17

3 0 0
                                    

To Stephanie

Bes? You'll kill me kapag nagpaalam ako and so I didn't pero di din naman ako makakapag-paalam sayo kasi pinabagsak ka ng mix kanina. I'm at the next town from where the resort is, I'm with Rage. Don't worry I'm safe. We will be back tomorrow as soon as possible. Please don't tell our other friends about this. Ipagpalusot mo nalang ako ha? Thank you! Iloveyouuu mwaaaa.

Nakahiga lang ako sa kama while watching netflix here at the hotel. Rage is taking a bath. Wala pa kaming tulog and it was already pass 4 am.

"I'm done love." pagtingin ko kay Rage agad din akong napaiwas ng makita kong half naked siya at naka-towel lang siya sa baba.

"Wth? Are you seriously seducing me?" sabi ko sa kanya while still covering my eyes from his sinful body.

"Love!" tumabi siya sakin at niyakap ako. Naramdaman ko yung lamig ng katawan niya dahil medyo basa pa siya mula sa paliligo niya. Pakiramdam ko tuloy uminit yung paligid ko kahit sobrang lakas ng aircon dito sa hotel. "I want to kiss you." sabi niya at mas hinigpitan yung yakap niya sa akin.

"Lumayo ka sakin tsaka magbihis ka ngaaa!" pagrereklamo ko sa kanya. Hindi ko pa rin tinitingnan si Rage.

"I want to sleep like this with you." nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Naisip niya ba na hindi ako makakatulog kapag katabi ko siyang ganyan. I mean nakita ko naman na yang katawan niya pero wag naman niya laging iharap sa pagmumukha ko.

"Magbihis kanaa!" sinubukan ko siyang itulak pero ang tigas ng muscles niya sa dibdib. "Ano ba Rage!" pagrereklamo ko pa at sinubukan siya ulit itulak palayo sakin. "Rage!" inis na singhal ko sa kanya kaya agad siyang bumitaw sakin at tumayo sa pagkakahiga sa kama. Pagbalik niya is nakashort na siya, nakashort lang pero topless pa din.

Ang lakas mang-asar!

"Okay na ba?" I rolled my eyes at ibinalik ko nalang tingin ko sa panunuod. Tumabi sakin si Rage at niyakap ako."Tulog na tayo?" He asked me.

"Magkatabi tayo?" napalunok na tanong ko kay Rage.

"Ayaw mo ba?" tanong sakin ni Rage and when I look at him, he looks like a lost puppy.

"Sa sahig ka." I commanded at him kaya mas nagpout siya kasabay ng pagkunot ng noo niya matching nagsasalubong na kilay.

"Bakit ayaw mo ako katabi? Eh ang lawak lawak ng kama tsaka ako yung nagbayad dito!" He exclaim kaya umayos ako ng upo ko at nagcross arm ako saka ko siya tinaasan ng kilay.

"Nagrereklamo kana ngayon Arellano?" tanong ko sa kanya habang nakataas pa din kilay ko. Umayos siya ng upo at humarap sakin saka nagcross arm din.

"Asawa naman kita bakit bawal akong tumabi sayo matulog?" nakakunot yung noo niyang tanong sa akin. Pero bago pa ako makasagot kay Rage, sa diskusyon naming dalawa eh biglang may cellphone na nagring and alam kong sa akin yun.

Athena Calling . . .

Tiningnan ko si Rage and sinenyasan niya akong sagutin ko yung tawag. Biglang lumakas yung pagkabog ng dibdib ko ng pipindutin ko na yung answer button.

"WHERE ARE YOU CARINA YSABELLE? SERIOUSLY!!" It was Rei shouting at the line. "ASAN KA? MAGSABI KA NGA MAGKASAMA KAYO NI RAGE NO? PINAGTATAKPAN KA LANG NETONG SI KIM NO?" Nanlaki yung mata ko. So nabasa na ni Kim yung message ko sa kanya. Agad kong ibinack yung tawag at hinayaan magsalita si Rei doon, agad kong tiningnan yung message and saw Kim message to me.

From Stephanie

TANGINA KA BES! PERO DAHIL MAHAL KITA AT SINAMAHAN MO AKO KANINA OKAY IPAPALUSOT KITA BASTA'T BUMALIK KA AGAD I MEAN BUMALIK KAYO AGAD! INGAT KAYO NI RAGE. IKAW LANG PA HEHE

From Stephanie

SABI KO KINA REI NA NAGPASAMA KA KAY RAGE SA OSPITAL SA KABILANG BAYAN KASI NAHIHIRAPAN KANG HUMINGA HAHAHAHA

From Stephanie

TANGINA BES DI NANINIWALA.

HOY

REPLY NAMAN

"Rei--"

"FINALLY YOU SPEAK ANO ASAN KA? MAGKASAMA LANG SIGURO KAYO NI RAGE SA KUNG SAAN NO? ANO BA YSABELLE GET YOURSELF NGA WAG KANG TANGA!" She shouted at me.

"Rei can you calm down?" I said and look at Rage again. Umiling ako sa kanya to tell him that somethings going wrong. "Nasa hospital ako and I badly need this. Sorry if di ako nagpaalam, I just told Kim. I'm sorry." sabi ko sa kanya, telling Kim's lie also.

"Sang ospital? Pupuntahan ka namin?" Rei asked me kaya mas kinabahan ako.

"Uuwi na rin kami. Wag na kayong mag-abala." Sabi ko sa kanya.

"Ysabelle? Hindi na kami natutuwa sa ginagawa mo. Tandaan mo nandito si Caleb nagaantay sayo and yan si Rage may girlfriend yan. Mag-isip ka. Matalino ka. Wag kang magtanga-tangahan sa gagong yan! Hindi ka niyan seseryosohin." It was Erika. I ended the call.

"Anong sabi?" Rage asked me.

"Ganon pa rin, yung lagi nilang sinasabi sakin when it was about you." I tried faking a smile. Ipinatong ko yung cellphone ko sa table.

"Hindi talaga nila ako magugustuhan no?" nakangiti pero halata kong malungkot ang kanyang mga mata. Lumapit ako kay Rage at niyakap siya.

"Ako gusto kita." then I kiss him at his nose. "Gustong gusto Rage." hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya kaya niyakap din niya ako pabalik habang hinahalikan yung buhok ko.

"Mahal kita Carina. Believe it or not." ibinaon ko yung mukha ko sa dibdib niya. Kahit wala siyang damit, amoy ko pa rin yung pabango niya sa katawan niya. "Let's sleep this way. This feels better love. Atleast kahit ngayon lang masulit kong akin ka." then he kisses my head again. Naramdaman kong pumatak nanaman yung luhang kanina ko pa pinipigilang kumawala.

Kasi alam ko makikinig nanaman ako sa mga kaibigan ko. Kasi alam ko hindi ko ipaglalaban si Rage. Kasi alam ko mas takot akong mawala yung mg kaibigan ko kesa piliin ko yung kasayahan ko, kesa piliin ko yung buhay ko, kesa piliin ko si Rage.

Still into youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon