Siya si Paraluman

7 0 0
                                    

Madilim noon at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw.

Naglalakad ako sa buhanginan habang nakikinig sa hampas ng alon mula sa dagat.

Malamig ang simoy ng hangin.

Bakit nga ba ako nandito?

Bakit nga ba ako sumama sa kanila?

Ako? Na walang ibang naging mundo kung hindi ang trabaho, mikropono at tinta.

Ngunit ito pala ang araw na magbabago ang takbo ng ikot ng aking mundo.

Dito ko pala matatagpuan ang babaeng magpapabago ng buhay ko.
-------------------------------------------------------
Simula Maynila patungong Anawangin ay nagtataka parin ako kung paano nila ako napa oo sa lakad na ito.

Wala naman kasi akong hilig sa mga ganito. Ok na sakin yung nasa bahay lang or konting chill sa bar after ng gig. Sobrang simple ko lang naman kasi. Trip ko lang magkulong sa kwarto kapag wala akong trabaho o sideline. Magbabasa lang ako ng mga libro ko tungkol sa  aliens, vampires at zombies. O kaya naman ay magpapatugtog ng mga kanta ng Cigarettes After Sex, Beach House, Slowdive or pag trip ko minsan si Drake.

Pag long weekend nga lalo na kapag Holy Week, sobrang untouchable at unreachable ako. Kaya nga ang tawag na sakin ng mga tropa ko ay caveman. Ok na din yun para iwas gulo sa mga taong nasa gimikan, beach resorts at sa kung saan saang lupalop ng Pilipinas.

Para sa akin, mas tahimik mas masaya. Ganyan ako ka loner. Ayoko lang talaga ng kumplikado.

Pero since nandito na ako, enjoyin ko na lang diba? Wala naman sigurong mawawala kung paminsan minsan tikman ko din ang bagong karanasan.

Pero eto, habang lahat sila nandun sa bonfire at nagpapakalasing heto ako hawak ang isang bote ng beer at nagmumuni muni sa dalampasigan. Iniisip ko paano kaya kung sakupin tayo bigla ng mga aliens. Sasama kaya ako? Baka kasi mas masaya sa planeta nila.

Habang naglalakad ako, bigla akong nabangga sa isang babae. Hindi ko siya makita pero alam kong babae siya dahil narinig ko siyang umaray. Kaso duda din ako dahil sa panahon ngayon may ibang mga boses babae na lalaki pala. Pero ok lang yun ang importante ay makahingi ako ng tawad sa kanya dahil napuruhan ko ata siya sa paa.

Nag sorry ako sa babaeng nabangga ko at doon ay nagsimula kaming mag usap.

"Ok lang. Hindi mo din naman kasalanan, madilim naman din kasi. Ano nga palang ginagawa mo dito?"

Ang ganda ng boses nya at parang kumakanta din. Ka boses nga niya yung crush ko na si Armi ng Up Dharma Down eh. Na iimagine ko tuloy yung mukha niya. Ganitong ganito din kasi boses niya nung one time na nagkausap kami sa parehong bar na tinutugtugan namin.

"Huy! Still there? Hindi ka na nagsalita ah."

"Ay sorry! Haha naaliw kasi ako sa boses mo ka boses mo kasi si Armi. Yung vocalist ng Up Dharma Down. Kilala mo ba yun?"

"No. Don't know her, sorry. I'm not into music kasi."

"Ahh okay. Pero minsan pakinggan mo sila baka lang sakali magustuhan mo. Deep kasi mga kanta nila. Anyways, kaya pala ako nandito kasi mas gusto ko mag-isa. Ayoko makigulo sa mga kasama ko eh. Ikaw?"

"Wala naman. I'm just looking for someone and I guess he's not here. Kanina ko pa siya tinatawag dito pero hindi siya sumasagot."

"Ikaw pala yung kanina ko pa naririnig. Naku! Baka nalunod na yun ha?"

"Imposible. Takot sa dagat yun kapag gabi. Pero since nandito ka naman at may makakausap na ako, ok lang ba samahan mo muna ako kahit sandali lang? Ayoko din kasi makigulo sa mga kasama ko eh."

Hindi ko maintindihan kung paano ako napapayag ng babaeng ito na samahan siya at makipag kwentuhan. Sa totoo lang, madalas talagang umiwas ako sa babae lalo na kapag mga ganitong kwentuhan. One time nakipag date ako sa babaeng akala ko pwede ko nang seryosohin kasi ang dami naming pinagkwentuhan sa bar. Kaso nung sumunod na date namin ay halos wala na kaming mapag usapan. Habang nasa isang restaurant kami at kumakain, nag open ako nang topic about sa mga aliens at zombies ayun bigla ba namang nag cr. Ang tagal kong naghintay, halos mga 30 minutes na din nang bigla siyang nagtext na umuwi na siya kasi sinugod daw sa ospital ang tatay niya. Nung gabing yung nagkita kami ng common friend namin at nagtanong ako kung may balita na sa tatay nung dinate ko. Nagulat siya sabay sabi na matagal na daw patay ang tatay nun, mga 10 years ago na. Walanghiya kaya pala ayaw niya akong pasunurin sa ospital kasi yun pala matagal ng dedo ang papa niya.

So eto na nga, pumayag ako na makipag kwentuhan sa babaeng kakakilala ko palang sa tabi ng dagat at halos isang oras na din kaming nag uusap. Mukhang enjoy na enjoy naman siya sa mga pinag uusapan namin. Pakiramdam ko tuloy matagal ko na siyang kilala. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko habang kausap ko siya. Ngunit habang nagkekwento ako tungkol sa music, bigla na lang siyang nagpaalam. Ang sabi niya inaantok na daw siya. Ayoko pa sana pero wala naman akong magawa. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang yung lungkot ko nung nagpaalam siya.

"Sige mauna na ako. Inaantok na kasi ako eh. Baka nandun na din yung hinahanap ko kanina."

"Teka, sandali lang. Ang tagal nating magkausap pero hindi ko man lang alam ang pangalan mo. Ako nga pala si Juan. At ikaw?"

"Si Paraluman."

Ang Sumpa ni ParalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon