Nagising akong umiiyak at hingal na hingal. Mabuti nalang at tumunog ang alarm clock na nakapatong sa lamesa sa gilid ng aking kama.
Bakit ganon ang panaginip ko? Sino ang lalaking iyon?
Bakit ako nagmamakaawa na wag niya akong iwan? At bakit hindi ko maaninag ang kaniyang mukha?
Sobrang sakit na ng ulo ko kakaisip kung sino ang lalaki sa aking panaginip nang biglang may kumatok sa aking pinto.
"Hoy Alexandria gumising ka na! Baka nakakalimutan mo lunes ngayon at ngayon ang first day mo sa school!" sigaw ng aking nanay.
Oh my god!
Napatalon ako bigla sa aking kama nang marinig ko na ngayon pala ang unang araw ko sa bago kong eskwelahan. Jusko! 7:30 na at 8:00 ang klase ko! Nako naman Dria! Bakit kasi late ka na natulog kagabi? Haaaay!
Dali dali kong kinuha ang aking towel at dumeretso agad sa banyo at ginawa ang dapat kong gawin.
After 20 minutes nakaayos na ako at bumaba na.
Naabutan ko si mama sa kusina na hinahanda ang breakfast.
"Ma pasok na po ako." paalam ko habang sinusuot ang aking sapatos.
"Mag almusal ka muna!" sigaw ni mama nung nasa labas na ako ng bahay.
"Sa school nalang ako kakain Ma! Late na po ako!" sigaw ko pabalik kay mama habang sinasara ang gate ng aming bahay.
Haaay! May 10 minutes pa ako. Nagsimula na akong maglakad or I should say tumakbo dahil late na talaga ako! Jusko naman first day sa school tapos malelate pa ako?
After 10 minutes nakarating na ako sa main gate ng school.
Pasensiya na nakalimutan ko nang magpakilala dahil sa pagmamadali.
Ako nga pala si Alexandria Alcantara. 18 years old. Matangkad, morena, straight ang buhok. Mahilig akong magbasa, magsulat at magcompose ng mga kanta. Only child ako, maaga kasing namatay si papa. Apat na taong gulang ako noon nung naaksidente siya at namatay kaya mag isa nalang si mama na nagtataguyod para mabuhay kaming dalawa. Nagtransfer ako dito sa isang public university dahil hindi na kaya ni mama na pag aralin ako sa pribadong unibersidad.
I'm taking up Bachelor of Science in Business Administration Major in Business Management at kasalukuyang nasa 3rd year level. Gusto kong makapagtapos ng pag aaral at makapaghanap agad ng maayos na trabaho upang matulungan ko si mama at para hindi na rin siya magtrabaho. Gusto kong ako naman ang mag alaga sa kanya. Gusto kong maranasan niya ulit ang magandang buhay.
May business kami noon pero dahil sa pagkamatay ni papa nalugi ito at tuluyang nagsara. Nabaon kami sa utang at ang bahay nalang namin ang natira sa ari-arian namin. Si mama ay isang public school teacher at nagtuturo sa High School. Kaya gagawin ko talaga ang lahat para maabot ko lahat ng mga pangarap ko, pangarap namin ni mama.
Literal na napanganga ang bibig ko nang makita ko ang bagong school ko.
Napakalawak pala neto! Jusko paano ko hahanapin ang room ko sa lawak at laki ng school na'to?
Tatlong matataas at malalaking building ang nasa harapan ko ngayon. Sa harap nito ay ang malawak na field na kinatatayuan ko.
May mga puno sa magkabiling gilid at may mga benches sa ilalim nito.
Wala nang mga estudyante na nakatambay dahil malamang ay nasa kani-kanilang room na ang mga ito dahil nagsimula na nga ang klase.
Sa likod ko naman ay ang gym ng school na ito at wala ring isang estudyante na naroon.
May mga grupo ng estudyante na dumaan sa harapan ko at kahit nahihiya ay inapproach ko sila.
Siguro ay late din ang mga ito.
"Hello! May I ask? Saan dito ang Room 102 A?" tanong ko sa kanila.
Sinagot naman ako nung lalaking may headphones na nakasabit sa kanyang leeg.
"Transferee ka ba miss?" tanong niya sabay kindat sa akin. Ano ba yan! Naalibadbaran ako sa ginawa niya.
"Oo transferee ako kaya hindi pa ako sanay sa mga pasikot-sikot dito sa school." sagot ko habang ang ibang kasama niya ay parang walang pakialam sakin.
"Deretso ka sa building A miss, sa may first floor lang nyan pangalawang room. May makikita ka namang karatula na nakalagay sa taas ng pinto." aniya habang itinuturo ang daan papunta sa isang building sa may left side.
Mabuti nalang at nakapagtanong ako kasi kung hindi jusko baka kanina pa ako naligaw!
"Salamat sa tulong ha, mauna na ako late na kasi ako", paalam ko at dumiretso na sa building. Nagpatuloy naman sila sa paglalakad papuntang right side.
Tinignan ko ang mga karatula na nakalagay raw sa may parteng taas ng pintuan at nang nakita ang tamang classroom ay agad akong kinabahan. Ito ang first day ko sa school na ito, ibig sabihin wala akong kilala kahit isang estudyante or teacher man lang. At ang pinakamasaklap late pa ako sa unang araw ko!
Sumilip ako at nakita kong nandoon na ang professor at kasalukuyang nagsasalita sa harapan. Kumatok ako sa pinto at natigil siya sa pagsasalita at napatingin sakin pati narin ang lahat ng estudyanteng naroon sa loob.
"Good Morning Sir, I'm so sorry I'm late" bati ko ng nakayuko dahil sobrang kinakabahan talaga ako. Mukha kasing terror ang proffesor na ito kasi kung makatingin ay parang isang tigre na gustong kainin ang kahit na sinong makita niya.
"Sira ba ang orasan niyo sa bahay at hindi mo alam ang right time ng klase? My god! First day ng school you are late! How irresponsible student you are!"sigaw niya sakin. Shet! Nanginginig ang kamay ko at hindi makatingin sa kaniya. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko dahil ayokong mas mapahiya sa kaniya at sa harap ng buong klase.
"Sir I'm a transferee, hindi ko po kasi alam kung saan ang classroom ko kaya po natagalan-"
"What a lame excuse! I don't care if you're a transferee or not! My number one rule here in my class is don't be late dahil ayaw na ayaw ko sa mga estudyanteng nale-late sa klase ko!" gusto ko nang tumakbo paalis dahil sobra na ang pagkakapahiya ko sa kanilang lahat.
"Get inside and find your seat! This is a warning okay? Next time do not be late again understand!?" pumasok ako kaagad at naghanap ng mauupuan. May nakita akong bakanteng upuan sa may bandang likuran. Sa tabi nito ay ang isang lalaking nakaheadphones habang nakapikit ang mata.
"Excuse me, can I sit here?" tanong ko ngunit parang wala siyang narinig. Hayaan na nga basta umupo na ako dahil baka makagalitan na naman ako ng professor.
Haaay! First day ko palang sa school na ito ganito na ang mga nangyari. Kinakabahan tuloy ako sa mga susunod pang mga araw. Paano kaya ako makakapag adjust?
A/N: Hey guys! It's my first time writing a story. So sana po magustuhan niyo! At sana you'll support me for this. Thank you in advance guys! Love ya all! Mwa!
![](https://img.wattpad.com/cover/167741557-288-k541396.jpg)
YOU ARE READING
Almost
Teen FictionWhat will happen if you almost got the person you really wanted to have but in the end you just lose that person? Will you still continue pursuing that person? Or will you just give up and let that person go? Will you take the risk? Are you strong e...