Pag-ibig?
Noo'y wala naman ako niyan.
Isa lamang akong hamak na graphic artist sa isang maliit na kumpanya sa Pasig. Suma sideline bilang tattoo artist o kaya naman ay bokalista ng banda.
Hindi ako pogi. Hindi din mayaman. Maganda lang ang boses at pwedeng panlaban sa The Voice o kaya'y Tawag ng Tanghalan. Kaya naman walang nagkakagusto sakin ng totoo. Kung meron man bigla na lang din silang mawawala after ng gig o pagkatapos nila magpa tattoo. Kasi nga naman libre silang nakakapasok sa mga bar na pinagtutugtugan namin kapag binoboypren nila ako. Malaki din ang discount na nakukuha nila pag nagpapa tattoo sila, minsan libre pa. O diba ang lakas maka user? Pero hinahayaan ko naman kasi syempre kailangan ko din naman ng exprience pagdating sa babae.
Well sanay naman na ako dahil buong buhay ko ganito na ang set up ko. Kahit nung bata pa ako walang taong nagtatagal sa akin. Nagsimula ang lahat nung eight years old pa lang ako. Naghiwalay ang mga magulang ko dahil sumama sa lalaki ang tatay ko. O diba ang lupet, bakla pala ang tatay ko at kaya lang pala niya pinakisamahan ang nanay ko ay dahil sa makukuha niya lang ang mana niya kapag nagpakasal siya sa babae. At napakamalas ng nanay ko dahil siya ang nabiktima ni pudra. Simula nang malaman niya ang katotohan ay nagsimula na ding mawasak ang aming pamilya hanggang sa tuluyan nang iwan ni papa si mama. Ngunit hindi nagtagal nakahanap din agad ng kapalit si mama na foreigner at sumama sa States. Simula noon ay tuluyan na nila akong iniwan at kinalimutan. Pinagpasa pasahan ako ng aming mga kamag anak at sa tuwing nadedelay ang padala ng mga magulang ko ay pinapamigay nila ako sa iba pa naming mga kamag anak. Pero swerte parin ako dahil nakatapos ako hanggang sa kolehiyo kahit ganun ang naging sitwasyon ko. Simula nang pumasok ako ng high school ay nagsimula na din ako magbanat ng buto dahil tuluyan na ngang huminto ang sustento ng mga magulang ko. Hanggang sa maka graduate ako ng college na ako lamang ang nagtaguyod sa sarili ko.
Kaya naman nasabi ko sa sarili ko na walang forever para sa akin. Walang magtatagal na tao sakin dahil ganun na talaga siguro ang kapalaran ko, ang mag-isa. Kaya naman hindi ako nagseryoso sa pag ibig. Hindi dahil sa chickboy ako ha. Hindi lang talaga ako swerte dahil wala namang sumeseryoso sa akin.
Kaya nung dumating siya sa buhay ko, nag iba ang ikot ng mundo ko. Imbes na clockwise ay naging counter clockwise ang takbo. Magulo pero masaya hanggang sa tuluyan na akong umasa na siya na nga ang bubuo sa love story ko.
BINABASA MO ANG
Ang Sumpa ni Paraluman
Novela JuvenilPwede nga ba siyang maging akin? Pwede ko ba siyang angkinin? Kahit alam kong bawal siyang mahalin. Eto ang kwento ng isang binatang umibig sa isang babaeng may mahiwagang pagkatao. Eto ang kwento ni Juan. Eto ang kwento ko.