JM’S DESCRIPTION
Mabait- Oo mabait yan. Lagi niya akong iniintindi sa lahat ng oras lalo na kapag hindi kami magkasama or kapag alam niyang may laban ang gang. Thoughtful yan, sobra. Kung lalaki lang ako liligawan ko ito ehh.
Maganda- Hindi naman nagkakalayo mukha namin. Lagi kasi kami magkasama so parang nagiging magkamukha na kami. Medyo singkit mata niya kaysa sakin, yung parang mata ng Korean girls. Matangos ang nose niya, mana sa daddy niya, may lahi din kasi. Thin ang kanyang red lips. May cute smile siya kaya naman madali siyang ipproach. Maputi rin naman skin niya pero mas maputi yung akin. Medyo maliit lang ang height. 5’2 lang siya, so mas matangkad ako sa kanya. Color black din hair niya katulad ng sa akin pero kulot nga lang yung sa kanya.
Sexy- Sexy din naman siya like me pero mas ako. Oo, laging ako ang lamang. Tanong ninyo na lang sa author kung bakit laging ako, siguro kasi ako yung bida? Ganun ba yun author huh?! Anyways, balik to the topic na tayo. Hindi man siya 36-24-36 like me, pero makikita mong hot din siya. Medyo mas payat siya kaysa sa akin pero grabe, dalang dala niya.
Loka- Opo, loka as in loka-loka. Kasi naman lahat ng bagay na meron ako, pinapansin niya at kapag may nakita siyang hindi masyadong maganda, todo lait siya. Siguro kung kada lait niya nakakamatay, marami na siyang napatay. Hindi kasi nauubusan ng lait yung bibig niya ehh.
JM’S POV
“Bakit parang tulala ka na naman? Kuya mo na naman ba?” Tanong niya sa akin habang pumapasok kami sa Greenwich sa Carpark. Dun kami usually kumakain kasi ayaw naming lumabas ng campus as much as possible. Takot kasi ako sa mga batang pulubi at taong grasa. Oo na, maarte na ako. Hindi lang pala ako, lalo na si George.
“Medyo. He kissed me again last night. Nalaman kasi niya sa sumali ako sa isang gang at sinermunan niya ako kagabi. Parang hindi din siya kasali sa gang. Grabe magsalita.” Sabi ni George habang inaayos ang gamit niya sa katabing upuan.
“Inlove na talaga ako sa kuya mo. Kahit kapatid pinapatusan. Ehh maganda at gwapo naman kayo ehh. Kung hindi nga kayo magkapatid, sobrang bagay kayo. At ang lambing pa niya. May girlfriend ba siya ngayon?” Natatawang tanong k okay George.
“Wag ka nga. Gusto mo basagin ko mukha niya sa harap mo tapos ikaw naman isusunod kong babalian ng buto. Kasunod ng mga ginawa ko sa mga may crush sa kanya? Mga walang taste!” Sabi ni George sa akin habang hinahanap niya yung available na waiter, yung wala masyadong ginagawa.
“Yes po ma’am?” Biglang may sumulpot na nilalang sa likuran ni George. Mukha siyang manager kasi sa ayos niya. Siya lang yung naka-neck tie at striped na polo. “What can we do for you?” Seryosong tanong nito habang nakatingin ng deretso sa akin.
“Ahm, oorder kasi kami. Ako isang Chicken Ala King Rice Meal tapos isang large Coke tapos siya naman isang Lasagna at isang large na Coke.” Turo ko kay George habang tumitingin sa gwapong manager. Gwapo siya as in. Matangkad, sakto lang ang katawan, hindi naman payat o mataba, maganda ang mata, matangos ang ilong at sobrang bango pa niya.
“Ma’am, we’re sorry po. Pero you have to fall in line po. Unfair naman po sa ibang customers na naghihintay na makapila para po maka-order lang po ng food. So we hope you do not mind. You really have to fall in line po.” Maayos na paliwanag ng gwapong manager. Tinitingnan niya si George. Mukhang inaaninag ang mukha. Yung tingin niya parang nagtatanong na- Have we met before?
“Eh sa ayaw naming pumila ehh. We know kung kailan kami pipila sa isang quick-serving restaurant o hindi.” Moderate tone na sabi ni George. Mahinahon lang siya kahit na halos nahihirapan nang magsalita yung manager.
“Ahm ma’am, I hope you do not mind but have we met before?” Hindi mapigilang itanong ng manager.
