CHAPTER 4 - 5

442 43 1
                                    

"Narito si Ina!" pabiglang sigaw ni Cedric.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Aling Mellisa at sa sobrang takot at kaba ay para siyang hihimatayin. Ipinasara ni Cedric ang lahat ng bintana pati na rin ang mga pintuan at maigi silang nakiramdam.

Pinatay ni Cedric ang mga ilaw at dahil gabi, talagang napakadilim sa loob. Samantalang itinago niya si Aling Mellisa sa ilalim ng lamesa at siya'y nagmasid sa maaring mangyari. Sa isip ni Cedric, ito na 'yung panahon para tapusin ang kasamaan ng kanyang Ina at ang mga angkan nito.

Sa kalaliman ng pag-iisip, narinig nilang dalawa na may naglalakad sa labas at nililibot nito ang bahay na para bang naghahanap ng mapapasukan. Alam ni Cedric na naamoy nila si Aling Mellisa kaya alam din ng mga ito na nandito siya.

Naramdaman ni Cedric na may kung anong bagay ang umaakyat sa bubungan ng bahay. Ilang saglit lang ay bigla itong huminto, ang mas nakaagaw pansin sa dalawa ay ang unti-unting pagbukas ng pinto mula sa likuran ng bahay. Hindi tumitigil sa pagdarasal si Aling Mellisa dahil alam niyang nasa panganib sila.

At biglang bumukas ang ilaw. Bumungad sa dalawa ang nakangiting Ina ni Cedric at ang mga kasama nito pero hindi nila makita si Cedric dahil sa kuwintas. Nag-umpisang maglakad ang Reyna ng mga aswang at kanilang hinanap kung saan nagtatago si Aling Mellisa. Ang dahilan kung bakit hindi kaagad nakita si Aling Mellisa ay dahil sa paghawak ni Cedric ng kamay nito ngunit hindi ito ganoon ka-epektibo kaya't nangangamba ang binata.

"Saan siya nagtatago? Bakit may kung anong bagay ang nararamdaman kong pumipigil sa kanya?" galit na sambit nito.

Lalo pang humigpit ang hawak ni Aling Mellisa sa kamay ni Cedric ngunit nagtaka si Aling Mellisa nang magsalita si Cedric sa isip niya.

"Pareho po tayong mahuhuli niyo kung hindi bibitaw ang isa sa kuwintas," wika ni Cedric.

"Anong ibig mong sabihin? Teka, Bakit kita naririnig sa isip ko?" tanong nito.

"Hindi ko maipapaliwanag ngayon pero ang mahalaga'y walang mapahamak," tugon nito.

Ngumiti si Cedric at dahan-dahan nitong binitawan ang kamay ni Aling Mellisa at nasa babae na ngayon ang kuwintas. Napatingin ang lahat ng aswang sa biglaang paglitaw ni Cedric at ito'y nasa ibabaw ng lamesa. Napatawa lang ang Reyna ng malakas at mukhang hindi naman ito nagulat ng makita muli ang anak.

"Sinasabi ko na nga ba. Ikaw pala ang nagnanais na tumulong kay Mellisa," bigkas nito at biglang sumama ang tingin.

"Diyan ka nagkakamali. Akala mo na hahayaan kong maagawan mo ako sa pagkain sa kanya? Nauna ako kaya huwag mong subukang agawin pa siya," sunod-sunod na sabi ni Cedric.

Nagulat ang Reyna pati na rin ang mga kasamang aswang nito at muli na namang napahalakhak ang kanyang Ina.

"Nakapagtataka naman. Parang dati lang na gusto kong maging aswang ka tapos ngayon malalaman ko na lang na kumakain ka na ng tao?" nanlalaki ang mga nito.

"Hindi naman siguro mawawala ang pagiging lahing aswang ko," wika ni Cedric.

"Hahahahaha... Ngayon, ikaw naman ang nagkamali. Kailangan mong malaman na hindi kita tunay na anak," tawang sabi ng Reyna.

"Huh? Sa tingin mo na maniniwala ako? Dahil kung hindi niyo ako anak, bakit naging katulad niyo ako?" pagtatakang tanong ni Cedric.

Hindi makapaniwala si Aling Mellisa sa naririnig niya, ngayon gusto siyang kainin ng taong pinagkakatiwalaan niya tapos malalaman niyang hindi ito anak ng Reyna?

-----

"Iyan ang hindi ko alam. Basta ako, pinapatay na kita at mayroon na akong totoong anak kaya ngayon ay ibigay mo na sa akin 'yung babae," galit na sabi nito.

Napayuko si Cedric at dahil sa galit, hindi niya mapigilan ang sarili. Unti-unting humaba ang mga kuko nito, nagkaroon ng mahahaba at matatalim na ngipin, nagbago ang kulay ng mga mata at nagkaroon ng nakakatakot na sungay. Samantalang napangiti lang ang Reyna dahil ito naman ang gusto niyang mangyari, ang maging katulad ng anak nito sa kanya.

"Diyos ko! Tulungan niyo po ako. Hindi ko alam kung sino ang tunay kong kakampi sa kanila," pagdarasal ni Aling Mellisa.

Nagulat si Aling Mellisa ng marinig ang isang malakas na sigaw na talagang nakakatakot pakinggan na nagmula mismo sa bagong anyo ni Cedric. Ano kaya ang dahilan at hindi mapigilan ni Cedric ang sarili? Ano ang katotohanan sa likod ng pagkatao ni Cedric? May magagawa pa kaya si Aling Mellisa?

Narinig ng iba pang mga kapitbahay ang nakagigimbal na boses ng binata. Hinanap nila kung saan nagmula ang narinig at nang akmang lalapitan nila ang bahay ni Aling Mellisa ay may biglang bumaba galing sa itaas. Ito ay ang iba pang mga aswang.

"Anong klaseng nilalang 'yan!" sigaw ng kapitbahay ng makita ang papalapit na mga aswang na may mahahabang kuko at ngipin at may mataas na mga pakpak.

"Tulong!" sigaw ng babaeng dala ng isa sa mga aswang papaitaas.

Nang marinig ni Mang Pedring ang ingay, isa sa mga pinakamatapang na tao sa kanilang barrio. Agad itong kumuha ng matalim na itak at sinugod ang aswang. Samantalang sabay-sabay na umungol ang iba pang mga aswang sa loob ng bahay ni Aling Mellisa at pare-pareho itong naging mababangis na halimaw. Gamit ang matatalas na mga kuko, mabilis na sinugod ni Cedric ang Inang aswang ngunit mabils itong nakaiwas.

"Ang akala mo'y basta-basta mo na lang ako mapapatay? Ako ang mas makapangyarihan," pagmamayabang ng Reyna.

"Hahaha... Hahaha..." sunod-sunod na halakhak ng aswang na si Cedric at dahan-dahang humarap sa Reyna.

Mabilis na sinakal ng Reyna si Cedric at iniangat paitaas, 'yung mabilis pa sa mabilis. Biglang nagbago ang kulay ng mata na binatang aswang at agad na sumakit ang ulo ng Reynang Aswang.

"Ano ito? Anong nangyayari?" pagtataka ng Reyna ng bitiwan si Cedric at nagtaka sa nararamdaman.

Lumabas si Aling Mellisa sa kinatataguan at kitang-kita niya kung paano mas naaakpektuhan ang ibang mga aswang sa nangyayari sa Reyna nila. Nagulat si Aling Mellisa ng biglang tumitig si Cedric sa mga mata niya at ngumiti ng napakasama.

"Teka! Akala ko ba?" ngunit agad na ibinaling ni Aling Mellisa ang tingin sa ibang direksyon dahil alam niya ang mangyayari.

Susugurin na sana ni Cedric si Aling Mellisa dahil sa nawawala siya sa sarili. Agad siyang nahawakan ng Reynang aswang at nagsabi.

"Hindi pa tayo tapos!" at inilipad nito ang anak palabas at inihagis ng napakalayo.

Sumunod ang iba pang mga aswang palabas at mabilis na lumabas ng bahay si Aling Mellisa upang tingnan ang nangyayari.

IPAGPAPATULOY...
-----

Misteryoso 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon