Chapter 2 - Oh My Gosh! It's Your Mommy Monster!

7 0 0
                                    

Magsisimula na ang second year ko sa school ko. Medyo kinakabahan lalo na't mahirap ang course ko. Just imagine requirement ang english! Dudugo na ang ilong sa life kong ito. Well, wala naman akong choice eh. My mom wants me to follow her footsteps o kung kaya daw, lagpasan ko pa. Hirap mabuhay ng may expectations sayo ang parent mo. Take note... PARENT.

Sabi ng mom ko patay na raw ang dad ko. Whenever I ask her about him, laging siyang may ngiting malungkot. Para bang may pagsisisi. Pero hindi ko kayang tanungin kung ano ba talaga ang nangyari. Sabi lang niya accident. Di ko na alam kung ano yung mga detalye. If I ask her kung may litrato pa si dad sa kanya lagi niyang sinasabi na wala na raw. Ni hindi ko nga alam kung anong itsura ng tatay ko. Minsan I even wonder if meron nga ba akong tatay.

Pagpasok na pagpasok ko sa classroom namin umakap agad ang best friend kong si Samantha Delos Reyes sa akin. Siya ang babaeng may nakakairitang boses pero hindi mo magawang magalit dahil super cute. Parang may alaga kang pusa. Bumungad din sa akin ang napaka-pulang buhok ng kaibigan kong si Ares Sera Flores. Wag ninyo akong tanungin. Hindi ko din alam bakit ibinigay kay Ares ang baliktad niyang second name. He's parents are weird that way.

Etong dalawang to ang aking mga best friend since I started college. Para kaming triplets na hindi mapaghiwalay. Yun nga lang iba iba ang pinanggalingan namin. Sila ang mga soulmates ko. Di pa ako nagsasalita, alam na nila kung may problema ako.

"Lisa! I missed you!" Sabi ni Sam habang naka pulupot ang maliliit niyang braso. Small but terrible talaga to. Naramdaman ko nang vibrate yung phone ko sa kamay. Sinilip ko kung sino yung nagtext. Syempre hindi na surprise kung sino.

Miguel: Good Morning Beb! I miss you! :* kelan kita puwedeng makita? :(

 

Umagang umaga hinahanap na ako ng oh so loving boyfriend ko. Bongga diba? Haba ng hair. Pero real talk... Tuwing umaga na lang napapangiti niya ako. Mahirap kasi lagay namin ngayon two weeks na kaming di nakakapagkita. Miss ko na rin siya pero gusto ng mom ko mag advance study ako sa lahat ng subjects kaya napilitan ako mag stay sa bahay. I don't want to give her reasons para magalit kay Miguel. Yun na nga lang yung nagiisang bagay na tinanggap niya sa lahat ng mga naging desisyon ko, sisirain ko pa ba?

Me: Good Morning din beb! Pwede tayo magkita bukas. You want? First day kase madaming inaasikaso... :* :(

 

Miguel: Beb naman eh. Di ba talaga puwede? Anniv natin 2day. :(

 

Me: I'm so sorry Miguel. Alam kong pangatlo na to pero promise babawi talaga ako =(

 

Miguel: Lagi na lang tayong ganito. Haaay. Sige2x bukas ah. Bawal ka na mag back out. :/

 

Me: Promise. I love you Juan Miguel Zaragosa :D :*

 

Miguel: Love you more Elizabeth Castro. You're my everything. :*

 

You're my everything? Ha! Mainggit na ang buong mundo dahil nasa akin ang pinaka sweet na boyfriend na pwedeng mahanap! Muwahahaha!

The Right Love At The Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon