Gumawa ng selebrasyon ang Mahal na Reyna para sa taga labas ng palasyo. Pinagmasdan ko ang paligid talagang pinaghandaan ito at magarbo. Hinila ako ni Arai sa dagat ng mga taong nagkakasiyahan. Sumabay kami sa hiyawan at sayawan ng mga bisita.
"Nakakatuwa naman at naririto tayo!" galak na galak na sabi ko. Ngayon na lamang kasi ulit kami nakasayaw ng ganito. Dahil ngayon lang ulit nagkaroon ng imbitasyon sa amin ang Mahal na Reyna.
Pansamantlang tumigil ang tugtog at napalitan ito ng mabagal na tugtog. Ito na ang pagkakataon ng mga lalaki na anyayahan ang kanilang natitipuhang dalaga na sumayaw. Lumapit sa akin si Arai,isinayaw namin ang isa't-isa dahil alam namin na walang makikipag-sayaw sa amin. Iniikot namin ang isa't-isa. Nakapikit kaming dalawa at dinadama ang kanta. Sa kalagitnaan ng aming pagdarama may estrangherong nagsalita.
"Maaari ba kayong maisayaw?" napadilat ako ng marinig ko iyon pati na rin si Arai nagulat-gulat. Liningon namin ito. Nakaluhod sila sa aming harapan. At kami ay napayuko.
"Mga Prinsipe." sabay na bulong namin at yumuko bilang bigay galang.
"Maaari ba namin kayong maisayaw?" muling tanong ng Isang Prinsipe.
"uhhh- naku po sigurado ho ba kayo?" natatarantang tanong ni Arai.
"Oo sa inyong ganda ay dapat kayong maisayaw ng mga tulad namin." bigla kong namula sa aking narinig.
Inabot sa akin ni Prinsipe Davin ang kanyang kamay. Gayon din si Prinsipe Denur kay Arai. Tinanggap ko ang kamay niya at saka siya tumayo sa pagkakaluhod.
Linagay namin ang aming kamay sa tamamg posisyon. Nagsimula na makisabay sa mga taong nagsasayawan.
"Yuyuko kana lamang ba? Tingnan mo ko." malambing at maingat na utos ng Prinsipe.
"Paumanhin po." Hindi ko alam ang aking gagawin. Hindi ako makapaniwala na sa dinami-dami ng binata rito ang Prinsipe pa ang nakasayaw ko.
"Tumingin ka sa akin binibini." sambit niya at hinarap ako sa kanya sa pamamagitan ng paghawak ng baba ko.
"Mahal na Prinsipe, hindi niyo dapat iyon ginawa."
"Nahihiya kaba? Wala kang dapat ikahiya dahil kasayaw mo ang nilalang na tulad ko." sabi nito at ngumiti.
Pinalapit pa niya ng husto ang aking katawan sa kanyang katawan. "Mahal na Prinsipe, sa tingin ko'y hindi ito tama." alinlangan kong sambit.
Umiling ang prinsipe saka ito nagsalita. "Hindi binibini. Nasa kasiyahan tayo ngayon at walang masama kung ikaw ay makasayaw ko."
Tinikom ko na lamang ang aking bibig at nilibot ang aking mata sa paligid. Namataan ko si Arai napangiti ako sakanya tuwang-tuwa ito at hindi manlang nahihiya.
"Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ang iyong labi." sambit ng Prinsipe. Humarap ako sakanya titig na titig ito sa akin.
"Ano nga pala pangalan mo?" tanong niya. Ang Prinsipe tinatanong ang pangalan ng tulad ko?
"Naree. Tawagin mo akong Naree."
"Bagay na bagay sayo ang pangalan mo." puri niya.
"Salamat!" Ngumiti ako. "Mahal na Prinsipe,buti ay nagkaroon muli kayo ng imbitasyon sa mga taga labas ng palasyo?" Tanong ko.
"Gusto ng Mahal na Reyna magkaroon ng kasiyahan ang mga taga labas. Matagal-tagal na rin ng magkaroon ng kasiyahan ang mga taga labas kaya naisipan niyang maghanda para sa inyo." Paliwanag niya.
"Sa ilang beses namin makapunta rito sa Palasyo ngayon lang namin kayo nasilayan at ngayon lang din may nagtangka na magsayaw sa amin." Kwento ko at nag-iba ang kanyang reaksiyon. "Bakit po Kamahalan?" Tanong ko.
"Napaka imposible ng sinasabi mo, napakagandang babae niyo para walang magsayaw sayo." Sagot niya.
Umiling ako ng todo. "Totoo iyon,kamahalan. Hindi ko nga alam kung bakit walang nagtatangka na may mag-aanyaya sa amin."
"Hayaan mo na ngayon may nakasayaw na kayo." Aniya.
Inikot niya ko nag-iba ang aming posisyon nakatalikod ako sa kanya at siya ay nakaharap sa akin. Mistulang nakayakap siya sa akin mula sa likod.
"Napakaganda mo,Naree." Bulong niya sa aking tenga. Nagulat ako at napaharap sakanyang direksyon. Ngunit mali ang aking naging galaw. Napakalapit ng aming mukha. Nagsinghapan ang mga tao sa aming paligid at kanya-kanyang nagbulungan.
Kapangahasan!
Wala siyang kahiya-hiya sa kanyang sarili!
Sino ba ang hampaslupang iyan?Naitulak ko ang prinsipe na ikinagulat niya. Ang sama ng kanilang mga mata at parang nagbabanta. Sinulyapan ko si Arai. Binalik ko ang aking paningin kay Prinsipe Davin.
"Prinsipe Davin,kailangan na po namin umuwi malalim na ang gabi. Aking ikinagagalak ko na kayo ay aking nakasayaw." Ani ko. Iniwan ko siya at dumiretso kay Arai.
"Paumanhin, Kamahalan ngunit kailangan na ho namin lumisan." Yumuko ako at hinila na si Arai.
YOU ARE READING
The Legend of Rysus: The Path of Love
FantasyThere is a girl named Naree living at the bridge of Rysus. No one can explain how beautiful she is. And there is a man named Prince Davin-a prince. He is the crowned prince of Rysus. They met in the middle of celebration at the castle of Rysus. They...