PINAUNA ko si Arai na umuwi sa amin. Nung una umapila siya pero sa huli naintindihan niya na gusto ko munang mapag-isa. Magtutungo ako sa Separo. Balak kong bisitahin sina Gurong Sakar at Meio. At siguro hihingi ako ng tulong.
Habang naglalakad nakarinig ako ng mga batang nag-aaway. Namataan kong mga batang bulilit na nag-aaway. Akmang lalapitan ko sila nang itinulak nung Isang bata ang nang-aaway sa kaibigan niya. Parang kami lang ni Arai nung maliliit pa kami.
"Halimaw umalis ka dito sa teritoryo namin! Paalisin niyo 'yan!"
Kasalukuyan akong naglalakad ng marinig ko ang sigaw na 'yon. Dali-dali kong hinanap kung saan ito nagmula.
Si Balsyo at ang grupo niya! Mukhang may inaaway nanaman ang mga ito!
Nanlalaki ang aking mata ng makitang si Arai ang kanilang ginugulo.
Tama nga! Si Arai! Siya lang naman ang batang binansagang halimaw dito. Mahaba at puting buhok na humaharang bahagya sa kanyang mata.
Tinulak ng isang batang lalaki si Arai. Napaupo sa Arai. Hindi siya lumaban sa halip nakakuyom ang kanyang palad sa damuhan na parang pinipigilan lumaban.
Lumapit si balsyo sa kanya at sinipa siya ngunit wala pa rin siyang tinag.
"Tama na pakiusap tumigil na kayo." Pagmamakaawa niya. Tumawa lamang ang grupo ni balsyo.
"Hindi kami titigil hangga't narito ka,umalis ka ditong halimaw ka!" Sigaw ni balsyo. Napakasama ng ugali niya akala mo kung sino makapagsalita.
"Naglalaro lang naman ako rito, balsyo. Hindi mo naman ito pag-aari." Sambit ni Arai.
"Ang tapang mo ha! Parusahan niyo siya!" Sigaw niya at dali-dali lumapit ang mga kasama niya kay Arai.
Naalala ko ang bilin ni Kuya Aris na lagi kong tulungan si Arai sa mga nanakit sa kanya. Bakit ngayon ko lang naalala yon? Bago pa muling lumapat ang kanilang makasalanang kamay sa isang pitik ko lang nakalapit na ako kay Arai. Hinarang ko ang aking sarili sa kanya. At taas noong hinarap ang mga batang sunud-sunuran.
Napatigil sila. Hindi nila akalaing may makakakita sa ginagawa nila sa lugar na ito. Tahimik at hindi matao rito.
"Balsyo, tumigil na kayo! Napakasama talaga ng ugali mo!" Asik ko.
"Huwag kang manghimasok dito, Naree. Baka makatikim ka samin at sumunod ka sa halimaw na yan!"
Sinong tinakot mo, Balsyo? Bata ka lang din!
"Hindi ako aalis dito! Napakasama mo wala kang awa!"
"Paalisin niyo siya!" Utos niya.
Akmang hahawakan nila ako ngunit hindi ako papayag na ang mga sunud-sunuran na ito ay saktan ako o si Arai. Sa di ko inaaasahan marahas ko silang naitulak nagsibagsakan sila sa damuhan malayong-malayo sa amin. Nanlalaki ang mga mata ni Balsyo na tumingin sa akin.
YOU ARE READING
The Legend of Rysus: The Path of Love
FantasyThere is a girl named Naree living at the bridge of Rysus. No one can explain how beautiful she is. And there is a man named Prince Davin-a prince. He is the crowned prince of Rysus. They met in the middle of celebration at the castle of Rysus. They...