Mag-isa akong naglalakad patungo sa kakahuyan ng Rysus. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin para sundan ang liwanag mula roon. Napatigil ako sa paglalakad pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Nagmasid-masid ako, wala akong nakita. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang may kumaluskos malapit sa kinatatayuan ko. Liningon ko ito ngunit wala akong nakita kahit ano. Nagpatuloy muli ako sa paglalakad. Habang papalayo ay lumakas ang ihip ng hangin. Nang marating ko kung saan nanggagaling ang liwanag bigla itong nawala. Linibot ko ang aking upang hanapin muli iyon ngunit napatigil nang makita ko ang kakaibang ibon na naroon sa kinatatayuan ko kanina. Sa isang iglap ay naroroon na agad ako. Nasa harap ko ang kakaibang ibon na iyon. Nag liwanag ito napatakip ako ng aking mata dahil sa sinag na kanyang dala. Nang mawala ang liwanag ay dinilat ko ang aking mata at nakita ko ang babaeng napakaganda. Nakatitigtig ito sa aking mga mata. Na tila'y may sinasabi ito sa akin. Nakatitigtig lamang ako sa kanya na para bang nahihipnotismo ako sa kanyang titig.
Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking kamay."Naree, nagbalik kang muli." aniya. Muli? Ano ang kanyang ibig ipahiwatig? "Handa kana bang umibig muli?" Naguluhan lalo ako sakanyang sinasabi.
"Naree,gumising kana!"
NAPAIGTAD ako mula sa pagkakatulog at bumungad sa akin si Arai.
"Buti naman at nagising kana Naree."
"Nanaginip ako." Wala sa sariling sambit ko
"Hay nako bilisan mo na, Naree."
"Nagbalik akong muli."
"Ano ba talaga nangyayari sayo?" Naguguluhang tanong ni Arai.
"Arai,nanaginip ako kinausap ako ng dyosa. Handa na ba ko umibig?" Tanong ko kay Arai.
Kumunot ang kaniyang noo."Naree,Ano kaba panaginip lang iyon."
"Hindi,nakakapagtataka bakit ganon ang kanyang sinasabi." gulong-gulo ako. Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko ngayon.
"Siguro dahil nalaman niyang tinamaan ka kay Prinsipe Davin." sabi nito at tumawa pa.
Seryosong usapan ito bakit naisingit niya ang gwapong nilalang na iyon.
"Ayan ka nanaman,Arai!" Inis kong sambit at iniwan siya sa papag.
"Wag mo itanggi, nabanggit ni Alei kanina." sigaw niya at humalakhak muli.
Nakakainis talaga si Alei kalalaking tao madaldal. Gumaganti ata ang isang yon.
Kakalabas ko lang sa palikuran nang madatnan ko si Arai sa mesa nakaayos na ito at handa na atang umalis.
"Naree, bilis-bilisan mo kumilos may gagawin pa tayo." Aniya.
"Sandali lamang, patutuyuin ko muna ang aking buhok." tugon ko at dumiretso sa likod bahay at nagpatuyo ng buhok. Naramdaman kong sumunod si Arai.
YOU ARE READING
The Legend of Rysus: The Path of Love
FantasyThere is a girl named Naree living at the bridge of Rysus. No one can explain how beautiful she is. And there is a man named Prince Davin-a prince. He is the crowned prince of Rysus. They met in the middle of celebration at the castle of Rysus. They...