CHAPTER 6: PAIRINGS

0 0 0
                                    

Kasabay nang paglabas namin ni Stephen ay ang pagtulo ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Nag ayos na nga ako, eh. Akala ko okay na ko. Akala ko sapat na yung ginawa kong pagtapon ng roses niya kanina pero hindi pa pala. Sobrang sakit pa. Gusto kong magmura. Nakayakap pa sa kanya si Jane habang pareho silang nakatingin sa akin. Parang dahan-dahan nila akong pinapatay sa ginagawa nila. Bahala na kung may makakita pa. Normal lang naman sigurong umiyak, eh. Tao lang ako. Nasasaktan din. Nakakapagod ng masaktan. Ramdam ko ang mahigpit na yakap sa akin ni Stephen. Niyakap niya pa ako kaya mas lalo lang akong napaiyak.

"Sshh.. It's okay. Malalampasan mo din 'yan" sabi niya habang hinihimas niya ang buhok ko.

Gusto kong tumakbo sa mga magulang ko para sa kanila umiyak dahil alam kong sila lang ang makakapagdesisyon ng tama para sa akin sa tuwing nagkakaganito ako. Ilang taon ang nasayang sa wala. Ilang taon akong umaasa na magiging okay lang ako pero lahat iyon wala. Nasira! Nawawalan na talaga ako ng pag-asa. The more na nakikita ko siya, the more na nahihirapan akong kalimutan siya. Kumalas ako sa pagkakayakap ni Stephen at tumakbo sa pinakamalapit na CR. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Nakailang beses na ba akong nasaktan ng lalaki na 'to? Ilang luha na ba ang sinayang ko? Ilang taon ang nasayang? Hanggang kailan ako magiging ganito?


Hinilamusan ko na lang ang mukha ko. Bahala na. Hindi naman na siguro mahahalata na umiyak ako. Hindi ko pababayaan ang sarili ko! Makikita mo, Jack Cyrille Faulkner hinding-hindi nako babalik sa iyo. Sobra na'to. Sobrang sakit na. Dali-dali akong lumabas ng CR at sinalubong si Stephen na kadadating lang din dala-dala ang bottled water. Nginitian niya ko at inabot sa akin iyon. Tinanggap ko naman ito at nginitian siya. Tahimik kaming naglalakad sa gilid ng gym. Wala pa naman si Ma'am Dela Vega kaya naman naglalakad muna kami. Saka ayoko sa loob. Masasaktan lang ako.

"Mahal mo pa ba?" out of nowhere na tanong niya. Napalingon ako sa kanya. Naghihintay lang siya ng sagot ko habang nakangiti sa akin. Natahimik naman ako at agad inisip kung mahal ko pa nga ba talaga. Mahal ko pa ba siya kaya ako umiiyak o umiiyak ako kasi hindi ko matanggap na wala na kami? Pwede both?

"Hmnn..di-" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil pinutol niya na ang sasabihin ko.

"Di mo naman kailangang sagutin sorry. Masyado na yatang private 'yong naitanong ko" napakamot na lang siya sa batok niya habang nakangiti sa akin. Napailing naman ako.

"Okay lang. At 'yong sagot sa tanong mo? Hmnn.. Hindi ko naman pwedeng sabihing oo at hindi din namang hindi sadyang hindi ko lang siguro siya makalimutan agad kaya naiiyak ako. Time will come na makakalimutan ko din siya" sagot ko sa kanya. Uminom muna ako ng tubig kasi pakiramdam ko maiiyak na naman ako anytime. Hindi ko kasi maiwasang hindi maaalala yung mga memories namin ni Jack.

"Alam mo kung ano yung pinakamasakit pag nagmomove-on ka?" tanong niya sa akin. Tumingin lang ako sa kanya habang hinihintay ang susunod niya pang sasabihin. Ngumiti muna siya sa akin.

"Yung memories. It's not goodbyes that hurts, it's the flashbacks that follows. The more na kinakalimutan mo, the more painful sa part mo. It's okay to cry" dagdag niya pa. Natauhan ako sa sinabi niya. Bakit pa ako nagmahal kung masasaktan lang naman ako. Tama nama siya. Mas masakit talaga pag naaalala ang mga memories.

"May point ka naman, eh. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit hindi ko pa din siya makalimutan" sagot ko naman sa kanya. Pareho na lang kaming natahimik. Wala na kaming mapagusapan pa kaya pareho na lang kaming nanahimik. Sa di kalayuan ay natanaw ko sila Asii, Faye at Stacey na nakatingin sa direksyon namin ni Stephen. At ang mga lukaret mukhang kinikilig pa. Kinawayan ko sila, kinawayan din naman nila ako kaya nakuha ang atemsyon ni Stephen at nginitian din sila nito.

