"Are you ready love?" He asked me while we are on our way to their house. Kinakabahan ako kasi for the first time mamemeet ko parents ni Rage pati mga kapatid niya in person.

"Kinakabahan ako love." Nagpout ako tapos bigla kaming tumigil sa tapat ng isang bahay.

"Why? Mababait sila okay love? And they want to meet you so bad." Sabi niya sakin at inalis yung seatbelt ko saka ako hinalikan sa noo. "Maganda ka ngayon kaya wag kang kabahan, they won't eat you! I promise." Pinalo ko si Rage kaya napatawa siya sa reaksyon ko. Bumaba siya sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. "Lets go." Kinuha niya yung kamay ko at magkaholding hands kaming pumasok sa bahay nila.

Pagdating namin sa dinning area sobrang daming pagkain.

"Actually its Ate Reign birthday." Napatingin ako ng masama kay Rage.

"Bakit di mo sakin sinabi? I should've prepared something. Nakakahiya tuloy!" Napairap ako kay Rage.

"Di na kailangan love. You gave them the best gift." Napakunot yung noo kong tumingin kay Rage."Me. Being what I am right now that is because of you." Di ko mapigilang hindi ngumiti sa sinabi ni Rage.

"Hijo siya na ba yung girlfriend mo? Yung Ysabelle?" Tanong noong parang Mayordoma kay Rage.

"Yes manang. Sobrang ganda di ba?" Tumingin sa akin yung medyo ma-edad na mayordoma nina Rage.

"Nice to meet you. Ako nga pala si Manang Rosing hija. Ako ang nagalaga kay Rage tsaka sa mga kapatid niya." Lumapit naman ako kay Manang Rosing at nagmano.

"Nice to meet you din po." Nakangiti kong sabi.

"Napakagalang na bata. Hala sige umupo na kayo riyan at padating na din mommy at daddy mo Rage." Agad naman akong inalalayan ni Rage at pinaghila ng bangko at nang makaupo na ako, tumabi na din siya sakin. Naramdaman ko yung panginginig ng kamay ko ng makita parents ni Rage kasama yung tatlo niya pang kapatid, napansin naman ito agad ni Rage kaya kinapitan niya yung kamay ko.

"Hey don't be too nervous. They gonna be your parents too, soon." Saka ako nginitian ni Rage. Napangiti din naman ako at medyo natanggal yung kaba na nararamdaman ko.

"Hi Mom. Hi Dad. Ate's" Bati ni Rage sa family niya ng magsidatingan sila sa dinning area.

"Wow you should be Ysabelle?" Bati sakin noong Ate Raven. Naikwento na sila sakin ni Rage kaya kilala ko na din sila.

"Yes po. Carina Ysabelle Gonzales po. Nice to meet you po and good evening po." Sabi ko sa kanilang lahat.

"Infairness kahit loko-loko si Rage ang ganda ng naging jowa." Pangloloko naman ni Ate Regine.

"Ikaw nga matino pangit naman mga nagiging jowa!" ganti sa kanya ni Rage. "Anyway guys." Napatingin ako kay Rage kasi tumayo siya at hinahatak din niya akong tumayo kaya tumayo din ako kahit super hiyang hiya na ako.

"Ysabelle that's my Mommy Reah, Mom this is my Carina Ysabelle." Pakilala sakin ni Rage sa mommy niya.

"Hello po Tita Reah, nice to meet you po." Lumapit ako sa kanya and makikipagshake hand sana ako when she hug me.

"Sobrang gandang bata. Nice to meet you to hija." Napangiti naman ako pero super nahihiya pa din ako.

"Dad si Ysabelle. Yung babaeng mahal na mahal ko. Ang ganda ano?" Sabi ni Rage. "Ysabelle that's my Daddy Chris. Mas gwapo ako ano?" Napangisi nalang ako at lumapit kay Tito Chris saka nakipagshake hand.

"Then that's my Ate Reign. Ate Reign this is Ysabelle." Lumapit ako kay Ate Reign and just like their mom bigla niya akong niyakap.

"We should bond soon. Okay?" Tumango ako at binati siya ng Happy Birthday!

Still into youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon