987,000 followers
Wow! Iba ka talaga Thea! Lumelevel ka kay Anne Curtis sa dami ng followers,ah!!! Ikaw na talaga!
Napangiti na lang ako sa sinabi ng classmate ko. Binalik ko ang tingin sa monitor ng laptop ko at nilipat yung browser..From twitter, sa tumbler naman ako.... at as usual, ang dami na naman nagre-post ng blog ko.
Lastly, pinuntahan ko naman ang sikat na sikat kong blogsite called Thea's Thoughts... And yeah, it's the reason kung bakit ang dami kong followers sa twitter at Tumbler. Ito nga, kakapost ko lang ng blog ko 3 minutes ago, nasa 5,600 na yung views...
Oooopps,,,, teka, baka isipin niyo ang yabang ko,ah... Nakalimutan ko pala magpakilala...
Hi! I'm Althea Mendrez.... 18 years old, single, journalism ang course, pretty at... yun lang... Oh isa pa pala! I'm a famous blogger! And I own Thea's Thoughts. It's a blogsite na I started 2 years ago. Well basically, it contains stuffs na out of the blue lang na lumalabas sa utak ko. May food trip, fashion trends, love discussions at kung ano ano pa...Oh diba, parang tindahan lang!
Thea, di ka pa ba male-late niyan? tawag ng landlady ko.. By the way, nakatira nga pala ako sa dorm since malayo yung University ko sa bahay namin.
Sige po Ate Anne... Pababa na po ako. sagot ko habang nililigpit yung laptop ko.. Walking distance lang kais yung school ko from here.
Pagkatapos ko maligpit, dumiretso na agad ako sa pintuan at di ko na napansin na tinatawag pala ako ng landlady ko.
CUT!!!!! natulala ako ng may biglang sumigaw ng malakas. Nasilaw din ako sa napakaraming ilaw na nakatutok sakin....
Sh*t!!!! mas lalo pa akong nagulat ng may magmura sa harap ko sabay hampas sa pintuan na nilabasan ko...
Ah...okay? Pwedeng magreact??? Ano bang nangyayari dito? Ginala ko yung paningin ko just to realize na ang dmaing tao at parang may...
Nako! Sorry Thea! Di kita nasabihan na may nagshoo-shooting dito sa labasan natin... biglang sabi ni Ate Anne galing sa taas. Kaya niya siguro ako tinatawag kanina.
Ah..okay lang po. sagot ko naman. humarap naman ako para magsorry
Kuya , sorry... di ko sinasadya------
Hey! Just cut the crap and get the hell out of here! sigaw na naman ng lalaking naghampas sa pintuan kanina... Tinignan ko siya...Infairness....Super gwapo! As in! Kaso walang modo!
Nagpantig talaga yung tenga ko sa sinabi niya ,ah! Aba't may pa-crap crap pa siyang nalalaman. Tinignan ko siya ng masama
Hoy! Wag mo kong ma crap crap diyan baka gusto mong i-crop ko yang mukha mo! Ako na nga nagsosorry,eh! sigaw ko naman.
I don't care! Just get out of my sight! nakakaistorbo ka s ashooting namin as you can see! sabi niya. bago pa ako makasagot, hinatak na ako palayo ng mga bwiset na mga staffs dun!!!
ARGGGG!!!! Lokong to! Wala talaga manners! Tinignan ko siya mula sa kinatatayuan ko..Di ko siya kilala pero ano. artista ba siya? Humanda siya sakin! Makakaganti din ako!
Hoy! what's with the longggg face??? salubong sakin ng bestfriend kong is Andy sabay akbay sakin. Oo nga pala, lalaki po si Andy... Dire-diretso naman ako sa upuan sabay labas ng laptop ko.
Pwede ba Ands, tantanan mo muna ako ngayon. sagot ko naman saby nanahimik na ako at walang humpay ang pagta-type sa laptop ko. Kahit nung nandyan na yung prof, type ako ng type, kunwari nagte-take ng notes pero ang totoo gumagawa ako gn blog....
This is the first time na gumawa ako ng dalawang blog sa loob ng isang araw. Kakapost ko nga lang kanina diba???
Sakto after first subject, tapos na rin ang aking blog entitled: I met a Chauvinistic Actor..
At as expected, ang dami agad views.... Dinaig pa yung una kong post... in 5 minutes nasa 12,000 plus agad... Pano naman kasi, first time ko ata nagpost ng blog na very negative at punong puno ng hatred. Bwiset kasi yung lalaking yun,eh!
Ms. Thea..sinong actor yan? comment ng isa sa mga viewers ko
Hindi ko alam yung name. But I'll tell you guys kung sino siya pag nalaman ko na..so that you'll be well warned, just in case nagkakamali kayong hangaan siya. I replied.
Humanda talaga siya! hahuntingin ko kung sino man siya..
Paguwi ko ng dorm, tinanong ko agad yung landlady namin kung kilala niya yung artista... And fortuantely, yun pala yung bida nung teleserye na favorit niya. at may shinoshoot silang scene kanina...
Sabi ni Ate Anne, sobrang sikat daw yung kaya nagulat siya na di ko kilala... Hmp! I don't care! Di ko makakalimutan yung ginawa niya sakin! Lalo ko siyang pasisikatin.....
Gabriel Parkson. 19 years old. 191 cm height. 75 kg.
Yan ang nakita ko sa profile niya... Hay naku, tanggalan lang talaga ng masaming hangin to, perfect na talaga! Gwapo na sana bwiset lang talaga yung ugali! ka-turn off!!!
Sa sobrang pagod, nakatulugan ko na yung ginagawa akong blog kaya pinagpatuloy ko na lang kinabukasan. Masyado naman ata siyang pa-special kung dalwanag blogs sa isang araw ang tungkol sa kanya.
walang ano-ano, I hit the post button then pumasok na ako sa school.
Hmp! Nakaganti din ako!
++++++++++++++++++
Gab! You have to see this! sabi ng manager ko na ang aga aga ay nang iistorbo.
What?Inaantok pa ako. sagot ko sabya takip ulit ng comforter ko.
This is not the time para antukin ka!! sabi niya ulit sabay lapag sa harap ko ng isang dyaryo at laptop...
Just read it for me.... Kung tungkol yan sa ratings ng movie ko,alam ko na ...It's higher than the sky...so let me sleep! sabi ko.
Ayan! ayan! yang kayabangan mo na yan ang maglalagapak sayo s alupa,eh! I said basahin mo 'to! NOW! Napabangon na ako ng galit na ang boses ni manager.
Ano ba kasi yun???
Una kong binasa yung nasa laptop at nagising talaga ako ng mabasa ang nakasulat dun.
Dalawang blog. yung isa A chauvinistic actor and title then yung ikalawa....Remember the jerk?: Gabriel PArkson
Binasa ako yung blog just to see na kung nakakamatay ang salita, malamang kanina pa ako bumulagta.
WHAT THE HELL IS THIS? sigaw ko
Ako dapat ang magtanong niyan....I can't believe na may sinungitan ka na naman! sermon ng manager ko. Inisip kong maige..Sino ba sa mga sinungitan ko ang pwedeng gumawa nito?
Binrowse kong maige yung blog site pero walang picture nung may-ari... Napakuyom ang kamao ko...Nobody should do this to Gabriel Parkson...NOBODY!
Kinuha ko yung phone ko at tumawag...
Faye... I want you to do something. bungad ko
Oh yeah? Assignment ba yan? Game! excited namang sagot niya
Find the owner of a certain blogsite , Thea's Thoughts... I need it by tomorrow. sabi ko sabay baba ng phone..
Humanda talaga sakin ang blogger na yan... i looked at the page.. Madami siyang followers.... Sh*t! Kung gantong karami ang nakabasa, magiging problema to...
Dahil nawala na ang antok ko, nagbihis na ako para pumunta ng station namin...
Gab! What have you done! Laman ka na naman ng mga newspaper ngayon! And this time! It's not good! Sa lahat naman ng susungitan mo, bakit itong blogger pa na 'to!!!! Kung superstar ka sa showbiz, she's a superstar as well when it comes to the online world! Salubong na sermon sakin ng boss namin...
Don't worry uncle... aayusin ko to.sagot ko naman habang nakatakip ang tenga. Uncle ko nga pala ang may ari ng station namin kaya malakas ang kapit ko.
What a day! umagang umaga puro sermon naririnig ko! Tssss.... Whoever that blogger is...pagbabayaran niya 'to.
A/ N:
Oryt...This is my new story...I hope you would like it. . Thanks for reading this!!!
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You
Teen FictionShe's a blogger. He's an actor She's honest and he's a liar. She tells everything while he hides what he can. She has a million followers while he has thousands of fans. They met for revenge.... They become friends out of hatred.... But they would s...