GEORGE’S POV
“Sino ba talaga yung lalaking yun? Bakit ka niya kilala? Is he one of your former suitors na binasted mo?” Naiiritang sabi ni Raffy. Nasa sasakyan na kami. Umalis na agad kami after niyang mabili yung gusto kong pink na sneakers.
“Hindi ko nga siya kilala.” Naiirita ko ring sagot sa kanya.
“Ehh bakit ka niya kilala ha?!” Naiinis na siya. Paulit-ulit na lang yung mga tanong niya sa akin simula nung umalis kami sa boutique.
“For the NTH time, hindi ko nga alam.” Halos sigawan ko na siya sa loob ng sasakyan. Nakaupo lang kami at nag-uusap. Usap nga ba?
“Are you hiding something from me Baby?” Makahulugan niyang tanong sa akin at tingin.
“Wala. How about you, are you hiding something from me Raffy?” Patanong ko ding balik sa kanya.
Natahimik siya saglit. Parang iniisip kung anong isasagot sa akin.
“Wala Baby. Malalaman mo naman lahat ng ginagawa ko habang nalalapit na yung kasal natin.” Lumapit mukha niya sa akin tapos hinalikan niya ako sa cheeks.
Inistart na niya yung car.
“Nga pala. Noong engagement party, ang sabi mo in a few weeks na lang yung kasal natin samantalang meron pa tayong more than 2 months? Why so?” Nakatingin ako sa kanyang nagtatanong.
“Mas masarap kasi pakinggan na in a few weeks kaysa sa in a few months. Mas nakakaexcite. Mas nakakasabik.” After niyang sabihin nung mga salitang yun, ngninitian niya ako. Isang napakatamis na ngiti.
“Mas nakakasabik? Is that......... double meaning?” Nagtataka kong tanong sa kanya.
“What do you think?” Tapos nun kinindatan niya ako tapos umalis na kami dun.
“Where do you wanna go now? 4pm pa lang.” Tanong niya tapos tumingin sa watch niya.
“MOA. Sa seaside.” Maikli kong sagot sa kanya. Medyo napagod ako.
“Seaside it is.” Ngiti niya habang nakatingin sa daan.
“Can I ask you something?” Tanong ko sa kanya.
“You are already asking Baby.” Pilosopong sagot niya.
Loko ito ahh.
Tumahimik ako. Nabwisit ako dun. Nakahinto kami ngayon dahil sa stop light.
“Joke lang Baby. Anong tanong ng Baby ko?” Malambing niyang sabi sa akin habang iniharap niya yung mukha ko sa kanya.
“Hindi ka ba nagsasawa na tawagin akong Baby? Pwede naman kasing George na lang.” Sabi ko sa kanya.
“Bakit naman ako magsasawa? Iyon ka naman talaga sa akin. You are my Baby.” Paglalambing niya sa akin.
Nakatingin lang kami sa isa’t isa. Bigla kaming nagkaroon ng sariling mundo.
BEEEEEEPPPPP!!! BEEEEEEPPPPP!!!
Bumusina na yung ibang sasakyan na nasa likuran naming. Naka-go na pala.
Baby niya ako? Bakit? May maganda naman akong pangalan. Tsaka sila Mom and Dad lang ang tumatawag sa akin ng Baby. The others Princess na tawag sa akin tapos Young Master naman kay Kuya. Bakit ba kasi Baby? Para tuloy akong isang bata na kailangan pang sabihin kung ano ang mga dapat gawin, kung ano ang dapat sabihin, kung anong dapat maramdaman.
“Tulala ka na naman Baby.” Pagbabasag niya sa katahimikan. Napatingin ako bigla sa kanya.
“S-sorry.” Naiilang ako bigla. Kung anu-ano na naman kasi ang iniisip ng aking napakaganda at napakatalinong utak.
BINABASA MO ANG
Part Time Gangster
Teen FictionShe is strict, cold and straight-forward. Yes and No are the only choices that she has. A Daddy's girl. Princess of the family. Then there is this guy that will come into her life. Question is, will everything change just because of him?