Dating
Kinabukasan nagising nalang ako halos mag-l'lunch na. Kinuha ko yung basong naka-ready na may tubig sa side table at agad na ininom.
Binuksan ko yung drawer sa side table pero wala yung phone ko or ang laptop ko. Kumunot ang noo ko at tiningnan ang pintuan. "Pia?" sigaw ko at tumayo na, habang liniligpit ang kama ko.
Narinig kong bumukas ang pinto at iniluwa si Pia doon, hinarapan ko siya at nakita kong nakayuko siya. "Yung phone ko nasan? Pati laptop ko?"
"Uh, pinakuha ni Mommy mo."
"Huh? Bakit daw? Ginising mo nalang sana ako." Sabay lapit ko sakanya tho at the same time agad niyang hinarang ang sarili niya para lumabas ako.
"Ano nanaman to?" Nalilitong tanong ko at nakita ko pa siyang napalunok. "Pinapasabi kasi ni Ma'am na wag na wag daw kitang palalabasin hanggat hindi niya sinasabi."
"Huh? Eh ano namang gagawin ko dito? Mabubulok? Kung hindi lang sana kinuha ang phone ko okay lang, tss. Tell Mommy I need to do shopping at sasama ka okay?"
Umiling siya ng mariin at kumunot ulit ang noo ko. "Ano ba kasi yon! Naiinis nako!"
Bumuntong hininga siya.
"D-diba may ikukwento ka pa sakin? Tara sa loob! O di kaya maligo ka muna!"
Nagtagis ang panga ko dahil ayaw kong mainis ng tuluyan kay Pia, hinawi ko ang kamay niya at lumabas. Tinatawag niya ako at hinabol pababa pero hinayaan ko lang siya, kaso kababa ko halos maluwa ang mata ko sa paglaki dahil sa nakikita ko sa labas.
Bakit may media?
Tumigil ako sa panghuling hakbang at tiningnan si Pia.
"S-sabi ko naman kasi sayo s-stay ka muna eh."
"Bakit may media?" pagbabalewala ko sa una niyang sinabi.
"S-sa taas ka na muna."
"Bakit may media Pia?"
Yumuko lang siya at napansin ko ding nilalaro niya ang daliri niya, kinakabahan marahil alam niyang seryoso ako ngayon.
Tiningnan ko ulit ang nasa labas at may nakahagip ata sa gawi ko.
"Ayun si Ma'am!" narinig kong sigaw nung isa kaya nagkumpulan sila sa side ng gate namin.
Paano naman ako nakita nito? Eh halos ang liit lang tsansang makita kami sa loob. Kumunot ang noo ko, ako ba hinahanap ng mga to?
"Ma'am isang question lang po to clarify things!"
"Ma'am is it true that you are dating the new running mayor's son!?"
Yaan halos ang sinisigaw nila sa labas, ano naman pinagsasabi ng mga 'to? Ni boyfriend nga wala ako.
Hinawakan ko sa siko si Pia at hinila siya patungo sa kitchen, at puro sigaw na ng mga taga-media narinig ko habang papasok kami sa kusina at umupo sa dining table, doon ko nadatnan ang mukhang stress na si Mommy at Daddy together with Mr. Mendoza.
Anong ginagawa nito dito?
"Good morning Mom, Dad." bati ko at lumapit sakanila upang makipag-beso. Binati ko din si Mr. Mendoza at umupo ako sa tabi ni Mommy.
"Can I ask kung anong commotion ang nasa labas?" Sabay tingin ko sa lahat. Nagbuga ng malalim na hininga si mommy at hinawakan ang kamay kong nasa lamesa.
"Ayaw ko muna sanang ipaalam to ija, pero may ipapaki-usap si Mayor sa'yo." Kunot noo kong pinakinggan si Mommy at tiningnan pagkatapos si Mr. Mendoza.
"It spreads like a nutella kaninang umaga ija, issue about you dating the new running for mayor's son."
"H-huh? Dating? Hindi ko naman po kilala anak--" natigil ako ng naalala ko ang aksidente kagabi. Don't tell me? What the hell?
"Sorry ija." Panimula ni Mr. Mendoza kaya tiningnan ko siya. "Marami kasing gustong sumira sakin lalo na ang current mayor ngayon, he sees me as a threat na baka maalis siya sa pagkakaluklok niya. What can I do? I just want to help and take care our place diba? Gusto ko lang naman tumulong sa mga tao dito sa Pampanga. Kaya they are doing a secret investigation para masira kami, alam namin iyon ng anak kong si Keyshawn kaya gumagawa din kami ng paraan pero matinik masiyado ang mga kinuha niya na kumalap sa mga impormasyon namin...
Alam ko din na napahamak kayo kagabi at nabaril si Keyshawn sa balikat and I want to thank you for saving my son's life." ngumiti siya pero wala parin akong naiintindihan.
"Bakit po nagka-issue kami na nag-dadate kami ng anak niyo? Hindi ko naman po siya kilala." pinisil ni mommy ang kamay ko pero hinayaan ko siya, ngumiti si Mr. Mendoza.
"And here will I enter to ask for your permission Ms. Roque, kakasabi ko lang na nag-hire ng secret investigation ang kampo ni Mayor Sandiego inuna nilang ipuntirya ang anak ko. They've been following him since the day na nag-start akong mangampanya, they saw you together last saturday--"
"T-teka po, hindi po kami magkasama noong saturday. Si Pia po ang kasama ko." Tiningnan ko pa si Pia non.
"I know, pero dahil gusto nga akong siraan in-edit nila iyon dahil kinuhanan kayo ng litrato. Lahat ng makasalamuha niyang babae ay pinipicturan siya ag ine-edit ija. Kaso dahil sa nangyari kagabi mas lumala ang interest nila sainyong dalawa, nakita nilang tinulungan mo siya at pumasok kayo sa kotse niya kaya ang resulta itong issue ngayon."
"We can just tell them naman po na hindi kami at tinulungan ko lang po siya kagabi, at- let say na may pakana si Mayor Sandiego!"
"We can't baby."
Napatingin ako 'kay Daddy. At kumunot ang noo ko.
"Baka ikasira mo iyan, you got link with his son. Kaya makiki-usap si Mr. Mendoza sayo na i-fake na muna ang relasyon niyong dalawa ni Keyshawn kapag kasi dineny mas lalo lang pupuntiryahin ang anak ni sir at madadamay kapa, ayaw ko naman mangyari iyon. And it might lead our business to downfall kapag nangyari iyon."
Hindi ako nagsalita at nagtagis nalang ang panga ko.
"Just for the sake of the show ija, naka-usap ko na din ang anak ko. Alam kong ayaw niyong pareho but it is also for the sake of our both family."
"Ma'am Sir!"
Napatingin ako sa isa pa naming kasambahay na si Aling Lenny at nagtuturo pa siya sa labas. "Si sir mendoza po nasa labas."
"Good timing." Narinig ko pang sabi ni Mr. Mendoza, si Daddy naman ay inutusan si Aling Lenny na papasukin yung anak ni Mr. Mendoza.
Ilang segundo lang ay nakikita ko na siya papalapit at halatang galit. Ano nga kasi pangalan nito?
"Dad! I told you to cut the issue off! Pero sinabi mo pang nagdedate kami--" natigil siya ng nakita niya ako at ang magulang ko. "S-sorry." paumanhin niya at tiningnan muli ang ama niya.
Tiningnan ko siya at nagbuntong hininga, kasalanan mo 'to Cassi. Kung sanang hindi nalang ako pumunta sa labas kagabi hindi ko madadanasan tong ngayon. Kainis.
To be continue...
YOU ARE READING
The Catastrophe
General FictionThe Catastrophe | April, 2019 Story Started: April 18, 2019 Story Ended: N/A All Right Reserved © Cams, April, 2019