Chapter 3 - Are We Really Going To Watch The Purple Dinosaur?!

6 0 0
                                    

Malapit na matapos ang klase ko! Naeexcite na ako kasi magkikita na kami ni Miguel after ilang weeks naming hindi nagkita! Namimiss ko na siya ng bonggang bongga! Napagusapan naming na magkita dun sa favorite coffee shop niya sa Tomas Morato. Di masyadong sikat pero masarap ang kape dun. Puwede na din kamimag date dun para sa anniversary naming kahit late na.

Nung narinig ko yung magandang tunog ng bell sa school, nagmadali na akong magayos ng gamit. Sa sobrang excitement ko, lalo pa akong napatagal dahil nahulog yung mga books ko. Talk about minamalas.

“Ang OA mo Lisa.” Sabi sa akin ni Ares. Imbis tulungan ako pinagsabihan pa ako? Bakit ko nga ba kaibigan tong mokong na to? Tumawa lang si Sam at sumunod kay Ares. Nung napulot ko na lahat ng gamit ko, pumunta na ako sa locker ko at inilagay ang aking mga libro.

Nauna na si Ares at Sam sa akin since magkaiba ang aming way pauwi today. Well, technically di pa kasi ako uuwi. Pinaalam ko na to kay mama. Pumayag siya pero hanggang 9 lang daw ako at kailangan ihatid ako ni Miguel sa bahay on time. Eh alam ko naman na gagawin yun ni Miguel kaya kampante ako.

Pagdating ko dun coffee shop, nandoon na si Miguel. Nakasuot pa siyang uniform niya. Pareho kaming walang time paara magpalit ng damit pero ok lang at least nagkita kami. Yun ang mhalaga para sa akin. Hindi pa niya ako nakikita at mukhang malalim ang iniisip niya. Tinakpan ko ang mga mata niya at bumulong.

“Hulaan mo kong sino ako…” bigla siyang tumawa at hinawakan ang aking kamay. Dahandahan niyang tinangal ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin at tumayo. Hinalikan niya ako sa noo ko at tinignan ako ulit.

“Kamay mo pa lang alam ko na kung sino ka.” Nginitian ko din siya at umupo sa tapat niya. Nung nakita ko ang tingin niya sa akin, yung kaba sa puso ko parang biglang nawala. Kampante ako na hindi niya ako iiwan ng ganun na lang kagaya nung ginawa kay Tristan. I trust Miguel.

“I’m sorry kung di tayo nakapagkita kahapon. Alam mo naman kung gaano katas ang expectations sa akin ni mama. Kailangan ko sundin yung gusto niya.” Alam ko selfish na palagi na lang ako humihingi ng sorry kay Miguel and natatakot ako na baka one day magsawa na siya sa kakaintindi sa akin.

“Alam ko naman yun Beth. Masama lang loob ko dahil anniv natin kahapon tas wala ka. I wanted it to be special. Pero okay lang nandito ka naman na. Okay na ako.” He grinned at me na parang bata na nakatanggap ng regalo. Maswerte ako kay Miguel pero feeling ko hindi niya ako diserve sa ginagawa ko.

“Sorry talaga beb. I also wanted yesterday to be special kaso hindi talaga pwede kahapon.” Talaga lang ha? Kasama mo sila Ares kahapon diba? Gosh, I’m such a bitch! Oo nga! I should have spent my time with Miguel instead. Di ko naman akalain na magtatagal kami dun eh. I was supposed to drink my coffee then go home.

Masyado mo kasi inenjoy yung company ni Tristan. Nakalimutan mo tuloy si Miguel.

 

No! It’s just Tristan needed us that day. Tinwo time siya ng girlfriend niya. It’s not that important. At least pumunta pa din ako today. Tumayo si Miguel at umorder ng usual na kinukuha naming dito sa coffee shop. I looked at him as he made his way to the cashier. Pagtinignan mo si Miguel, siya ang role model ng ideal guy. Yung buhok niya naka clean cut, tama lang ang haba. Katamtaman ang katawan hindi masyado Malaki pero enough to say na may abs dahil sa basketball. Makinis at maputi ang balat. Siya ang hinahanap ni Yeng Constantino sa kanta niyang “Chinito”.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Right Love At The Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon