Two

7 1 0
                                    

Blackmail

Nako talaga Cassidee kapag ikaw napahamak dito, pumasok kana sa loob!

Luminga linga ako at napansin ko yung lalaki kanina. Yung nakabunggo sakin! Naglalakad siya papunta sa parking lot, maglalakad na sana ako para hanapin yung taong baka patayin nung mga narinig ko ng biglang natumba yung nakabunggo sa akin.

Nanlaki ang mata ko at napatakip ako sa aking bibig. Is that him!? Bakit wala man lang tunog yung baril!?

Luminga ako at walang mga security, what the heck. Hindi man lang secured ang event! I heard him groan kaya tumakbo ako papunta sakanya, I almost fainted when I saw blood on the floor.

"H-hey are you okay!?" napapaos kong tanong, stupid Cassidee tingin mo ba ayos yan ngayon? Nabaril nga diba? Estupida!

"Are you blind?" Pabalang niyang tanong habang nakakunot ang noo niyang nakatingin sakin, habang ang kamay niya ay basa balikat niya.

Ngumuso ako ng bahagya. "I'll call police instead, papadala kita sa hospital I'll go inside!" Tatayo na sana ako ng hinila niya ako pabalik sakanya, I was like a ball bounces back ng hinawakan niya ang pulsuhan ko.

"N-no, ikaw ang g-gumamot sakin." Mahinang sambit niya at pumikit siya ng mahigpit ng biglaan niya ata akong hinila.

"What!?" hysterical kong sambit at nagbuntong hininga siya, sakto naman tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Pia iyon sasagutin ko na sana yung tawag ng hinablot niya sakin ang phone ko at tinapon sa malayo, nanlaki ang mata ko. "Why the heck did you do that!"

"Gamutin mo ang sugat ko!"

"I am not a doctor!"

He groan at biglaang tumayo, hinila niya ang pulsuhan ko papunta sa kotse. "Hey! Where are you taking me!"

"Lilinisin mo ang sugat ko." mahinahon niyang sambit at binuksan niya ang pintuan sa likod ng kotse niya ata. Iginiya niya ako papasok at inis ko siyang tiningnan. "I said I am not a doctor!"

"Just fucking follow what will I say then!"

Natahimik ako at inipit-ipit ang hintuturo ko, halos masugat pa ang pang-ilalim kong labi dahil sa sobrang pagkagat ko.

Nagbuntong hininga siya at may inabot na gamit sakin, it is a first aid kit at kinuha ko yun na halos nanginginig. 

"Maglagay ka ng alcohol sa kamay at gamit na gaganitin mo dahil aalison mo itong bala sa balikat ko."

"H-ha? Hindi ko kaya yon! Tumawag nalang tayo ng ambulansya!"

"No, gusto mo bang mag-hysterical ang mga tao sa loob? At ayaw kong pag-alalahanin ang Daddy ko kaya please help me out here, I will owe you a lot."

Halos ingay nalang ata ng paglunok ko ang narinig ko, sinunod ko ang mga sinabi niya at halos atakihin ako sa sobrang kaba dahil pinatahi niya pa ang sugat niya.

"P-patingin mo sa doctor yan."

Tumango siya at ngumiti, huminga siya at sumandal sa kotse niya. "Thanks."

Tumahimik ako at umupo ng maayos.

"S-sino pala yung mga yon?" Halos namamaos kong tanong sakanya, tiningnan ko siya.

"Mga kalaban ni Daddy, alam kong ako ang puntirya nila pero nagulat ako na maaga nila gagawin ang mga plano nilang paninira kay Dad."

Kumunot ang noo ko, pano niya nalaman?

"Simple, tumatakbo kasi si Daddy ngayon at medyo matunog ang pangalan niya while the current mayor right now ewan naiiwan ata. Kaya akala si Daddy ang may pakana doon."

Napakurap ako at natulala sakanya na para bang sinagot niya ang nasa isip ko. How?

"I am not a mind reader if that's what you are thinking."

Nanlaki pa ang mata ko kaya natawa siya ng bahagya. "Halata lang kasi sa reaction mo."

"O-oh..."

Natahimik ulit ako at halos lumuwa ata ang mata ko ng mapagtanto kong ilang oras nakong nasa labas baka hinahanap nako nila Daddy!

"B-babalik nako sa loob!" tumingin siya sakin at tumango.

"Sabay na tayo, I will just change my suit. Labas ka hintayin mo ako."

Kumunot ang noo ko pero lumabas din sa kotse niya at naghintay. Why would I wait for this guy? Pwede ko naman na siyang iwan pero nag-ugat pa ang paa ko dito sa paghintay sakanya.

Narinig kong nagsara ang pinto ng sasakyan niya at tumayo siya sa side ko, tiningnan ko siya ng masama.

"Hey, how about my phone?"

"I'll buy you a new one then."

"What? May pera kami ano!" sabi ko at naglakad na siya kaya sumunod ako sakanya, ang haba ng paa kaya ang laki ng hakbang halos takbo lakad ng ginawa kong pagsunod sakanya.

"I will still buy you one, I owe my life to you remember?" Prente niyang sinabi kaya nag-make face nalang ako, saktong bumukas ang pintuan ng natahimik lahat ang tao sa loob. Hindi ko naalintana iyon dahil nasa likod niya ako.

His broad shoulder made me hide behind him, halos nabunggo panga ako kanina. Medyo sumilip ako at lahat ng bisita sa loob ay nakatingin sa amin. Napalunok ako, tumingin siya sakin.

"U-una nako." Bulong ko at naglakad na ako papunta sa table namin, ng kadating ko doon ay tahimik silang lahat. Even Pia is hard to speak dahil nakatingin siya sa likod ko. Kumunot ang noo ko kaya tiningnan ko yung tinitingnan nila, nagulat ako ng makita siya sa likod ko.

"Ano pang ginagawa mo dito?" Bulong ko.

"Sorry for the short notice, I bet you got worried for you daughter Mr. Roque? Nagpatulong po kasi ako kanina at naihulog niya pa ang cellphone sa kung saan kaya hinanap pa po namin kaso nawala na ata talaga." Paliwanag niya at binalewala ang tanong ko.

"O-oh ganoon ba ijo? S-salamat kung ganoon." Sambit ni Daddy at ngumiti, sumimangot ako at iniwas na ang tingin ko. Tiningnan ko si Pia na halatang kuryoso siya sa nangyayari.

Pagkatapos ng party na iyon ay umuwi kami ng matiwasay, agad akong naligo kauwi dahil sa sobrang kaba at halo halong emosyon ngayong gabi, sinuot ko ang ternong pajama ko at nahiga na sa kama.

Papatayin ko na sana ang lampshade ng may kunatok sa pinto. "Pasok."

Inuluwa ng pintuan si Pia habang suot din ang pantulog nito. "Tabi tayo."

Ngumiti ako at tumango, pinagpag ko pa ang tabi ko kung saan siya matutulog, tumalon siya at tiningnan niya ako.

"Kwentuhan mo ako bukas, di ako naniniwalang naiwala mo ang phone mo."

Sambit niya at napalunok naman ako ng wala sa oras, pumikit na siya. And worse kapag pinikit na niya ang mata niya ay tulog na talaga siya, how the heck does she do that right?

To be continue...

The Catastrophe Where stories live. Discover now