kong nabuhay sa mundong ito ngayon ko lang narealize na kailangan ko magdesisyon. Ang manatiling nakatayo dito at pakawalan ang tunay na tinitibok ng puso ko o ipaglaban ang bagay na matagal ko na dapat sinugalan... Ang mafall para sa isang lalaking ni minsan hindi ko naging kasundo... Ang mafall sa isang lalaking may mahal ng iba. Ang mafall sa taong alam kong wala naman akong pag-asa.
Napaglaruan na ang puso ko pero ipinaglaban ko pa rin ang taong minahal ko ng buong puso ko. Naging third party din ako sa isang love story na akin naman dapat. Ginawa ko ang lahat lahat kahit alam kong talo na ako.
Pero dahil sa isang lalaking nakilala ko sa bookstore nabago ang pananaw ko sa buhay. Dahil sa isang lalaking nagmahal ng lubos nakita ko ang totoong meaning ng paglaban. Dahil sa isang lalaking naging frenemy ko natutunan kong pahalagahan ang sarili ko at ang mga bagay sa paligid ko. At dahil sa isang lalaking nagbigay sa akin ng mga maliliit na memories natutunan ko ang totoong kahulugan ng pagmamahal.
Pero sa dami ng mga natutunan ko at mga bagay na pinagsisihan ko may isang bagay ako na ni minsan hindi ko pinagsisihan at nagawa ko matutunan ang mag mahal kahit na masakit na at kahit pagod ka na.
Siguro nga takot ako...
Siguro nga tanga ako...
Siguro nga hindi talaga kami ang para sa isa't isa...
Pero alam ko sa sarili ko na lumaban ako...
Ako si Elizabeth Castro...
Nagmahal ako yun nga lang natalo...
BINABASA MO ANG
The Right Love At The Wrong Time
Romance"Siguro nga takot ako... Siguro nga tanga ako... Siguro nga hindi talaga kami ang para sa isa't isa... Pero alam ko sa sarili ko na lumaban ako... Ako si Elizabeth Castro... Nagmahal ako yun nga lang natalo..." Elizabeth Castro has it all. Mayaman...