Sino nanonood ng "The Crown Princess" dito? Thai Drama. Dun ko nakuha yung names ng Dalawang bida. Di pa kase ako naka get over sa drama na 'yon kahit natapos ko na super ganda! 💖 Tapos ang gwapo pa ni Nadech😍😋 skl guys😂
BINAGSAK ko ang aking katawan sa higaan at pumikit at tuluyan ng linamon ng antok.
NareeNaree
Naree
Naree
Ang bawat bigkas sa aking pangalan ay tila para akong tinatawag. Nagmulat ako ng mata at bumungad sa akin ang babaeng nagliliwanag sakanyang kagandahan.
Tumayo ako. "I-ikaw nanaman? Sino ka? Anong kailangan mo?" Sunud-sunod kong tanong.
"Tama ka ako nga muli. Ako ang Dyosa ng Pag-ibig." Ngumiti siya. "At Wala akong kailangan,ikaw ang may kailangan."
Kumunot ang aking noo. "Hindi,wala akong kailangan." Gulong-gulo kong sambit.
"Darating na ang panahon,Alice."
"Hindi Alice ang pangalan ko." Tumalikod siya.
"Sandali lamang, bumalik ka!" sigaw ko. "Anong nais mong iparating?" sigaw kong muli at hinabol siya ngunit wala na siya,nawala na parang bula.
NADATNAN ko si Kuya Aris nang makalabas ako sa silid. Naka-upo ito sa harapa ng hapag habang nagkakape.
Lumapit ako sa kanya."Magandang Umaga, Kuya." Bati ko sa kanya.
"Naree, Kasama mo pala ang Prinsipe kahapon." napatigil ako. Paano niya nalaman?
"Nagkataon na naroon din siya sa bulwagan ." Simpleng sagot ko.
"At narito pa siya sa lugar natin." di ko masabi kung galit ba siya o inaasar niya ako.
"Tinulungan niya kami sa mga bitbit namin napakarami kasi."
"Nakasalo niyo pa sa hapag ang Prinsipe." Sambit niya. Hindi ako sumagot. "Narinig ko ang pag-uusap niyo bago siya lumisan."
"Si Arai ang may kagagawan kaya kasabay namin kumain ang Kamahalan."
"Kaya naman pala. O siya aalis na kami ha." Tumayo si Kuya Aris nang makita si Alei.
"Ingat kayo."
"HUWAG mo ako pagbantaan. Hindi mo ako madadaan sa pananakot mo Kamahalan."
"Pambihira ka! Bakit sinabi mo sakanya iyon?" Gigil na sambit ni Arai nang makwento ko ang pag-uusap namin ng Kamahalan bago ito lumisan.
"Nararapat lang iyon pagkatapos niya ko bantaan!"
YOU ARE READING
The Legend of Rysus: The Path of Love
FantasyThere is a girl named Naree living at the bridge of Rysus. No one can explain how beautiful she is. And there is a man named Prince Davin-a prince. He is the crowned prince of Rysus. They met in the middle of celebration at the castle of Rysus. They...