Intro—
"Pia, can you help me buy something? Diyan lang naman sa mall." Sabay tingin ko sa kaibigan kong nagwawalis ng kwarto ko ngayon. Tiningnan niya ako bago tumango.
"Katapos mo nalang, maliligo lang ako ah?" sambit ko pa at isinara ko ang laptop ko at tinabi lang sa kama. Tumayo ako at dumiretso na sa banyo para maligo.
Buti pala talaga naalala ko na may bibilhin akong gamit para sa mga iilan kong subject siguro idadagdag ko nalang ang pag-shopping. At bibilhan ko na din pala ng gamit si Pia- tinatapis ko ang roba sa katawan ko katapos kong maligo ng ilang oras.
Lumabas ako ng banyo at pumasok sa walk-in closet ko, wala na din si Pia siguro naligo na siya. I wear my comfortable clothes, just a plain black shirt and shorts. Katapos kong mag-ayos lumabas na ako at hinintay nalang si Pia sa sala.
"Aalis kayo ni Pia ija?" Napatingin ako sa gawi kung saan ko narinig ang boses, ngumiti ako at tumango sa nanay ni Pia.
"Opo tita, bibilhan ko na din po siya ng gamit. Buti talaga naka-pasa siya doon acceleration test."
Ngumiti naman ang mama ni Pia at nagpaalam nadin na aayusin na niya ang mga nilalabhan niya, sakto ding bumaba si Pia wearing her comfortable clothes tulad lang ng sa akin. Ngumiti ako at agad agad isinakbit ang kamay ko sa braso niya.
"Let's go!"
"Thanks Cassi." She uttered at tiningnan ako, ngumiti naman ako. "For what?" takang tanong ko kunwari.
"Sa pagtulong sakin na makapasa sa 4th year high school sa school niyo. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya at magpapatuloy na ulit ako sa pag-aaral."
I can't help but to smile at tumango nalang, matalino si Pia kaya malakas ang kutob ko na makakapasok siya sa school namin, tumigil kasi siya nung grade 6 siya at doon nga siya nag-umpisang mag-trabaho para samin, sila ng mama niya.
I was her tutor, kahit we're in the same age that time. Ang mga tinuturo sa school ay tinuturo ko sakanya, we became close like a sister kaya mahal na mahal ko itong babae na'to.
Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita kong malapit na kami sa mall.
"Tingin mo makakahabol pa ako? Eh halos malapit na ang 1st examination niyo eh." Nag-aalalang tanong niya.
"Oo naman ikaw pa, tsaka binabasa mo naman siguro yung mga notes na binibigay ko sayo hindi ba?"
Tumango siya. "May pera ako dito, bili nadin tayo ng gamit ko!" masayang sabi niya at ngumiti ako.
"Sweldo mo yan, itago mo. Ako na muna ang bibili ng gamit mo okay?"
"Pero, nakakahiya ano- amo-"
"Kaibigan" pagtatama ko at ngumiti naman siya at inulit ang sinabi ko.
Nag-park si manong at bumaba na kami ni Pia, dumiretso kami sa isang bookstore para bumili ng mga gamit niya sa eskwelahan at kailangan ko din. Eto lang talaga ang pinunta ko dito ang bilhan na siya ng gamit, mag-uumpisa na kasi siya sa Monday kaya excited talaga ako.
"Kain na muna tayo." Sabi ko habang ang cashier sinu-swipe pa ang mga pinamili namin. "Saan mo gusto?" Tanong ko.
"Kahit saan nalang, sa jollibee!"
Natawa ako at tumango nalang, katapos namin magbayad ay dumiretso narin kami sa fast food restaurant. Siya na ang nag-order at ako ang naghanap ng mauupuan namin, medyo maraming costumer kasi lalo na't weekend ngayon.
Habang nag-hahanap ako ng mauupuan ay biglang nag-vibrate ang phone ko, I fish it out inside my sling bag at nabasa ko ang pangalan ni Daddy.
"Yes dad?"
"Ija, are you available next week?"
Kumunot ang noo ko. "For what?"
"Well, all of the publishing company will have party next week and our boss will be there. Ipapakilala kita sana sakanya." masayang sambit ni papa, nagpa-'thank you' pa ako doon sa mga umalis noong napansin ata linga ako ng linga for available seat. Kaya agad ako umupo doon sa couch at tumawag ng waiter para iligpit ang pinagkainan nung mga umalis.
"Bakit mo naman ako ipapakilala Dad? Is that even necessary?"
"Of course, hahabol kasi siya ngayon bilang mayor dito sa atin. We should show him our support diba? Lalo na our company is the leading publishing company this year."
Nag-buntong hininga ako, ano pa nga ba?
"Sure dad, basta ikaw." Natatawang sambit ko at pinatay na katapos ng saktong dating ni Pia.
We just ate our meal quietly at pagkatapos non ay pauwi nadin kami, palabas na kami ng mall ng biglang may nakabunggo sakin at nahulog pa ang sling bag ko sa balikat ko.
Kumunot ang noo ko at padabog na pinulot ang bag ko. "Di man lang nag-sorry." Inis na sambit ko, habang matalim na nakasunod ang mata ko sa tumatakbo na lalaki na yon.
"Ayos ka lang ba Cassi?"
Nag-buntong hininga ako at tumango kay Pia, we went home with my sudden change of mood. Nakakainis kasi yung ganoong tao. Kahit naman sino siguro maiinis.
Sunday came at ganoon lang din ang set up ko kapag week end. It's either stay sa bahay at mag-advance reading sa mga subjects or gagala kasama si Pia, but today nag-stay lang ako habang tinutulungan si Pia na mag-ayos ng gamit niya para bukas.
"Pia Sison, uh- 17. Nice to meet you all." Nahihiyang sambit pa ni Pia habang nagpapakilala sa harap, ngumiti ang teacher namin at pinaupo na siya sa tabi ko. Lalo na't alphabetical ang ayos namin.
"Ms. Sison I hope you can catch up with us, malapit na ang fist examination kaya ask your classmates to help you okay?" tumango si Pia at bumaling naman sakin ang pansin ni Ma'am Dizon. "Can you help her Ms. Roque, lalo na't kasama mo siya sainyo?"
"Yes ma'am!"
To be continue...
YOU ARE READING
The Catastrophe
General FictionThe Catastrophe | April, 2019 Story Started: April 18, 2019 Story Ended: N/A All Right Reserved © Cams, April, 2019