"Your friends? Alam mo ngayon ko lang narealize na ikaw pala si Lynette Demonise Howell, no? Dahil sa mga friends mo. Sorry to tell you pero hindi kasi ako mahilig makipagsocialize kaya hindi kita masyadong nakakausap. Nice, Pres". At nakipag apir pa siya sa akin. Kaya naman natawa na lang kaming dalawa. Sabay kaming pumasok sa loob ng gym. Hindi pa din naman nag uumpisa ang practice. Mapapatingin sana ulit ako sa puwesto nila Jack nang,

"Wag mo silang tignan. Masasaktan ka, warningan mo ang sarili mo" paalala niya pa sa akin kaya naman napaiwas ako agad at natawa. Buti na lang talaga nandito siya. Natanaw na namin si Ma'am Dela Vega na papunta na sa gawi namin. May hawak na itong mic.

"Okay. Bago tayo magsimula sa practice, gusto ko lang malaman niyo na ang kulay ng damit MAAARI niyo lang suotin ay kulay white. Pure white na may kahit anong design ay pwede naman except mahahaluan ng dark colors. Next, ang pairings ay sina Mr. Faulkner at Ms..." napasulyap ako sa puwesto nila Jane. Tuwang-tuwa na agad siya habang wala pa ngang sinasabi. Napatingin naman ako kay Jack na ngayon ay nakatingin sa akin. Napaiwas naman ako agad ng tingin.

"...Ms. Howell. Next Mr. Hillary and Ms. Crisostomo. Thank you. Practice ng rampa ay mamayang hapon na. You may take your break"

Natulala ako sa sinabi ni Ma'am. Ano daw? Bakit hindi si Stephen ang kapartner ko. Bakit si Jack pa? Hinabol agad ni Jane si Mrs. Dela Vega.

"Ma'am bakit hindi kami ni Jack ang partner? Alam naman nating lahat na ex ni Jack si Lynette! At alam din ng lahat na ako na ang bago! Ma'am! Hindi ako makapapayag sa pairings! I'm warning you ma'am!!" patuloy pa din sa paghabol si Jane sa kanya habang ako naman ay nakatulala lang sa kawalan. Hindi ko maigalaw ang paa ko kahit kanina pa ko tinatawag ni Stephen at sinabing kakain na kami. Anong nangyayari? Napailing na lang ako at nagsimula ng maglakad. Pero napatigil ako at napalingon muna. Kitang-kita ko ang seryosong titig sa akin ni Jack pero binigyan ko lang siya ng malamig kong tingin. Napabuntong-hininga muna ako bago ko isinara ang pinto at sumunod kay Stephen.

---

"So ano na ang balita kanina sa gym, Nise?" tanong sa akin ni Asii habang kumakain siya ng lunch niya. Nasa canteen kami ngayon kasama si Stephen at ang mga kaibigan ko. Minsan pinagtitinginan at pinagbubulungan din kami pero wala akong paki. Bahala na sila sa buhay nila.

"Wala.. Naman" mahinang sagot ko sabay kagat ko sa steak ko. Nilibre na ako ni Stephen ng lunch pero pakiramdam ko wala akong ganang kumain. Pakiramdam ko busog ako kahit ang totoo ay gustong-gusto ko ng kumain dahil nagugutom ako. Ang gulo ko. Ang gulo-gulo ko!

"Kamusta naman si Jack?" tanong naman ni Stacey. Hindi ko alam pero nataranta ako bigla kaya naman nahulog ang baso sa table ko at nabasag ito. Natalsikan ako ng bubog nito kaya naman nasugatan ako.

"Lynette! You're bleeding!" natataranta ding sigaw sa akin ni Stephen. Nagpanic naman ang mga kaibigan ko kasi naman biglang sumigaw itong si Stephen na akala mo naman mamamatay na ako. Dinaig ko pa ang nabaril sa pag react ng mga 'to!

"Okay lang ako.. Alis muna ako" paalam ko sa kanila. Sasama pa sana sa akin si Stephen pero agad ko siyang pinigilan. I want to be alone. Pinunasan ko ang dugong tumutulo mula sa kamay ko. Buti na lang may dala akong panyo. Naglakad ako papunta sa likod ng engineering building kung saan madalas naming pagtambayan ni Jack dati nung kami pa. Hindi ko alam kung bakit dito ako papunta. Basta gusto ko dito. Dito ako masaya.

Sa likod ng building na ito ay may malaking puno. Minsan humihiga kami ni Jack dito para matulog sa tuwing wala kaming klase o wala kaming teacher. Tanging malinis at malalagong damo lang ang nagsisilbing sapin namin sa tuwing kami ay mahihiga dito. O kaya minsan ay aabahin niya ako tapos aakyat kami sa puno pero hindi na namin ginawa iyon dahil muntikan na akong mahulog nung huli naming ginawa yun.

"Lynette Demonise Howell"

Kilala ko ang boses na iyon!

Hindi pwede!

Kailangan kong umalis dito pero bago pa ko makaalis, naramdaman ko na ang mahigpit na yakap niya mula sa likuran ko.

---
KEEP ON VOTING, COMMENTING AND READING! THANK YOU GUYS. IF MAY TANONG KAYO, SASAGUTIN KO 'YAN AS MUCH AS I CAN. LUV U ALL GUYS!
---

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now