“Kaya nga nakapaglagay ng Greenwich dito sa loob ng University Of Santo Tomas kasi ako ang may pakana nun. Ako ang franchisee ng branch ninyo na ito. Kaya feeling mo nakita mo na ako. You should know who your bosses are. Especially the franchisees because they are the ones who gave you jobs and works. You should thank them. By the way, Mr. Gerald Fernandez, I am Ms. George Mendoza, the FRANCHISEE of this branch of Greenwich.” Moderate pa rin ang boses ni George habang nagbabasa ng horror book. Ni hindi nga siya nakatingin habang binabanggit ang name ng gwapong manager.
“Kilala mo siya Georgey?” Nagtatakang tanong ko. “Paano mo siya nakilala? Anong franchisee? Greenwich na ito? Ikaw? Bakit?” Sunud-sunod ang tanong ko sa kanya.
Nanlaki ang mata ng gwapong manager. Hindi niya alam kung anong isasagot niya kay George. Halatang shocked siya. Para siya nabingi kasi tinatawag siya ng isang crew pero hindi niya pinapansin. Nakatingin lang siya kay George. Medyo namumula na rin mukha niya.
“I am so sorry po Miss Mendoza. Hindi po kita agad nakilala. I am so sorry po. Please forgive me.” Nahihiyang sabi ni Gerald. Namumula siya. Payuko-yuko siya habang humihingi ng tawad kay George.
“Kailangan ko pa bang ulitin yung order naming o ipapatanggal ko itong branch ninyo dito sa UST bukas na bukas din?” Mahinahong pagtataray ni George sa nagmamakaawang manager.
“No ma’am, of course not. I will get your orders right away.” Nagmamadaling umalis ang manager. Pumunta siya agad sa cashier at pinunch agad ang order namin. Patingin-tingin siya sa amin habang pumipindot yung isang crew sa touch-screen monitor.
“Talaga?! Sa iyo itey Georgey?!” Tanong ko ulit sa kanya. Medyo nagugulat pa rin ako kahit na narinig ko na sa kanya lahat ng sinabi niya kanina.
“Ayoko sa lahat yung----“ Naputol niyang sabi kasi dumating na yung orders namin.
“Your orders ma’am. Two large cokes, one Chicken Ala King Rice Meal and one Lasagna. Anymore orders ma’am?” Si Gerald. Mukhang nagpapalakas kay George.
“Wala na. You can now go.” Poker face na sabi ni George.
“Are you sure ma’am?” Tanong ulit ni Gerald.
“Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko? Six words. Two sentences. The first sentence is consists of two words which are WALA NA. Then the second sentence is consists of four words which are YOU CAN NOW GO. Is it hard for you to understand those words which came out from my lips?” Nakatingin lang siya sa name plate ni Gerald. Suplada talaga siya sa kahit na anong situations.
“I am sorry ma’am.” Nakayukong sabi ni Gerald.
Tuluyan nang umalis ang gwapong manager na si Gerald. Nagsungit na naman si Georgey. Hay naku, hindi talaga makukumpleto ang araw niya nang wala siyang sinusungitan. Ako lang ata ang sanay sa pagsusungit niya ehh. Hindi ko lang alam ang ugali niya sa bahay. Hindi ko pa kasi siya nakakasama sa loob ng bahay nila ehh. Kahit bestfrriends kami, hindi pa niya ako ininvite na mag-sleep over sa kanilang estate. Sa school at gimik ko lang siya nakakasama. May pagkagimikera rin kasi si Georgey. Yun lang ang alam kong sides niya. Aral at gimik.
“Ang sungit mo talaga forever. Ang gwapo-gwapo nung manager tapos sinungitan mo lang ng ganun. Hay naku ka Georgey.” Sabi ko sa kanya habang hinihipan yung kutsara ko na may lamang Chicken Ala King.
“Do not call me Georgey. Tawagin mo pa ulit ako sa name na yun, kakalimutan ko lahat ng pinagsamahan natin.” Sabi niya habang nakatingin Lasagna na nasa harap niya.
Kaya niyang gawin lahat. Yes or No lang ang choices ni George. Walang Pwede, Ewan or Maybe. It is either Yes or No. Wala ng iba. Ganun siya kahigpit.
“Yesh bosh.” Sabi ko na lang habang kakasubo ko pa lang ng meal.
*kring kring*
Napatingin si George sa phone niya.
GEORGE'S POV
~CALLING: Kuya~
BINABASA MO ANG
Part Time Gangster
Roman pour AdolescentsShe is strict, cold and straight-forward. Yes and No are the only choices that she has. A Daddy's girl. Princess of the family. Then there is this guy that will come into her life. Question is, will everything change just because of him?