••• Chapter III: At Home Part 1 •••

2 0 0
                                    


Mommy: "Ano ba nangyari sa inyo? At bat buhat buhat mo hetong si Cleo!? Tas may bugbog kapa Kurt?? Nakipagaway yata kayo nohh!? ( Tanong sakin ng mommy niya )."

"Ahh! Tita ganito po yan. Kasi sabi kopo sa kanya na sabay napo kaming umuwi after nung games namin eh.. diko namalayan umalis agad hetong si Cleo siguro nga po inaantok na yun ( sabi ko sa sarili ko ) tpos nagtanong tanong narin po ako dun sa mga kasamahan ko if nakita nila si Cleo pero di daw nila napansin na umalis kaya ayun. Makapunta nga sa bahay nila Cleo baka andun na pagod na pagod o di kaya antok na kaya naglakad po ako papunta rito sa inyo."

"Sa kasamaang palad habang naglalakad po ako papunta rito sa bahay niyo po bigla akong nakarinig na sumasaklolo ehh.. malapit po yun sa tindahan nila Aling Corazon kaya pinuntahan ko. Saktong parang boses ni Cleo po yun at nakita ko anak niyo na parang may ginagawa sila sa kanya kaya pagkarating ko dun pinagsusuntok kopo sila isa-isa. Yung nga din nabawian ng kunti pero ayos naman po ako ngayun. Atleast nailigtas kopo yung anak niyo.Pagkatapos po nun may rumorondang tanod malapit dun samin kaya isinumbong namin sa kanila at agad itong dinala't nireport sa Barangay."

Mommy: "Cleo! Anak naman ehh.. bat ka agad kasi umalis at hindi mo na hinintay hetong si Kurt na para magkasabay kayong umuwi.. (nagaalalang sabi) wala namang nangyari sayo na kakaiba o masama!?? Ayan bigyan mo muna siya ng panghilom jan sa kanyang pasa.. para naman hindi na lumala."

"Tita muntikan na po siya na abusuhin nung mga g*gung mga yun buti na nga lang sakto papunta napo ako rito sa inyo at bigla kong narinig na may humihingi ng tulong tas yun nakita ko po si Cleo."

Cleo: "Wala naman po mommy.okay lang naman napo ako wag napo kayong magalala sakin. Siguro ipag-papahinga ko na lang po ito."

Mommy: "Alam mo naman andaming mga loko-loko jan sa labas lalo na sa gabi. Kahit na lalaki ka dika parin ligtas..."

"Habang padampi-dami niyang ipinunas ang maligamgam na tuwalya sa bahaging may bugbog."

"Tita yan na din yung sinasabi ko sa kanya na kahit lalaki kapa di ka sasantohin ng mga ganung tao. Ehh.. hetong si Cleo hindi naman nakikinig sakin."

Mommy: "Maraming maraming salamat ahh.. kung dahil sayo siguro napano natong anak ko.. ( nagpapasalamat na naluluha ) Bilin ko nga din sayo Kurt na may pupuntahan herong si Cleo pwedeng pakibantayan siyang maigi?"

"Ahh.. Opo naman po tita ako pa syempre naman po kasi nakababatang kaibigan kona din siya kaya lab na lab kopo yang anak niyo kahit ganyan yang super kulit...( pabiro kong sabi ) Sige napo tita baka hanapin napo ako din sa amin.. sa uulitin po! Congrats nga pala sa anak niyo po!"

( Nakangiti paalis ng bahay )

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Pagkarating ko sa aming bahay.."

Mama: "Ohh!! Nak bat anong nangyari sayo bat ngayun ka lang! At bakit may pasa yang mukha mo? Nakipag bugbugan ka na naman yata sa mga tambay jan sa kanto ehh noh?? Kaw talagang bata ka.."

"Ma! Inihatid ko lang po si Cleo dun sa bahay nila tapos Ma si Cleo kanina habang naglalakad po ako papunta sa kanila may marinig ako humihingi ng tulong kaya pinuntahan kopo agad. Naalala ko din po kanina habang asa daan po ako na baka inaantok na na yun sabi ko kasi nga iniwan niya nako dun sa court ehh.. icocongrats ko lang po sana siya kasi nga po nanalo sila sa game nila. That time pala nakita kopo si Cleo malapit dun sa may tindahan nila Aling Corazon. Sabi ko bat anong ginagawa niya rito sa ganitong oras at akala ko nga po talaga inaantok na siya pero nung pagkalapit ko parang nagiba ihip nung hangin. Nakita kopo Ma as in sa harap ko na binabastos nila si Cleo muntik na nga siya nun ehh.. buti na nga po nakarating ako sa oras na yun. Pinagsusuntok kopo sila isa isa tas sakto naman po na may dumaan na tanod na nagroronda dun malapit sa pinangyarihan kaya dinala sila agad sa Barangay Hall."

Mama: "Diyos kopo!? ( gulat na gulat sa nangyari ) buti napadaan ka dun nak!? Siguro kapag wala ka tas di ko naabutan cguro kung ano na nangyari sa kanya.. ( nagaalalang sabi ni mama )."

"Opo Ma! Buti na lang po nakaabot ako dun.. awang-awa nga ako kay Cleo Ma ehh.. sa mura niyang edad may nangyari na sa kanyang ganun. ( malungkot kong sabi )."

Mama: "Wow! Bait naman talaga ng anak ko. Im so proud of you nak! ( masayang nakangiti ). Ohh! Nak! Lagyan na natin ng gamut yang mga pasa mo.. Para gumaling galing na at sasamahan mopa ako bukas mamalengke ah.."

"Ako pa po! Syempre kanino paba naman nagmana netong napaka pogi ninyong anak!? Edi sa inyo po Ma! Opo Ma! Maaga na lang po tayo bukas. Hehehe.. I love you po Ma." <3

Your Last WordWhere stories live. Discover now