Ang Nagbabalik Na Nakaraan

0 0 0
                                    

Parang isang napaka gandang musika ang kanyang tinig sa talaga nama'y nakakabighani.

-----------------------------------------------------
May tugtog kami ng banda sa isang bar sa Eastwood at tamang tama dahil kailangan kong kumita ng malaki para sa bibilhin kong sasakyan. Second hand lang naman siya pero ayos pa at maganda pa ang takbo. Konti na lang at mabibili ko na siya. Dalawang sweldo pa sa regular job ko, tatlong tattoo sessions at tatlong tugtog ayos na ayos na.

Matagal ko nang gustong bilhin yung sasakyan para may magamit ako lalo na kapag may gig kami dahil sa dami kong dala at dahil wala akong kotse napipilitan akong mag kapag minalas ay tatagain ka pa ng pagka mahal mahal kesyo malayo daw o traffic. Pero gets ko naman medyo malayo naman talaga ang Pasay sa Eastwood at palaging traffic sa Edsa. Pero ang isang pang dahilan ko ay para may maipagmayabang man lang ako kahit paano dahil nung nag aaral pa lang ako naranasan ko ng masabihan ng tiyahin ko na wala daw akong mararating sa buhay at kahit kailan ay hindi ako makakabili ng kotse. So, eto ako ngayon nagkukumahog maka ipon para sa isang second hand na auto.

Habang nagmumuni muni at naghihintay sa backstage na matapos yung naunang banda sa amin ay bigla na lamang akong napatigil nang kumanta na ang bokalista ng tumutugtog na banda. Pamilyar ang boses na iyon at kahit halos isang taon na ang nakakalipas ay parang sariwa na naman ulit na bumalik sa utak ko ang mga nangyari sa Anawangin. Siya nga ba ang babaeng kasama ko sa tabi ng dagat?

Sinilip ko siya ngunit likod lang niya ang nakikita ko. Mahaba ang buhok na hanggang bewang at kulay light pink. Nakapalda siya kaya naman kitang kita ko ang kanyang mga binti. Ang haba at kahit naka high cut siya na Converse ay mahahalata talagang matangkad siya. Kung 5'11 ako siguro mga 5'9 siya. Pinipilit kong makita ang mukha niya pero ayaw niyang humarap. Gustuhin ko mang lumbas at pumunta sa harap ng stage ngunit hindi na kami pwedeng umalis ng backstage dahil kailangan na naming mag prepare para makapag set up na kami agad dahil kami na ang susunod.

Natapos sila nang hindi ko man lang nakita amg mukha niya hanggang sa pinapunta na kami agad sa stage. Dun sila pumasok sa kabila kaya hindi ko na talaga siya naabutan. Habang tumutugtog ang banda ay panay naman akong hanap ako at paminsan pa ay sumusulyap ako sa likod. Kamuntik pa akong mawala sa lyrics sa kakahanap sa kanya. Hanggang sa natapos kami at agad agad naman akong pumasok sa backstage. Ngunit wala na sila doon. Nagtanong tanong ako sa mga event organizers ngunit sinabi nilang umalis na agad pagkatapos makuha ang bayad nila dahil may isa pa daw silang tutugtugan. Tinanong ko kung saan pero hindi din nila alam at hindi din nila masyadong kilala ang members ng band dahil first time lang nila tumugtog sa bar na ito. Kaya pala nagulat ako nung una kasi wala naman akong matandaan na tumutugtog ang banda nila dito.

Dali dali akong lumabas ng bar at nagbaka sakali parin na makita siya, pero wala talaga. Kaya bumalik ako at uminom na lang kasama ang iba ko pang mga tropa.

Pag uwi ko ay sinearch ko agad ang banda pero ang nakakapag taka ay wala akong makita ni isang impormasyon tungkol sa bokalista nila. Ngayon lang ako naka encounter ng ganito dahil kadalasan mas maraming impormasyon ang makikita tungkol sa vocalist. May mga pictures silang buong banda pero hindi naman niya kamukha ang vocalist. Maliit ang babaeng nasa picture at medyo dark ang skin.

Paano ko nga ba siya makikita? Paano ko siya makikilala. Kailan at saan?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Sumpa ni ParalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon