CHAPTER 2

506 46 2
                                    

SA BAHAY ni Mellisa.

"Ano nga pa lang pangalan mo?" tanong ulit ni Aling Mellisa.

"Cedric po!" tugon ng lalaki.

"Puwede mo na bang ikuwento kung sino sila, kayo at kung anong mayroon sa bahay niyo," pakiusap niya.

"Ganito po 'yan. Bata pa lang ako noon nang matuklasan ko ang lihim ng aking mga magulang. 'Yon ay ang pagiging aswang. Tapos sinabi nila sa amin ang dahilan. Ipinasa raw ito mula sa mga kadugo nila upang hindi maubos ang lahi nito," salaysay ni Cedric.

"Bakit mo sinabing sa amin?" tanong ni Aling Mellisa.

"Oo nga pala. Kapatid ko po 'yung babae kanina. Siguro siya 'yung nakita mo sa bato na nakaupo," tugon nito.

"Ah! Siya pa 'yun," bigkas ni Aling Mellisa.

"Gusto kasi ng mga magulang namin na maging pareho kami sa kanila. Pero kailanman ay hindi ko 'yun tinanggap," wika ni Cedric.

"E, 'yung kapatid mo?" tanong niya.

"Pinilit din pero mukhang nasa ilalim na siya ng kapangyarihan ni Ina," tugon nito.

Dahil sa sinabi ng lalaki, lalo pang naging interesado si Aling Mellisa.

"Kung ganoon pala, kumakain kayo ng tao?" pabigla niya ulit na tanong.

"Hindi po ate. Ang ibig kong sabihin hindi ako kundi sila," tugon nito.

"Huh? Paano 'yan. Baka lahat kami rito ay mapahamak," may takot na sabi ni Aling Mellisa.

"Iyon na nga po 'yung pinoproblema ko. Kung paano ko sila mapipigilan," ani Cedric.

Napatitig si Aling Mellisa sa kanya at alam niyang litong-lito na ito.

"Marami na bang nakakaalam sa sekreto ninyo?" tanong ni Aling Mellisa.

"Sa ngayon, wala pa," tugon nito.

"Eh! kung ikaw na mismo ang magsabi sa kanila. Kung sa bagay anak ka naman nila," suhestyon ni Aling Mellisa.

Muling ngumiti ang lalaki at nagsabi.

"Sa totoo niyan, wala silang alam na nandito ako," wika ni Cedric.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Aling Mellisa.

"Ipinapatay kasi ako mismo ng aking mga magulang dahil sa ayaw ko silang sundin at nang dalhin ako ng angkan nila, nagawa kong lumaban at makaligtas," paliwanag nito.

"Saan ba kasi 'yung totoong tahanan ninyo?"

"Hahaha... dito talaga mismo sa Mindanao," tugon nito.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, may biglang kumatok at hindi ito naglabas ng tinig. Napatingin si Aling Mellisa sa pinto at nang muli niyang ibalin ang tingin sa kausap ay bigla itong nawala. Malaking pagtataka man ay tumayo siya upang pagbuksan ang kumakatok.

"Nandiyan na!" sambit niya sabay bukas ng pinto.

"Sino po ang hinahanap niyo?" pagtatakang tanong ni Aling Mellisa sa babaeng kumatok at titig na titig ito sa kanya.

"Kayo ba si Mellisa?" diretso nitong tanong.

"Kilala niyo ako?" ganti nitong tanong.

Iniabot ng babae ang kanyang palad para makipag-kamay at bigla itong ngumiti. 'Yung ngiting parang walang katotohanan. Tumitig ang babae sa loob ng bahay ni Aling Mellisa na para bang may hinahanap.

"May kailangan po ba kayo?" pagtatanong nito sa babae.

"Wala naman. Kami kasi 'yung bagong lipat kaya gusto ko lang maglibot-libot," wika nito.

Nagulat si Aling Mellisa at talagang nakaramdam siya ng takot na kanina lamang ay nawala ngunit hindi niya ito pinahalata dahil baka kung anong gawin ng babae lalo't alam niya ang pagkatao nito.

"Ganun po ba? Welcome po kayo para sa akin," pilit nitong sabi.

"Salamat! Hindi ko inaasahang napakabait mo pala Mellisa," tugon ng babae.

Pinapasok muna ni Aling Mellisa ang babae. Paraan na rin upang hindi siya mahalata at alam niyang nandiyan lang ang Diyos sa likuran niya para gabayan siya.

"Sa iyo ba itong bahay?" muling tanong ng babae.

"Yes!" tugon ni Aling Mellisa.

"Maaari ko po bang malaman ang pangalan niyo?" tanong muli ni Aling Mellisa.

"Leny!" tugon nito.

Palagian pa rin ang pagtingin ng babae sa loob ng bahay ni Aling Mellisa at mayamaya'y tumayo ito.

"Sige Mellisa. Salamat sa pagtanggap mo sa akin at kailangan ko pang umuwi. Baka hinahanap na kasi ako ng anak ko," ngiti nitong bigkas.

"Walang anuman at salamat din sa pagpunta rito," tugon ni Aling Mellisa.

Palabas na ang babae nang muli itong tumitig kay Aling Mellisa na para bang may gustong ipahiwatig. Sa paglabas nito, agad na isinara ni Aling Mellisa ang pinto at lumakad muli sa kinauupuan dahil pati siya ay naguguluhan.

IPAGPAPATULOY...
-----

Misteryoso 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon