Balik sa Dati

2 0 0
                                    

Natapos ang maliligayang araw nang hindi man lang kita nakilala ng lubusan.
Gusto ko mang ibalik ang nakaraan upang ika'y makasayaw sa ilalim ng buwan, ngunit huli na ang laht. Natapos ang lahat at ako'y bumalik na sa realidad.
-------------------------------------------------------
Halos dalawang linggo na din ang nakakaraan nang mag outing kami ng buong tropa. Halos dalawang linggo na din akong nagbabakasakali na makitang muli ang mahiwagang babae. Pero walang bakas na pwedeng magturo patungo sa kanya. Kahit man lang ang pangalan niya ay hindi ko maalala.

Binuhos ko na lamang muli ang oras at panahon ko sa dating gawi. Trabaho, mikropono at tinta na lamang muli ang aking naging mundo. Pinipilit kong bumalik sa dati, sa mga panahon na ako lang ang tao sa mundo. Pero iba ang sinasabi ng puso ko. Tinamaan na nga ba ako?

Hindi na ako nakatiis dahil parang sasabog na ang utak ko kakaisip. Nagkwento na ako kay Joms, ang pinaka close ko sa tropa na kasama ko sa Anawangin. Nagkwento ako tungkol sa mga nangyari sa akin nung gabi sa tabi ng dagat. Nakakapagtaka dahil habang kinekwento ko ang buong pangyayari ay parang kanina lang naganap ang lahat sa sobrang detalyado nang pagkaka kwento ko. Pero ang hindi ko parin talaga maalala ay ang pangalan niya. Hindi ko talaga maalala ang pinaka importanteng detalye na pwede ko sanang gamitin para mahanap siya. Pwede ko sana siyang mahanap sa iba't ibang social media sites. Pero wala talaga.

Pagkatapos ko magkwento ay tinanong ako ni Joms kung naaalala ko kung paano ako nakabalik sa tent. Ang sabi ko ay wala akong maalala pagkatapos niyang magpaalam sa akin at pag gising ko nasa loob na ako ng tent. Sabi ni Joms, nakita nya daw ako sa tabi ng dagat at umiinom pero mag isa lang ako. Tatawagin niya daw sana ako pero bigla daw akong nawala kaya naisipan na lang niya na bumalik kasi paubos na din yung battery ng flashlight niya. Pero nakita niya daw ako ng 4:45 am na naglalakad pabalik ng tent at parang basang basa. Hindi niya na lang ako pinansin pa dahil lasing na lasing na siya. Tinanong niya ako kung nagswimming ba ako pero wala talaga akong maalala.

Hindi ko na pinilit pang makita siya at inisip ko na lang na isang magandang panaginip na lang ang lahat. Bumalik ako sa mundo kong alam kong paikutin. Bumalik ako bilang ordinaryong Juan. Bumalik ako sa dati.

Ang Sumpa ni ParalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon