Chapter 1 - Ang Buhay Ay Tungkol Sa Decision Making

13 0 0
                                    

Tumingin ako sa relo kong binigay sa akin ni Miguel. Tuwing nakikita ko to napapangiti ako. Ito kasi yung isa sa mga pinakamahalagang regalo na binigay sa akin ng boyfriend ko.

Alas dos na wala pa siya... Asan na kaya yun?

Sumilip ako sa labas ng malaking bookstore sa Cubao. Wala pa rin siya. Usapan namin magkikita kami ng after lunch. Anong oras na, sabi niya kanina papunta na siya pero kanina pa yun eh. Kinakabahan na ako. Haaay.

Umakyat ako sa 2nd floor at tumingin sa mga librong naka hilera sa mga bookshelves. Sa isang pader may nakadikit na poster ng isang babae at lalaking nakaitim. Nakita ko na inaayos ng isang babae ang mga libro doon. Lumapit ako at tumingin sa poster.

Divergent.

Narinig ko na to sa isang kaibigan ko. Sabi niya maganda daw. I like to read books but I'm not a nerd. Para sa akin magandang libangan lang ang pagbabasa. Para kasing gumagaan ang loob ko kapag nakakapagbasa ako. Plus, tuwing magbabasa ako parang nakakalimutan ko ang lahat ng mga problema ko sa pamilya, kay Miguel, sa pag-aaral at sa sarili ko. Hindi ko na kasi maintindihan kung ano ang gusto ko, ang hirap magdecide.

"Naniniwala ako diyan." Napatingin ako sa tabi ko. May isang lalaking nakangiti sa akin. Lumipat ang kanyang tingin sa librong hawak ko. Hindi ko naintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin kaya nagtanong ako.

"Ha? Ako ba kausap mo?" Lumingon ako at tumingin sa paligid. Wala na pala si ate iniwan na ako. Nagtanong pa ako mukhang timang lang. Shunga eh. Kakahiya naman. May itsura pa naman tong si kuya, mukha pang rich kid.

"May iba pa bang tao dito?" Pinasok niya ang kanyang mga kamay sa pocket ng jeans niya. Tinignan ko siyang mabuti. Maputi siya at medyo singkit. Tas yung buhok niya parang kinulayan ng copper. Anlayo niya kay Miguel. Siguro sadyang matino lang talaga si Miguel.

"Wag kang pilosopo. Malay mo kausap mo sarili mo." Tinignan ko siya ng masama at tumingin ulit sa libro. Okay na sana eh may pagkapilosopo lang.

 

"One choice can transform you..." Sabi ng boses niyang malalim. Ang sarap pakinggan sa tenga. Di ko nanaman na gets yung sinabi niya. Ano ba yan Eli na tatanga ka nanaman. Uso ang mabilis na pagpick - up.

Tinignan ko siya. Nakita niyang di ko naiintindihan ang gusto niyang iparating. Bigla siyang pumikit at nagbuntong hininga. Tinuro niya yung nakasulat sa ibabaw ng libro.

One choice can transform you .

 

Ah. Yun pala yun. Bakit di ko muna tinignan yung libro. Tinignan ko yung mga salitang tinuro niya. Naniniwala ba ako dito? Gusto kong sabihin na ako rin naniniwala dito kaso alam ko naman sa sarili ko na hindi.

May choice ka ba? Eh lagi namang parents mo yung nasusunod diba? Di mo nga kayang humindi sa gusto nila. Buong buhay mo planado na.

 

Yan nanaman ang aking trustworthy bestfriend, ang aking utak. Well, totoo naman eh. Planado na buhay ko. The only thing naman na napagdesisyonan ko ay yung relationship ko with Juan Miguel Zaragosa, my one and only. First meeting palang with the rents approve na agad.

The Right Love At The Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon