Kabanata 1

13 1 3
                                    

Shoutout kay Aba at Nai!😘 Thank you! Hiii sa Tropang Leptentezlayp!
Please support me. Spread my story  HAHAHAHAHA.

BINABAYBAY na namin ang daan patungo sa tulay ng Rysus. Kanina pa nirereklamo ni Arai ang paglisan namin sa Palasyo. Hindi manlang daw namin tinapos ang kasiyahan. Hindi ko daw linubos ang pagkakataon.

"Arai,Madaming mapanghusga ang nanonood sa atin kanina." ilang ulit pa ba ako magpapaliwanag.

Di talaga ito nakakaramdam sa paligid o sadyang wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

"Kung di tayo umalis ron tiyak na huhusgahan tayo ng mga panauhin."

Tumingin siya sa akin.  "Ayon na e, naroon na tayo naudlot pa." masungit niyang sambit. "Sana iniwan mo na lang ako don."

Nag buntong hininga ako saka nagsalita. "Kung iiwan kita ron mapapahamak ka at saka kaibigan kita."

"Ipagtatanggol ako ng aking Prinsipe, Naree." Prinsipe niya daw? Nababaliw na talaga ang kaibigan ko!

"Nasisiraan kana ba? Huwag mong sabihing nabihag ka agad ng Prinsipe na iyon." ani ko at tinitigan siya sa kanyang mata.

"Sasabihin ko,Naree. Napakagwapo ni Prinsipe Denur. At talagang nabihag niya ko." napalo ko na lamang ang aking noo sa aking narinig mula sakanya.

"Nababaliw kana talaga, Arai!" sigaw ko binilisan ko lalo ang paglalakad.

"Ikaw ba? Hindi kaba humahanga kay Prinsipe Davin?" Aniya at nginisian ako.

"Tumigil kana, Arai! Wag mo ko idamay sa kahibangan mo!"  inis kong sambit at iniwan na siya sa paglalakad.

"Aminin mo, Napakagwapo niya hindi ba?" sigaw niya at hinabol ako.

"Tumigil kana,Arai."

"Kamangha-mangha ang kanilang mukha ngunit ikaw hindi mo manlang nakita iyon." Naiinis lang lalo ako sakanyang pinagsasabi. Alam naman ng lahat na ang mga prinsipe na iyon ay talagang kamangha-mangha.

"Nakita ko iyon, Arai.  Tunay nga na sila ay kamangha-mangha." Tinaas ko ang aking kamay upang magpaalam. Narito na kami sa tapat ng aming bahay.

"Oh diba, sinasabi ko na nga ba! Kunwari kapa!" napailing na lamang ako sakanya.

"Oo na. Paalam na Arai! Bukas ulit." Ani ko at kumaway sa aking kaibigan at umakyat na para makapasok na sa aming bahay.

"Narito na ako."  sambit ko ng makapasok

"Naree, kamusta ang kasiyahan sa palasyo?" bungad ng aking nakakatandang kapatid.

"Napakasaya kuya!"  masaya kong sabi sa aking kapatid.

"Aba! kakaiba ang iyong ngiti, masayang-masaya nga ang mahal kong kapatid." lumapit sa akin si Kuya Aris at hinawakan ang ulo ko.

"Siguro'y may nag-anyaya sa iyong sumayaw?" singit ni Alei, ang pinakabata kong kapatid.

"Ano ba iyong sinasabi Alei?" gulat kong tanong. Umupo ako sa tabi niya.

"Ate Naree, May nakasayaw kang ginoo?" masayang tanong ni Alei. Napatingin ako kay Kuya Aris na nag-aabang sa aking sagot. Tumingin muli ako kay Alei.

"Hindi Alei,imposible ang iyong sinasabi."- kinurot ko ang kanyang pisngi dahil sa kanyang tanong.

"Naree, tama ata ang sinasabi ni Alei. Wag mo na itanggi." Liningon ko si Kuya Aris.

"Kuya,Hindi ko kasi natanggihan ang ginoong iyon dahil."  tinigil ko ang pagsasalita at yumuko. Alam kong ayaw niyang may lalaking lumalapit sa akin.

"Naree, Nakakatuwa nga dahil may nakasayaw ka ng ginoo maliban sa aming dalawa. Sino ba ang lalaking iyon at tila ay napasaya ka niya ng husto?" Tanong ni kuya Aris habang naglalagay na ng pagkain sa mesa.

"Hindi kayo maniniwala sa aking sasabihin. Ngunit nakasayaw namin ni Arai ang magkapatid na Prinsipe." Ani ko at ikinagulat nilang dalawa."Naudlot nga lang dahil maraming nakatingin sa amin. Kaya nagpasya na kaming lumisan."

"Ayos lang iyon. Kaya naman pala ganyan ka saya ang iyong mga mata." ngumiti si Kuya Aris. At umupo na rin.

"Talaga nga naman napakaganda ni Ate Naree, nakasayaw ang Prinsipe." tukso ni Alei.

"Hindi ko akalain na may nagtatangkang magsayaw sa amin ni Arai." sinimulan ko na maglagay ng pagkain sa aking plato gayon din ang aking mga kapatid.

"Siguro'y napakagandang lalaki ng Prinsipe na iyon?" tanong ni Alei at ngumisi sa akin.

"Tama ka,Alei! Talagang napakagwapo at napakatikas niya!" Napalakas ata ang tinig ko at napatitig ang dalawang kapatid ko sa akin at tinawanan ako.

"Siguro'y talagang napakagandang lalaking iyon,kaya ganyan kataas at kaligaya ang boses mo." tumango ako kay Kuya Aris bilang sang-ayon. Nagsimula na kaming kumain. Parang kanina lang ay hindi ko siya pinupuri sa harap ni Arai at heto ako ngayon todo-todo ang aking papuri sa Kamahalan.

"Alei, pagtapos natin rito'y magpahinga kana, At Naree bukas ay dito ka lamang." tumango kami ni Alei. Bilang sang-ayon sa utos.

"Siya nga pala Kuya Aris, Nabanggit sa akin ni Ginoong Marion kung ipinagbibili ba raw ang mga baka."  sambit ko sa kalagitnaan ng kanyang panguya ng pagkain.

"Sa ngayon hindi ko pa naiisip na ipagbili iyon." sagot niya.

"Kung ako rin ang tatanungin, hindi ako papayag."

"Tsaka isa pa pinagkakakitaan din natin iyon." dagdag ni Alei.

"Ang daming gusto bumili ng mga alaga natin." ani ko at nagsimula muli kumain.

"Malulusog kasi ang mga alaga natin, Syempre magaling mag-alaga ang bunso niyong kapatid." masayang sambit ni Alei saka uminom ng tubig.

"Aba nga naman yumayabang ang Alei namin ah." asar ko na ikinangisi niya.

"Talagang gaganahan dahil may nasisilayan siyang magandang tanawin." Tumawa si Kuya Aris at sumimangot naman si Alei. Pinagmasdan ko si Alei habang kumakain.

"Kuya!" Sigaw ni Alei na mas lalong kinatawa ni Kuya Aris.

"Kaya pala madaling-madali ka tuwing aalis kayo." Tukso ko. "Binata kana talaga!"  dagdag ko pa kaya sumimangot ang kanyang mukha.

"Biruin mo dahil sa magandang tanawin na iyon sinisipag ang Alei natin." Nagtawanan kami ni Kuya Aris at ang katabi ko naman ay masama kaming tiningnan.

Nang matapos ay ako na naglinis sa kusina. Hinayaan ko na silang magpahinga. Nakakatuwang isipin na ang bunso namin ay may hinahangaan. Si Kuya Aris kaya mayroon din? 

The Legend of Rysus: The Path of LoveWhere stories live. Discover now