CHAPTER 1

909 45 4
                                    

SA BAYAN ng Silibas sa Mindanao, may bagong lipat na pamilya.

Isang araw, natungo si Aling mellisa sa mga ito upang makausap at kaibiganin dahil sa mga baguhan pa lamang. Malapit na sana si Aling Mellisa sa bahay ng pamilya nang mapansin niya ang isang bata na nakaupo sa mababang bato 'di kalayuan.

"Iha! Bakit ka naririto?" tanong ni Aling Mellisa.

"Napagalitan na naman po kasi ako ni Ina," mahinang tugon ng bata.

Akmang hahawakan ni Aling Mellisa ang bata dahil sa nakayuko ito at natatakpan ng mga buhok ang mukha ay bigla na lamang itong tumalikod.

"Huwag niyo po kayong lalapit. Ayaw ko pong may nasasaktan," may kalakasan nitong bigkas.

Nakaramdam ng pagtataka si Aling Mellisa at parang gustong niyang alamin ang binanggit ng bata.

"Iha! Huwag kang mahiya sa akin dahil iba ako 'di tulad ng iniisip mo," wika ng Aling Mellisa.

Biglang lumakas ang ihip ng hangin at nakaramdam naman siya ng takot dahil sa hindi na muling pagsalita ng bata. Pero kahit na gano'n, hindi na nag-isip pa si Aling Mellisa ng kung anu-ano sapagkat naaawa siya sa bata.

"Gusto mo, kausapin natin ang mama mo para hindi ka na magtampo?" suhestyon nito.

"Iyan ang huwag na huwag mong gagawin kung ayaw mong mapahamak." Pagtuturo nito sa kanya.

Nagulat si Aling Mellisa sa malakas na pagsagot ng bata at tila galit na galit ito. Dahil sa kaba, napaatras na lamang siya. Tuluyan na ngang lumakad si Aling Mellisa at pinabayaan muna ang bata. Ilang hakbang pa at narating niya ang bahay ng bagong lipat na pamilya.

"Tao po! tao po!" pagtatawag nito.

Habang kumakatok si Aling Mellisa ay hindi niya naiwasang mapatingin sa isang puno ng mangga na may lubid at napakaraming sako sa gilid nito. Mayamaya ay biglang bumukas ang pinto ngunit ang ikinagulat ni niya ay walang taong bumungad sa kanya. Sa pagsilip ay talagang napakadilim sa loob at naglalaro pa rin sa kanyang isipan kung bakit nga ba biglang bumukas ang pinto gayung parang wala namang tao at hindi masyadong malakas ang hangin.

Hindi na muling nagtawag si Aling Mellisa at naglibot-libot muna siya at nagbabasakaling nasa labas ang bagong lipat. Sa kanyang paglalakad, nakarating siya sa likuran ng bahay at bigla siyang nagulat at nagtaka.

"Teka, para saan naman kaya itong malalaking kaldero?" tanong niya sa sarili.

Pero ang nasa isip ni Aling Mellisa na baka para ito sa pagkakatay ng baboy o kung ano mang hayop. Muling naglibot si Aling Mellisa at kanyang narating ang puno ng mangga na kanina'y napagmasadan.

"Siguro, ang mga sakong ito ay ginagamit nila sa pagpatay ng hayop na kinakatay nila," ito agad pumasok sa isip ni Aling Mellisa dahil sa dugong nandoon sa sako. "Eh! para saan naman kaya itong tali?"

Sa kailaliman ng pag-iisip, isang malakas na ingay ang kanyang narinig mula sa bahay na kanina lamang ay kanyang pinuntahan. Dahan-dahang siyang lumakad at hindi pa man siya nakakalapit.

"Maawa po kayo!" narinig niya na para bang sigaw ng isang binatilyo na nagmumula sa loob mismo ng bahay.

Ngunit ang nagbigay ng takot at kilabot kay Aling Mellisa ay ang malakas na ingay o tunog na para bang may kung anong bagay ang hinampas ng walang awa. Nanginig ang mga tuhod ni Aling Mellisa dahil sa biglang pagtahimik sa loob.

"Ihanda ang Lutuan!" isang tinig ang nagsalita.

"Huh?" na lalo pang nagpasindak sa kanya at para bang gusto niya pang malaman ang ibang mangyayari.

"Inay, wala bang babaeng napadaan dito?" boses na nagmumula sa isang bata.

"Hindi ko alam. Ngayon lang kami dumating ng ama mo," tinig mula sa kausap nito.

Unti-unting umatras at lumakad si Aling Mellisa. Medyo malayo-layo na siya ng biglang may kung sinong yumakap sa kanya.

"Bitiwan mo ako!" wika niya rito.

"Ate! Huwang po kayong maingay," sabi ng isang lalaking humatak sa kanya.

"Teka, sino ka ba?" tanong niya.

"Anak po ako nu'ng babaeng nakita niyo o sabihin na nating narinig mo mula sa loob ng bahay," tugon ng lalaki.

"Ano?" na para bang sasabog ang dibdib ni Aling Mellisa sa takot at kaba.

"Pero huwag po kayong mag-alala. Iba ako at ayaw kong may napapahamak," wika muli ng lalak.

Nanginginig pa ang mga tuhod ni Aling Mellisa sa pag-aakalang aswang o kung anong halimaw ang kaharap niya.

"Paano ako nakasisiguro na hindi ka nga pareho sa kanila?" medyo may kabang tanong niya rito.

"Dapat kinain na kita kung aswang ako," medyo natatawa pa ang lalaki.

Sa mga ngiting iyon, para bang nawala na lang bigla ang pangamba at takot sa isip niya.

"Bakit nga ba iba ka sa kanila?" muling niyang tanong.

"Mamaya ko na lang po isasalaysay ate. Dapat muna tayong lumayo," bigkas ng lalaki.

"Bakit naman?" pagtataka ni Aling Mellisa.

"Nandito pa po kasi tayo sa poder ng masasama. Saan po ba 'yung bahay niyo?" ang lalaki naman ang nagtanong.

"Medyo malapit lang," tugon nito.

"Sige, lumakad na po tayo," wika ng lalaki.

Lumakad muli si Aling Mellisa at panay naman ang sunod ng lalaki.

IPAGPAPATULOY...
-----

-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Misteryoso 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon